<MAXX’s POV>
Hay naku! Di na ako makapag antay manalo. Baka inaakala ni Kikay na matatalo nya ang Oh So Gorgeous Greek Goddess na katulad ko? NO way, high way! Ako ang mananalo sa laban nato! Talagang Kinareer? Hahahaha.. bayaan nyo na! Eh kasi naman umaapaw ang inspired cells, organs and organelles ko ngayon eh !Gusto nyo bang malaman kung bakit inspired na naman ako??Ayiiiks~ *blushing*
Ganito kasi yun...
<<FLASHBACK>>
“ Lord, bakit ba nangyayari sa akin to? Ano bang ginawa kong kasalanan? Do I really deserve this pain??? HUHUHU... Ang sakit, ang sakit sakit... I did my best but my best wasn’t ... *Click*. Huh?” biglang naputol ang pag eh emote ko ng makarinig ako ng click ng camera. Lumingon ako kung saan nanggaling yun. At paglingon ko, parang bumukas ang pinto ng langit habang magiliw na kumakanta ang mga nagliliparang mga anghel. Habang si San Pedro naman ay kumakaway habang bitbit nya ang cute n’yang pink manok. Nakasisilaw na liwanag ang tumatama sa aking mga mata.
“ Hi? Hehe...sorry ha, I took a shot of you.” Yung boses nya, parang...parang ang tamis-tamis at ang lambing-lambing. Para akong dinuduyan sa ulap.
“ Miss? *he snap his fingers on my face* Miss? *yugyog sa’kin*
“ Hah?” wala sa sariling sabi ko.
“Bakit ka tulala dyan Miss? Sabi ko, sorry kong kumuha ako ng stolen shot.”
“ Ah—Ang gwapo mo?” ang gwapo nya..oh, inulit ko lang,paki nyo? Haha..Ang lambot lambot ng pisngi nya, parang pwet ng baby. At ang fair pa, ilang SPF ba gamit nito? At yung mga mata nya, parang diamante na wari’y kumikinang. Ang gandang tignan. At ang ilong nya, well-proportioned. At yung lips—yung lips nya—parang nag eh invite na halikan ko sya, parang ang soft at ang kissable...Bawat salitang sinasambit nya parang isang musika sa pandinig ko. Ang ganda ng labi nya talaga. Para akong nalalasing pag tumitingin sa kanya.
*TSUP*
Ang lambot nga. Tama ako, ang lambot ng labi nya,te—teka lang.ANG LAMBOT NG LABI NYA? Paano ko nalaman yun? Teka, ah-anong ginawa ko???Oh my!Pag tingin ko sa kanya, gulat at pagtataka ang nakapinta sa mukha nya.
“ Mi-Miss, ba’t—ba’t mo ako hinalikan?” takang-taka pa rin sya habang ako eto, windang! My God, ba’t ko ba naisip gawin yun? Actually, hindi ko naman talaga naisip yun, Biological instinct?Body language? Call of kalandian?
Hawak-hawak ko pa rin ang mga labi ko habang tina-try kong magsalita. Ano bang gagawin ko? Anong paliwanag ang sasabihin ko? ‘Natripan lang kitang halikan, bakit gusto mo ulitin?’Ganun? Ano ba? Help me.. TT_TT
Hindi ko pala namalayan na di hamak na mas mabilis kumilos ang mga paa ko kesa pagsasalita ko kaya naman, walkout ang peg ng lola nyo. Hahahahah. Ba’t pa iisip ng magandang palusot kung pwede naman mag walk out?hahahah.
“ Miss, hintay!” sabi nya habang humahabol sa akin. Naman! Gusto pa ata nya ng isa? Naku! Abuso much na yan ha! Hahah.. Enebeyen!Nasa simbahan kami pero ano yung ginawa ko? Hinalay ko sya ng walang kamalay-malay. Huhuhu. Napa ka makasalanan kong tao! Bakit ko ba kasi naisip gawin ang mga bagay-bagay na di kanais-nais, yan tuloy. Pati first kiss ko, sinuko ko. Pero in fairness, ang tamis at ang lambot ng lips nya. Heheheh.. Spell LANDI.
>>>END OF FLASHBACK
Oo, yun ang nangyaring kababalaghan kanina. Kaya, ngiting-ngiti ako ngayon,ewan ko ba, up until now, I could still reminisce that moment. Ikaw kaya magnakaw ng halik? Hahaha. Ilang sandali lang.
BINABASA MO ANG
Ang Labstory kong Ewan
RandomThis story is just a work of fiction and originally written by Crestfallensanity. Any resemblance to real life stories are just purely coincidental. Anybody caught copying or reproducing this will be punishable by the court. P.S. photo made as a co...