Pagkatapos kung patayin ang ahas kanina ay iniwan ko na doon iyon at naghanap ulit puro takbo ang ginawa ko hanggang sa mapadpad ako sa isang puro bato na may kumakayamot na damo naalala ko iyong sinabi kahapon nung ka edad ni ate ay marami daw bato na parang kuweba pero sa gitna ng gubat iyon ibigsabihin nasa gitna na ako ng gubat tanong ko saaking sarili naalala kung kuweba ito kaya pinag-bubungkal ko ang mga bato na medyo may kalakihan maraming bato ang bubungkalin mo bago ka makagawa ng isang pintuan papasok sa loob nagbungkal lang ang ginawa ko.
Nung nakaramdam na ako nang gutom ay iniwan ko muna ang mga nabungkal na bato doon at naghanap nang makakain lahat nang dadaanan ko na puno paalis sa kuweba daw na iyon ay sinisira ko ang mga sanga na nalalampasan kung mga puno para meron akong senyal para mkabalik sa binubungkal kung mga bato kanina.
Papalubog narin ang araw kulay kahel(orange) ang langit sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay meron akong nakitang namumungang rambutan natakam naman ako tumakbo ako para lumapit doon nakarating ako sa harap nun at namitas nang bunga niya at kinain.
Kumakain lang ako doon sa lilim ng puno ng Rambutan naramdaman kung busog na ako ay tumayo na ako para bumalik sana doon sa kuweba para magbungkal ulit pero naalala kung wala ulit akong kakainin bukas kaya kukuha nalang ako.
Pagtingin ko sa pinagpipitasan ko kanina ng bunga ng Rambutan ay wala na napagtanto kung naubos ko iyon.
Sa itaas nalang ang may bunga kaya wala akong nagawa kundi akyatin iyon kumuha ako nang napakarami at inilagay sa panyong nasa mukha ko.
Bumaba na ako nung hindi mag kasiya sa panyo naabutan na ako nang gabi sa paglalakad kaya medyo madilim buti nalang naiilawan ako nang sinag ng buwan.
Sinunod ko lang ang ginawa kong senyal kanina para mapasok ang kuweba.
Ipinatong ko na sa damo yung kinuha kung Rambutan at naghanap nang dalawang bato para makalikha ng apoy para masinagan ang kinalalagyan ko naghanap din ako nang panggatong nung nakahanap na ako ay pinagkiskis ko na ang dalawang bato saka pinatungan ng mga tuyong dahon at panggatong ilang minuto ay lumaki na ang apoy nito.
Hindi naman ako makatulog kaya pinag patuloy ko nalang ang pagbubungkal napapansin kung Hindi na mahirap bungkalin yung mga bato kanina ko pa iyon napapansin parang ibinalik lang iyong mga bato.
Nag bubungkal lang ang ginawa ko magdamag hanggang sa naramdaman kong pagod na ako ay nagpahinga muna ako pero nakatulog na ako.
Kinabukasan meron akong narinig na nagtatawanan sa harap ko dinilat ko ang mata ko ay merong mga kastila na nakatayo sa harapan ko nasa sampung ka tao sila.
Bigla akong tumayo at hinablot ang panyo sa pinaghigaan ko kaya ang kinuha kung Rambutan ay tumilapon sa lupa, Ang panyong itim naman ay ibinalot ko ulit sa mukha ko at hinugot ang panaksak na meron pang mga dugo-dugo sinipa ko ang malapit saakin saka sinaksak sa leeg bumagsak naman siya sa lupa nataranta naman ang mga kasama niyang kastila pinalibutan naman nila ako at itinutok saakin ang kanilang baril bago pa nila maiputok ay tumalon ako ng mataas at sinaksak sila patalikod nagsi-bagsakan naman iyong iba meron parang natirang tatlo sinugod ko na sila yung isa sinipa ko ang baril niya saka lumapit sa kaniya at sinaksak sa leeg at tumingin naman ako sa natirang isa halatang takot siya dahil nanginginig ang kaniyang mga kamay lumapit ako sa kaniya pero pa-atras siya ng pa-atras ako naman ay lapit ng lapit ng mainip na ako ay tumakbo ako at inatake siya saka isinandal sa mga bato.
