Nasa mall kami ngayon para bumili ng stationaries kahit bukas na ang pasukan. We were occupied with all the things on the display area when suddenly the people around us started whispering. We looked at the entrance of the bookstore and saw five girls walk in.Wala naman talaga akong pake kasi nga nakafocus ako sa pagbili ng mga kailangan ko, pati ba naman school supplies kinacram namin ngayon eg ilang araw na lang ang pasukan.
"Nice, they are pretty," I heard Casper say while I continued looking at notebooks.
'Inuuna talaga ni Casper ang landi'
When I had picked one, someone took the notebook I was reaching for. I looked and saw it was the girl from earlier.
"Do you want this?" the girl asked, holding the notebook out to me.
"Yes, please," I said, my voice getting softer kasi nakakahiya naman kung bigla ko na lang siyang sisigawan.
"Okay, I'll find another one," she said and handed me the notebook, which I took immediately.
I saw one of the girls whisper something to her. She nodded, smiled at me, and went to look for another notebook before paying at the counter.
"What a waste, bro," Casper said, but I ignored him and paid at the counter, then headed to Denver's car.
I looked at the notebook I chose and absentmindedly checked the back of it. I was surprised to see a number and name written there.
"Samantha Chile Smith... could she be the girl from earlier?" I wondered, then put the notebook away.
'Malamang siya 'to kasi kung hindi, eh sino?'
After that interaction, I didn't think much into it and proceeded to do what I came here for. Di rin naman nagtagal ay nagpasukan na nga, ang pinakaayaw ko sa lahat.
---
Pagkapasok namin sa room, umupo na agad ako habang sila naman ay nakikipag-usap pa sa mga babaeng may gusto sa kanila. How the fuck could that entertain someone with no sense of responsibility though. Makalipas ng ilang minuto, nag-bell na at pumasok na si Sir Sales pati na rin yung apat.
"Good morning, sir" bati nila sa guro habang ako naman ay nakatingin sa kawalan.
"Good morning," sabi ni Sir Sales at inayos muna ang gamit niya bago magsalita. "May transferee tayo this academic year so please lang, pakisamahan niyo sila... Pumasok na kayo," sabi ni Sir, pero pumikit lang ako dahil ayaw ko makakita ng bagong kaklase.
"Magpakilala na kayo," utos ni Sir.
Isa-isa nga silang nagpakilala pero nagpaantig sa mga kaklase ko ay ang isang babae na kaapelyido ng director ng school.
"Cleo Smith..." hindi niya natapos ang sinasabi niya nang may nagtanong.
"Anak ka ng may-ari?" tanong ng isa kong kaklase.
"Pwede namang ka-apelyido lang," sabi naman ng isa.
"Actually oo, pati ang kapatid ko," sagot niya.
Malamang, magkapatid nga 'di ba syempre parehas kayo ng may-ari.
"Pwede bang patapusin niyo muna sila?" biglang sabi ni Casper, halatang interesado sa mga nagong salta. hanap na naman siguro ng bagong lalandiin.
"As I was saying... I'm Cleo Smith," sabi niya. Pagkatapos niya, wala nang nagsalita kaya umayos na ako ng upo pero nakapikit pa rin, akala ko kasi tapos na kaso biglang may nag salita.
"Please introduce yourself too," sabi ni Sir.
"Hello everyone, I'm Samantha Chile Smith. Nice to meet you all." Pagkasabi niya nun, bigla akong napadilat at nasalubong ang tingin niya.
"Please seat down on the vacant seat over there," sabi ni Sir kaya umupo na sila sa bakanteng upuan na nasa likod namin.
Bago umupo si Samantha, nginitian niya muna ako.
What the...
"Ano meron sainyo ni new student?" tanong ni Tyron.
"Nakita ko siya sa mall nung namili tayo ng mga gamit," sabi ko.
"Yun lang talaga? Wag kang magtatago ng sikreto sa amin. Hindi ka ganyang tao," dagdag niya kaya bumuntong-hininga ako at inilabas ang notebook na kulay itim na may number niya. Binigay ko yun sa kanya.
"Ano gagawin ko dito?" tanong niya na nagtataka.
"Sa likod," sabi ko kaya chineck niya yung nasa likod.
"Hala, tama ba tong iniisip ko," namamangha niyang sabi na pinaningkitan ko lang.
Nagulat kami ng biglang may nagsalita sa likod kaya nilingon namin ito at nakitang si Samantha pala. Tiningnan rin namin yung katabi niya at nakitang nagpipigil sila ng tawa kasi may nagtuturo sa harap.
"Just call me Sam by the way, that's my nickname, and call her Ali," sabi niya na para bang binabasa niya ang isip ko. Sinabi niya yun kasabay ang pagturo niya sa sarili at sa katabi niya kaya nagkatinginan kami ni Tyron at wala sa sariling tumango.
Itutuon na sana namin ang atensyon sa nagtuturo ng biglang agawin ni Ali yung notebook kay Tyron at may isinulat, tapos pinasa kay Cleo, at sa iba pang mga transferee. Binalik naman ito kay Sam at nakitang may isinulat rin siya bago iabot sakin ng nakangiti. Chineck ko ang likod ng notebook ko at nakitang lahat ng number nila ay nakasulat na dun, tapos may nakalagay pang 'In case of emergency, dial these numbers' at 'Please give one number to your team'.
"Ali's number for Tyron, Blaire for Chester, Cleo for Casper, Jade for Denver, and mine for you," sabi niya habang nakangiti. Sa una hindi ko na-gets pero nung maalala ko ang una niyang sinabi, na-gets ko na. Yung mga number pala ang tinutukoy niya. Akala ko kasi iba eh...
Pinasulat ko ang number ni Ali kay Tyron at sinabing ibigay niya na rin ang ibang number sa iba pa naming kasama. Nagtataka man ay mas pinili ko na munang hindi intindihin kung bakit nila binigay ang number nila saamin. Study first kasi ako eh. Pagkatapos nun ay tinanguan ko na si Sam at nag-focus na sa tinuturo ni Sir Sales.
---
After Class (Break Time)
"Hoy, para saan yung mga number na yun?" tanong ni Chester habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"In case of emergency nga 'di ba!" nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si Denver at nanguna ng maglakad.
"Problema nun," sabi ni Chester.
"Ingay mo daw kasi," sabi ni Casper at sinundan na si Denver.
Nangibabaw ang mga bulungan ng nga taong nakapaligid samin dahil sa pagpasok ng bigating grupo, a.k.a grupo namin. Syempre puro compliments sa iba tas sakin panglalait.
Actually di ko talaga alam kung san nagmumula ang hinanakit nila saakin samantalang since day one palang naman kaibigan ko na ang mga 'to at wala rin naman akong scandal so I don't really know what to think kaya hinahayaan na lang namin.
"Ako na bibili ng pagkain natin," sabi ni Tyron pagkaupo namin.
"Sama ako," sabi ni Casper kaya umalis na silang dalawa.
Akala ko tapos na ang pagchichismis ng mga tao kaso biglang lumakas ulit kasi sa pintuan ng cafeteria biglang bumungad ang mga pagmumukha ng grupo nila Sam. Magaganda ba naman eh, unang araw palang sikat agad.
Hindi ko na pinatagal ang pagtitig sa kanila kasi ano naman kung sumikat yang mga yan pero sa gilid ng mata ko, nakita kong tinuro kami nung Cleo kaya napabuntong hininga ako.
"Can we sit here?" sabi ni Ali.
"Sure, the more the merrier, 'di ba Calix?" sabi ni Casper pagkabalik niya kaya wala akong nagawa kundi tumango.
"Thank you," sabi ni Ali tapos umupo na. Umalis naman sina Blaire at Cleo para siguro bumili ng pagkain nila. Nagangat ako ng tingin at nasalubong ulit ang titig ni Sam na ngayon ay nakangisi na.
Ano na naman problema nito sa'kin? I swear, lagi niya kong pinagmamasdan, baka type ako neto? nice taste ah.

BINABASA MO ANG
Duty to Protect
Fiksi Remaja[Under Major Editing] "We are trained to kill, not protect. Why are we on a mission to save people?" Samantha Chile Smith and her gang find themselves in an unexpected position. Their mission: protect the Dark Knights from being assassinated. They...