Kinabukasan hindi ulit ako nag tungo sa ilog river dahil si John at inay ang pumunta kaya wala akong nagawa.
Kasalukuyan ulit akong narito sa baba ng nayon para makinig sa kwento ulit ipinagpatuloy namin ang naudlot na leksiyon kahapon.
"Mga anak pumunta naman tayo kung ano ang Barangay nasa kamay ng Cabeza De Barangay ang pamamahala sa mga Barangay.
"Tatlong taon ang haba ng panunungkulan ng isang Cabeza De Barangay."
"Pangunahing tungkulin niya ang paglikom ng mga tributo at buwis para sa Gobernador-Cillo."
"Tungkulin din niya ang pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa Barangay,Gayundin ang pag kuha ng mga polista o mga lalaking gagawa para sa mga pambayang gawain."
"Noong 1874 nagkaroon ng pamantayan ng pagpili ng isang Cabeza De Barangay."
"Kinakailangang marunong siyang mag basa at mag sulat sa Español,may magandang reputasyon,at may mga ari-arian."
"May tinatamasang mga karapatan ang mga Cabeza na ipang-kaloob ng pamahalaang kolonyal."
"Halimbawa nito ang hindi pagbabayad ng buwis at pagka-libre sa sapilitang paggawa ng mga Cabeza na nanilbihan nang may 25 taon."
"Pumunta naman tayo sa pagbabagong panlipunan nagkaroon ng bagong pag papangkat sa lipunang Pilipino noong panahon ng pananakop."
"Ang mga pangkat na ito ay ang pangkat ng mga pinunong Español,ang principalia na binubuo ng mga Inapo ng mga datu,mayayamang may ari ng mga lupain,mga guro,at mga pinuno ng Bayan."
"Marami silang pribelihiyo sa lipunan at kabuhayan tulad ng karapatang bumoto sa lokal na pamahalaan at humawak ng posisyon sa pamahalaan."
"Mayroon ding pangkat na tinawag na inquilino o tagapangasiwa ng mga lupa ng mga mamamayan at mga prayle."
"Ang mga 'KASAMA' naman ay ang mga tauhang pinili ng mga inquilino upang siyang mag saka ng mga lupaing kaniyang pinangasiwaan."
Mahabang salaysay saamin ng mga taga kwento.Nag patuloy pa sila sa pagtuturo.
Hanggang diyan muna ang UD MGA BINIBINI'T GINOO dahil ako'y nangagalay.
PAUMANHIN!! :)
VOTE COMMENT SHARE MGA MAHARRR :)
BINABASA MO ANG
"Ang Salamin ng nakaraang kasaysayan"
Fiksi SejarahIsang babaeng sinanay na lumaban para sa kapakanan nang kaniyang pamilya. Tahimik lang ang kanilang buhay pero nung dumating ang araw na may nang yari sa kaniyang inay ay naging isang madilim ang kanilang buhay tila isang problema na mahirap harapin...