"Sino ka"
Tanong ko sa kaniya pero nakatingin lang siya saakin kaya hinigpitan ko naman ang pag-kakahawak sa kaniyang leeg nakita ko iyong takot sa kaniyang mata.
"Huling tanong kung gusto mo pang mabuhay sino ka anong ginagawa niyo dito at sa harap ko kanina, sagot!!! Sumagot ka bibilang ako ng hanggang tatlo kung hindi ka pa sasagot ay magagaya ka sa mga kasamahan mo."
"ISA"
Nagsimula na akong bumilang.
"DALAWA"
Ayaw niya talagang sumagot.
"TATL----------"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil siya'y nagsalita.
"Sino ako isa akong k--kastila a---t na------rito ka -----mi dahi----l sinabi iy---on ni s------eñorito Ismael d-dahil meron siyang ipapagawa"
Ika niya saakin na nauutal ngumisi naman ako.
"Madali kana sanang kausap… kaso Hindi mo dineretso isang tanong isang sagot ginoo anong ginawa niyo kako dito sa isang mga bato meron ba akong dapat malaman"
Nakangisi kung tanong sa kaniya nanginginig naman siyang nag salita.
"Ito kasi ang daungan(daanan) papuntang isla na pinagdalhan ni señor Ismael sa kaniyang mag-ina"
Sumingkit naman ang mata ko sinong mag-ina may tsansa bang sila inay,ate at john iyon,Nagpatuloy pa siya sa pag sasalita.
"Kuweba ang isang to n-nagulat nalang k- kami dahil merong taong natutulog at ikaw iyon"
Tumango lang ako sa kaniya.
"Sino ang magpapamilyang dinala niyo sa isla"
Tanong ko sa kaniya at linuwagan ang pag- kakahawak sa kaniyang leeg.
"Hindi ko alam kung sino ang mga iyon ang alam ko lang ay isang lalaki isang babae na medyo mas matanda sa iyo at saka babaeng ka edad lang ni señor Ismael at saka nga pala merong lalaking pinarusahan ni señor Ismael dahil pilit niyang ipinag-tatanggol ang mga mag-ina"
Saad niya saakin tinignan ko naman siya.
"Tulungan mo akong mag bungkal pupuntahan natin ang sinasabi mong señor Ismael"
Ika ko sa kaniya nagdadalawang isip pa siyang sundin ako pero tinignan ko na siya ng masama makalipas ang ilang oras nabungkal nanamin lahat at pumasok sa kuweba medyo madilim doon pero nakakaaninag parin naman ako kinaladkad ko ang kasama ko at meron akong nakitang mga bangka ang daming bangkang magaganda pero Hindi ko na iyon pinansin kinaladkad ko nalang ang kasama ko saka pinasakay sa isang bangka.
"Sakay"
Saad ko sa kaniya napilitan naman siyang sumakay itinulak ko iyon ito kasing kuwebang ito ay merong ilog papalabas sa nayon itinulak ko na iyon saka tumalon at sumakay.
HANGGANG DIYAN MUNA MGA BINIBINI'T GINOO AKO KASI'Y NA NGANGALAY NA KA TY TYPE BAKA MAMAYANG GABI PA AKO MAKAKAPAG UD PATAWARIN NIYO SI AUTHOR DAHIL AMBAGAL MAG UD HAHAHHAHA KASING BAGAL NG PAGONG MGA TEH.....IT REALLY HURTS HAHHAHA
VOTE,COMMENT,SHARE MGA MAHARRRR
KUNG MAAARI HUWAG MAGING SILENT READERS BWAHAHAHAHA (PARANG DEMONYO ANG TAWA KO MGA TEH CHARRR XD I LOVE YOU ALL SANA ALL....
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!!
BINABASA MO ANG
"Ang Salamin ng nakaraang kasaysayan"
Historical FictionIsang babaeng sinanay na lumaban para sa kapakanan nang kaniyang pamilya. Tahimik lang ang kanilang buhay pero nung dumating ang araw na may nang yari sa kaniyang inay ay naging isang madilim ang kanilang buhay tila isang problema na mahirap harapin...