Chapter 2

26 6 0
                                        


Tyron's POV (Calix's friend)

Pagkabalik namin ay umupo na agad kami pati na rin sina Cleo at Blaire na sumunod pala saamin para bumili rin ng pagkain. Una kong napansin ang titigan nina Sam at Calix kaya naisip ko na tuksuhin na lang sila kasi wala akong ibang magawa.

"Parang may natutunaw banda rito" pagkasabi ko nun ay lumingon sakin si Calix tapos sinamaan ako ng tingin. Hala natamaan ka ba? ok lang yan.

Sinilip ko si Sam at nakitang nakangisi na ito kaya nginitian ko si Calix at nginuso si Sam. Liningon niya ulit si Sam at kumuha na ng pagkain pero 'di pa rin na pawi ang sama ng tingin nito pero ngayon hindi na lang para sakin kundi pati na rin sa babaeng nakangise.

"Tuksuhin mo lang Tyron para matikman mo naman ang lason na ginagamit niyan sa mga kalaban" sabi ni Casper kaya nanahimik na ako. Hala? pwede ba ishare yan sa mga 'to?

"Gaano kalakas ang lason niyan?... in a scale of 1 to 10" sabi ni Blaire kaya nilingon ko ito with a wag kang makialam look pero wala rin naman akong nagawa nung magsalita si Chester.

"Well mga 5 to 6 lang naman, hindi naman nakakamatay" sagot ni Chester kaya ngumiti na lang si Blaire na nakakaasar to be honest. Sigee, minamaliit mo kami ah.

Magpapatuloy sana ako sa pagkain nang may maisip. Yung nga number pala, dapat ko yun itanong para di kami lutang.

"Code blue" biglang sabi ni Sam kaya nagtaka ako kong ano ang ibig niyang sabihin pero mas nagtaka ako nang umayos sila ng upo at naging seryoso ang mukha. Hala, mga bipolar pa ata.

Unang tumayo si Sam sa grupo nila na akala ko ay bibili lang ng pandagdag sa pagkain kaso di siya sa counter pumunta.

"Ano nangyari dun?" tanong ni Denver pero nanahimik lang sila kaya tiningnan ko ulit ang entrance. Parang may mali.

"Wala naman, may titingnan lang kaya kung ako sainyo uubusin ko na lang ang pagkain ko" sabi ni Cleo at sinundan na rin si Sam kasama yung tatlo pang babae

"Ang weird nila" sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain

--
Calix's POV

Nakapasok na kami sa room pero wala pa rin yung limang babae. Nagtaka tuloy ako kung ano ang ginagawa nila at bakit parang dikit ng dikit sila samin pero naisip ko na baka gusto lang nilang makipagkaibigan samin kaya ganun. Of course, gaslight lang yan. There's a part of me that thinks na alam nila ang status namin sa ibang mundo at pinadala sila ng kung sino sa higher ups.

Pumasok na ang lecturer pero wala pa rin sila kaya nakinig na lang ako kaysa naman sa mahuling lutang at parang baliw na naghihintay 'di ba... Ha? sinong naghihintay? bilis naman niyan.

Pero bakit ko nga pala sila hinihintay 'no... de bale na nga, makikinig na lang ako...

Natapos na ang klase at hindi na rin sila bumalik kaya wala na rin kaming nagawa kundi umuwi.

Papasok na sana ako sa bahay ng bigla namang may lumipad na matalim na bagay mula sa likod ko mabuti na lang at nakaiwas ako kasi kung hindi baka bangkay na ako na walang ulo. Titingnan ko sana kung sino yung nagpalipad nun, nang bigla namang may magsalita

"Pumasok ka na at 'wag nang lumabas, ikaw ang target nila" sabi nung pamilyar na boses "Pumasok ka na!" sumigaw ito kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok sa bahay "Wag na wag kang lalabas" rinig kong sabi niya bago ko isara ang pinto at ini-lock ito

Kilala ko to eh, parang familiar.

Makalipas ng ilang minuto ay tumahimik na sa labas kaya binuksan ko ang pinto at sumilip. Nang makitang wala ng tao ay isinarado ko na ulit ito at dumeretso sa kwarto ko para magbihis at matulog na rin.

---

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa room ng makasalubong ko si Sam.

"Nasan ka kahapon?" tanong ko agad sakanya kasi hindi mawala sa gut feeling ko na siya yung babae kagabi.

"Pake mo ba" cold niyang sabi at pumasok na sa principal's office. Sheesh, kinilabutan ako dun ah.

Mga babae nga naman. So unpredictable.

Dumeretso na ako sa room at naabutang nakaupo na yung apat na mokong pati na rin yung mga kaibigan ni Sam na nasa likod. Umupo na rin ako at nagsound-trip muna bago magsimula ang klase.

"Nandito na si sir Sales" sabi nung kaklase kong nagsisilbing watcher sa room. Siya na kasi ang naging watcher sa room since elementary days namin.

"Ok so self-study muna kayo habang wala ako and please wag kayong masyadong maingay kung ayaw niyong makatanggap ng punishment...ok ba yun?"

"Yes sir!" sabi nila

"And Samantha? please come with me to the office" dagdag pa nito bago tumango sa buong klase at lumabas kasama si Sam na wala man lang reaksyon.

"Mukhang magsisimula na si Sam" rinig kong sabi ni
Jade. Nagsisimula saan exactly?

---
Sam's POV

Naglalakad ako papunta sa principal's office ng makakita ako ng mga estudyanteng nagsisigarilyo. Actually dalawa lang ang nakita ko, kanina nung naglalakad ako sa garden at ngayon naman ay dito sa may hallway kaya binilisan ko ang paglalakad ko para masabihan na ang principal nang bigla ko namang makasalubong si Calix. Naalala ko tuloy yung kahapon

"Nasan ka kahapon?" biglaan niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad

"Pake mo ba" sabi ko with a cold expression, kasi naman nagmamadali ako tapos bigla siyang susulpot.

Pumasok na ako sa principal's office na kanina ko pa pala katapat buti na lang di ko nalagpasan. Naabutan ko dun si Jordan na natutulog.

"Ganto na pala ang principal ngayon" sabi ko at hinagis yung tape na nakasabit sa doorknob kaya nagising si Jordan dahil sa ingay na idinulot nito

"Insan naman ang ingay mo" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Ipatawag mo lahat ng lecturer dito, wag kang gagamit ng speaker" sabi ko

"Tss" yun lang at tumayo na siya

"Ako na ki Sir Sales" sabi ko

"Porket yun yung malapit" sabi niya at tuluyan ng lumabas habang ako naman ay pumunta na rin sa room namin

Pagkabukas ko ng pinto ay tiningnan ko si sir Sales, nagpapahiwatig na kailangan niyang umalis.

AFTER A WHILE

"Pinatawag ko kayo ngayon dito dahil may nakita akong estudyante na nagsisigarilyo sa may hallway pati na rin sa garden... itatanong ko lang sainyo kung bakit wala man lang nakakaalam na may ganitong klaseng estudyante sa loob ng paaralan ko" sabi ko at nakitang napalunok yung ibang lecturer

"Easy ka lang Sam, I'm sure na may nakakaalam rin naman dito hindi lang nila nasabi" sabi naman ni Jordan na nagsisilbing principal dito

"Ayaw ko ng makita at mangyari ulit yan dito gawin niyo ang lahat mabago lang ang mga ugali ng estudyante dito, maliwanag? This school leads student to growth and I'm sure my father would be very disappointed with this news"

Wala namang nagsalita sa kanila pero alam kong alam nila ang mangyayari.

"and by the way make sure na lahat ng estudyante ay may nasalihan ng club, we will hold a club fest next month, kayo na ang bahala sa production and etc. siguraduhin niyong maganda yan" sabi ko at lumabas na para makapag usap-usap ang mga lecturer pati na rin ang principal

Bumuntong-hininga ako at dumeretso sa garden ng school. Alam ko na na sa event na yun ay magsisilabasan ang mga kabilang sa organizations.

[Ang daming POV switch ano baaa]

Duty to ProtectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon