"Ikasiyam na Kabanata"

13 2 3
                                    

Napatango tango naman ako sa sinabi sakin ni ate ngumiti ako sa kaniya hanggang sumingkit na ang aking mata.

"Ay teka nga pala ipapakilala kita sa nagmamay-ari ng Haciendang ito siya si Señor Florate"

Pakilala niya sa isang lalaki na matangkad napatingin naman ako kay ate na namumula ang mukha niya anong nangyayari sa kaniya napailing nalang ako sa iniisip ko.

"At siya naman si Señor Francisco"

Napatingin naman ako sa lalaking iyon ngumisi siya saakin ng nakakaloka ako naman ginaya ko siya ramdam kong nagulat sila dahil sa pag-trato ko sa kanilang Señor.

"Tayo'y muling nagkita Señor"

Saad ko sa kaniya nang nakangisi ng nakakaloka ngumisi naman siya.

"Ikaw pala Binibini nagkita tayo ulit marami ba kayong isdang nahuli"

Pangloloko niya saakin hindi naman ako nag patalo.

"Marami,mas marami pa sa tala bakit Señor gusto ko bang bumili"

Tanong ko sa kaniya na nakangisi ng nakakaloka ngumiti siya at tumango.

"Pwede rin naman kung isa ka doon sa isdang mas marami pa sa tala"

Sabi niya saakin magsasalita na ako nang biglang sinuway ako ni inay.

"Lyna ganiyan mo ba galangin ang Señor"

Ika saakin ni inay kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Lyna magbigay galang ka kay Señor Francisco at humingi ng tawad"

Patuloy na sabi saakin ni inay kaya nakonsensiya naman ako kasi si Señor Francisco ay marangya kami naman ay mahirap kaya sinunod ko si inay nagbigay galang ako at nag paumanhin sa aking nagawang kasalanan tumango lang siya saakin saka ngumiti kaya napangiti narin ako nag paumanhin naman ulit si inay at ate sa kaniya dahil sa aking ginawa.

"Oh Lyna mag paalam kana kila señor"

Nakangiting saad saakin ni ate tumango ako Kay ate saka tumingin sa dalawang señor.

"Hanggang sa muli señor Francisco at señor Florante"

Sigaw ko sa kanila nung nakalabas na kami sa kanilang Hacienda kumindat lang saakin si señor Francisco ngumiti naman saakin si señor Florante bago ako tumaliko.

Umuwi kami saaming Nayon naabutan kami ng gabi bago kami makauwi sa nayon nag pahinga na naming lahat hindi na kami nakapagluto diretso sa mga silid nalang ang aming ginawa dahil sa mahabang paglalakbay.



Hanggang jan muna mga Binibini't Ginoo wag niyong kalimutang mag.

VOTE,COMMENT, SHARE.

"Ang Salamin ng nakaraang kasaysayan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon