Chapter Four- Miss Hintay

8 0 0
                                    

MAXX's POV

" Ah. Ang ganda ng butterfly. Habulin ko muna!" wooh! Buti na lang may pumasok na butterfly at biglang lumabas. Bahala na si butterfly. Lame excuse na kung lame.

At oo, talagang hinabol ko. Di ako tumigil sa kakatakbo baka mahabol pa nya ak—

" Miss hintay!" anak ng duling na ipis naman oo! Hinabol nya talaga ako. Enebeyen? Kelan pa na change ang name ko? Miss Hintay daw oh!

Takbo~

takbo~

Sige lang Maxx, takbo ka lang hangga't hindi ka pa na—

" Aray!" Sabi ko na nga ba eh... I tripped. Yes I did!Yes I did. Somebody please tell who the F I am. -__-

Pero dahil mas umaapaw ang escape churva ko eh minabuti ko nang lumakad na lang nang mabilis baka pag tumakbo ako eh matatapilok na naman ako.

Buti na lang medyo marami ang mga lumalabas na tao sa eskinitang aking dinadaanan.

" Miss, teka lang." Nakasunod pa rin sya? Di ko na sya nilingon baka ma memorize pa nya mukha ko, tapos ano? Ipapakulong nya ako? Sasampahan nya ako ng kaso? Ano na naman kaya? Harrassment? Magnanakaw? Ano bang ninakaw ko? Ah! Nagnakaw nga pala ako ng halik. -__-

Dali dali akong lumakad. Ayokong tumakbo baka akalain ng mga tao dito kriminal ako na hinahabol.

Bakit hindi ba?

I should be encoding right now.

Napa print ko na sana.

Nanalo na sana ako kay Kikay. T_T Kamalasan!!!??? Pabayaan mo na ako!!Hindi tayo close kaya wag kang FC!! Pagod na pagod na ako! Mag eh encode pa ako eh! Ano ba?

"Miss? Ano ba??Tumigil ka nga sa kakatakbo!!" sigaw nya. Hala ka! Andyan na sya!! Papalapit na!! Papalapit nang papalapiiiiiiiiiiiiiit! And Voila! Nahawakan nya kamay ko! Paano na to??

" Kuya! Maawa ka, hindi ko po sinasadya yung nangyari sa simbahan!!! T_T . Sadyang na hypnotize lang po ako! Minu-minuto ko pong pinagsisisihan ang nagawa ko po sa inyo! Parang awa nyo na po! Huhuhuhu!!"

Oo na, ako na si Miss Ngawa. Talagang niyakap ko bigla yung legs nya nang hindi lumilingon. Baka kasi mamemorize nya mukha ko eh... mahirap na.

" Miss, tumayo ka na nga. Tigilan mo na yan." Sabi nya habang sinu-sway yung isang leg nya na niyayakap ko.

" Huhuhu, Kuya, sabihin nyo muna na okay na tayo. Na hindi ka na po magagalit at pati hindi mo na ako susundan at pati kakalimutan mo na yung pagnakaw ko ng halik sa'yo kahapon. Huhuhu." Sabi ko habang paiyak-iyak.

" Ano bang pinagsasabi mo dyan Miss? Tumayo ka na nga.! Ang dami nang nakatingin sa atin oh! " sabi nya na parang naa-annoyed na. Bigla akong tumingin sa paligid. Nak ng pink na tutubi! Ang dami nga nila. Para silang penguin na naghihintay ng next dialogue namin. Juice colored!

" At saka, anong nakaw na halik ang pinagsasabi mo dyan? " nagtatakang tanong nya. I then raise my head to see his face.

" Anak ng kambing na duling! Sino ka?!" gulat kong tanong, pero mas nakakagulat ang mukha nya nu! Hindi ko sya kilala. Hindi din sya yung lalaki sa simbahan. Sorry sa panlalait pero, hindi talaga kanais-nais yung mukha nya, pramis! Bilugan ang mukha nya at ang singkit-singkit ng mata. Na para bagang nalunod ng fats ang mata nya, di naman katabaan ang katawan nya pero para syang si Majimbo. Hindi ko na sya tinitigan masyado baka akalaing may HD na ako sa kanya. (Hidden Desire)

"At ako pa talaga ang tinatanong mo nu!Eh ikaw nga tong yakap ng yakap sa paa ko, di mo pa rin ba matanggap na wala na tayo? Ano ka ba naman?! Habol ka pa rin nang habol sa akin! Di'ba sinabi ko sayo na break na tayo! Ayoko na!" sabi nya, at talagang nilakasan pa nya ang boses nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Labstory kong EwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon