Chapter Two: Ang Oa at Ang Harsh

10 0 0
                                    

KIKAY'S  POV

 Prenteng-prente akong nakaupo dito sa sala ng apartment namin.  Sabado ngayon kaya walang class. Kasalukuyan akong nanonood ng movie habang kumakain nitong cupcake.  Ako lang mag-isa dito sa bahay dahil nagsimba si Max. Gusto daw nyang humingi ng sign. Ewan ko nga ba dun.

Kung gusto nyong tanungin kung anong pinapanood ko... yun ay kung gusto nyong malaman. Di ko naman kayo pinipilit di'ba?? Oh, wag kayong humindi, tadyakan ko kayo dyan eh. Well, anyway, sa'n na nga ba tayo ngayon? Aishh.. nakalimutan ko tuloy, kayo kasi eh. Ay! Tama, kasalukuyan akong nanonood ng Hitman starring Timothy Olypath my labz! Gwapo nya talaga.  Trip na trip ko talaga yung barcode tattoo nya. Magpapa- tattoo nga sana ako ng ganun kaya lang nahuli ako ni Max, tsk, nagsumbong kay nanay kaya ayun sandamakmak na sermon ang inabot ko.

Nasa scene na ako nung inakala ni Agent 47 na isang witness si Nika Boronina nang biglang..

*Bogshhhhh~!

 Nahulog ang vase na nakapatong sa mesa adjacent ng door namin. Hudyat iyon na andito na si Miss iyakin, si Maxx a.k.a. Maria Alexandra Venice. Lagi talaga s'yang ganyan. Isang walking disaster slash reyna ng sablay ever... yan ang sakit nya, daig pa ang cancer na di kayang ma treat. Inborn kasi at naging part na ng system nya, sabihin na nating involuntary movement yan ng katawan nya hahahah

" My God Kikay! Ano na naman bang ginawa mo sa buhok mo hah??" takang-takang tanong nya habang ini-examine ang buhok ko.

 " Ang OA naman ata ng reaction mo dyan? Sipa, gusto mo?"

" Anong OA?! Eh parang nung isang buwan lang cherry red ang kulay ng buhok mo ah, and now, auburn na naman???? Yaman neto, buwan-buwan nagpapalit ng hair color." Sabi nya, sabay upo sa tabi ko at kuha ng cupcake.

" Oh? Pang isang daan at tatlumpu't kalahati mo na pinapanood yang Hitman na yan ah, di ka pa ba nagsasawa? Di maka move on te??" sabi nya, kulet nito ah, mabara nga.

" Eh ikaw?? Nakapag move on ka na ba? Buti nga ako eh, kay Agent 47 lang naloloka, eh ikaw? Sa dinami-dami ng minahal dun pa—"

" Oh, tama na, nasaktan na nga ako di'ba? Ouchess te, sagad to the bones yung sakit para akong namatay ng walang hustisya, ipa-assassinate mo na kaya kay Hitman yung si Trevor??" sabi nya, sabay subo ng isang cupcake, ang siba talaga nito.

"  Wag.Di pa pwede nuh." sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.

" Ba't naman?" napatingin sya sakin ang daming amos pa. -_________-

" Saka na pag nakapag move on ka na nuh, kasi kapag pina- assassinate ko sya kay Hitman baka patayin mo pa ako dahil mahal mo pa rin sya. Minsan kasi napakatanga mo, binalewala ka na nga, minamahal mo pa rin"  natigilan sya, paiyak na 'to, swear. Kaya naman bago pa mangyari yun.

" Oh sige, umiyak ka, susuntukin talaga kita dyan!" sabi ko sabay pakita ng right fist ko sa kanya.  Naduduling na sya sa kakatitig ng kamao ko.

" Oo na, di na iiyak.  Kahit naman anong iyak ang gagawin ko, di na papatak ang luha ko, out-of-stock na eh. Parang nabura na ata ang tear ducts ko."  sabi nya ng nakatungo

To cut the dramatic scene off, ginulo ko ang buhok n'ya at inihilig ang ulo nya sa balikat ko. Mas kelangan n'ya 'to.

" Ito talagang si bunso, napakadali mo kasing ma-inlove at take note, hindi mo iyon kasalanan ha. Ang tanging kasalanan mo lang ay nagmahal ka sa maling tao. Sa pag-ibig kasi, dapat utak pinapagana. Dahil sa huli ikaw at ikaw lang din ang masasaktan if you will let your heart reigns. Gayahin mo na lang kasi si Hitman—"

" Maging assassin na lang din ako, ganun???" tiningnan nya ako.

" Bakit gusto mo ba? Takot na takot ka nga sa ipis, ang pumatay pa ng tao? Ikaw talaga, di mo ako pinapatapos eh, gayahin mo si Hitman na hindi pinapagana yung heart, mautak sya kaya astig heheheh."

Ang Labstory kong EwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon