Late na ako at rush hour pa kaya punuan ang mga jeep buti na lang nakasakay na ako. Tumigil ang jeep sa tapat ng isang babae.
"Neng, isa pa, sa unahan." sabi ng driver. Tiningnan ko ang babae.
Mukhang magkasing baitang lang kami pero base sa uniporme niya nag-aaral siya sa isang private school. Binuksan ko ang pinto at umusod para makaupo siya. Nang makaupo na siya ay naramdaman ko na umuusod siya kaya umusod din ako ng bahagya para makaupo siya ng ayos.
Umandar na ang jeep at nakaramdam ako ng ilang. Nakita kong kumuha siya ng pera. Inilapit niya ang kamay sa driver kaya naman napasandal ako para magbigay daan. Matapos noon ay ikinabit ko ang earphone sa aking tainga para makinig ng music.
Mahaba haba ang biyahe iiglip muna ako.
Nakita kong kumakain siya ng pancake. Natakam ako at nagulat ng kumalam ang sikmura ko. Nakalimutan ko nga palang kumain. Nakita ko namang napangiti ang babae. Nakakahiya.
"Gusto mo? Mukhang gutom ka na po."
Nagulat ako nang alukin niya ako. Nakatingin lang ako sa pancake na malapit sa mukha ko.
"Hindi, ayos lang." Pagtanggi ko kahit gutom na gutom na.
"Sige na tatlo naman ang binili ko tsaka walang gayuma 'yan." sabi niya at pinatong ang pancake sa bag ko. Wala na akong nagawa kundi kainin 'yon.
"S-salamat." mahina kong sabi na mukhang narinig niya dahil tumango siya.
Napakabait na, napakaganda pa.
Patuloy pa rin sa pag-andar ang jeep at naubos ko na rin ang pancake na binigay niya. Nang pagmulat ko mula sa pagkaka-idlip nagulat ako nang makita na nakatitig ang dalaga sa side mirror ng jeep at panay ang pagpapa-cute. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako kaya umiwas agad ako ng tingin.
Ang cute naman.
Naka-idlip ulit ako ng tumigil ang jeep sa traffic. Nagising ako nang kulbitin niya ako. Agad ko siyang tiningnan at tinaggal ang earphone sa aking kanang tainga.
"Excuse me, saan ka bababa?" tanong niya. Medyo nahihiya.
"Sa mall."
"Ahh, mauuna pala ako sayo." sabi niya at umayos agad ng upo.
Pumikit ulit ako para umidlip dahil traffic nang marinig ko ang pagbulong niya.
"Ang pogi na, matalino pa." pinilit kong hindi ngumiti. Siguro ay nakilala niya na mula ako sa public science school dahil sa uniporme ko.
Umusad na ang jeep sa traffic. Naramdaman ko ang pag-usod niya kaya naman umusod ako ng konti palapit sa driver. Makailang beses siyang umusod kaya naman umusod din ako para magkasiya kaming dalawa sa upuan.
"Toy wag kang masyadong lumapit at hindi ako makapagmaneho ng maayos, baka madisgrasya tayo." sabi ng driver kaya pumirmi na kami ng upo.
Tumigil na naman ang jeep dahil sa traffic. Nakita kong may kachat siya, ang sabi ay may assignment sila. Nabasa ko rin ang reply niya na hindi pa niya tapos. Iniwas ko agad ang tingin nang isara niya ang cellphone. Kumuha siya ng papel at ballpen saka nagsulat sa dashboard ng jeep.
Nag-alala ako na baka hindi siya makapagsulat ng ayos dahil magalaw ang jeep.
Hindi na siya nakasandal kaya naman napansin ko na medyo bumubukas ang pintuan sa gilid niya. Inabot ko ito at hinila para sumara. Napalingon naman ang dalaga at ang driver sa ginawa ko. Sumandal agad ako sa upuan.
"Bumubukas po 'yung pinto." sabi ko. Binalik na nila ang atensyon sa mga ginagawa.
Napalingon ako sa bandang tuhod ko at nakita ang isang convex mirror doon. Bakit may salamin dito? Tiningnan ko kung mayroon sa banda ng babae at nakita kong mayroon din. Ang masama pa nakasuot siya ng medyo maiksing palda.
BINABASA MO ANG
Pancake (FOOD&LOVE Anthology #3)
Ficção AdolescenteFOOD & LOVE Anthology #3 Rush hour nang magkatabi si Matthew at Wendy sa unahang bahagi ng jeep. Ngunit habang humahaba ang biyahe ay tila nabubuo ang kanilang pagtingin sa isa't isa. Ano kaya ang ginawa ng isang pancake upang simulan ang isang isto...