Chapter 1

277 6 2
                                    

Hongkong International Airport

Isa si Jade sa sa daang pasahero na bumaba sa eroplanong iyon. Halos walang

ipinagbago ang airport ng Hongkong ganun pa din, pero isa ito sa pinaka paborito

nyang airport bukod sa centralized ang lugar ay napaka organized pa.

matapos ipakita ang kanyang mga dokumento at matatakan ang kanyang passport ay

nagdiretso na sya sa may conveyor upang intayin ang dala nyang gamit.

Sa may arrival ng airport ay naghihintay na ang sundo nya. Si mang Rudy ang kanyang

driver. pagkakita nya dito ay agad syang ngumiti at kumaway dito.

"Jade iha, kamusta ka na. lalo ka yatang gumanda ngayon" nakangiting sabi nito ng

samalubong sa kanya.

"mabuti naman po tatay rudy kamusta po sa bahay" tanong nya. tanong niya.

" naku ayos lang, excited na ang nana pinang mo sa pagdating mo" pahayag nito saka

inagapayan sya sa paglakad palabas.

pag dating nya sa may labas ay hinubad nya ang kanyang shade at inilagay sa may ulo

nya.

Ah Hongkong It's nice to be back here again, after 2 years nakabalik ulit ako

dito.atlast nakapag bakasyon kahit saglit lang. usal nya sa isip nya.

pagkakita nya sa kotseng minamaneho ni mang Rudy ay sumakay na sya sa front Seat at

nagpahatid sa mansion nila sa Kowloon.

habang daan ay manaka naka syang sumisilip sa bintana ng kotse. Tabi tabi ang mga

building na nagtata asan. makikita mo ang tabi tabing tindahan ng mga alahas at kung

anu ano pa. Pagdating nya sa 5 palapag nilang mansion ay agad syang binati ni nana

pinang.

"kamusta ang byahe mo Jade?" tanong ni nana pinang.

"ayos naman po nana pinang" nakangiting sagot nya dito.

" ano ka ba namang bata ka? bakit hindi ka na lang sumakay sa private plane nyo at

nagpahatid kay Gregory?" tukoy nito sa kapatid nyang sumunod sa kanya.

"busy po si Gregory, in love yata ang loko" nangingiting sabi nya.

"kamusta naman po si Stephanie? andito po ba sya ngayon?" hanap nya sa nakababata

nyang kapatid. sampung taon ang tanda nya dito.

"naku isa pa yang kapatid mo na yan,pasaway!.kayo talagang mga bata kayo, o sya gusto

mo bang magpahinga o kumain muna? inihanda ko ang mga paborito mong pagkain,

ipina ayos ko na din ang kwarto mo sa second floor" mahabang sabi nito.

Napapangiti syang inakbayan ang matanda.hindi na iba ang turing nya dito at sa asawa

nitong sis Tatay Rudy.

Kapit-bahay nila ang mag-asawa sa Cavite. pag wala syang baon ay isinasabay na sya ni

Mang Rudy sa School pag pumapasok ang mga anak nito.

Si Nana Pinang naman ay nagdadala sa kanila ng pagkain pag may sobrang pagkain sa

mga ito.

Nalungkot ang mag-anak ni Nana Pinang ng malaman nito noon na lilipat na sila ng

Hongkong. Pero madalas pa din syang dumadalaw sa mga ito.

2nd year College sya sa Harvard University ng malaman nyang isa ang bahay nila Mang

Rudy sa natupok ng apoy ng masunog ng apoy ang palengke ng Naic.nalungkot sya ng

malaman ito kung kaya't dali dali syang umuwi ng Pilipinas.

Naabutan nya ang pamilya ni Mang Rudy na pansamantalang nakikitira sa evacuation

center. agad nyang ikinuha ng apartment ang mga ito at ipinaayos na din ang passport.

Kalaunan nga ay isinama nya na ang mga ito sa Hongkong upang mamahala sa

kanilang mansion,doon na din nag-aral ang dalawang anak nito.

"ano po bang ulam natin nana pinang?" tanong nya dito.

"naghanda ako ng paborito mo, sinampalukang manok. nagbakasyon kc ng Pinas yung

kaklase ni Grace e nagpabilin ako ng bulaklak at talbos ng sampalok,buti nadala dito

kaninang umaga" mahabang paliwanag nito.

"ganun po ba? the best ka talaga nana pinang.no wonder kung bakit na in love po sa

inyo si tatay Rudy" sabi nya dito.

"kuh ikaw talagang bata ka,biniro mo pa ko.parine na nga tayo sa dining room"

"magpapahinga po muna ako nana pinang" aniya dito matapos kumain.

"o sya sige akoy andito lang sa first floor ha pag may kailangan ka andyan naman ang

intercom, magsabi ka lang"anito.

"okay po nana pinang" sabi nya dito at umakyat na sya sa hagdan papunta sa kwarto

nya. Pagpasok na pagpasok nya sa kawarto nya ay agad syang nahiga sa malambot

nyang kama...dala ng pagod ay agad syang nakatulog

************************************

hmmm... first time ko gumawa ng kwento. though pangarap ko talagang maging writer

nung high school pa lang ako,nag susulat na ako nun.

natutuwa kasi ako sa mga classmate kong bata pa sa BSE-1 na nag gagawa ng story dito

sa wattpad. so eto na engganyo na din ako. habang bantay kay beybi geh tipa tipa muna

ng keypad...isip isip ng gagawing kwento. thank you pala sa 11 readers ko, kahit isang

oras ko plang nagagawa tong chapter one e may 11 readers na ako... SALAMAT!

muaaahhh!

nakaka inspire kasi gumawa ng story pag alam mong may reader ka. so sana

magustuhan nyo tong ginawa ko.

till then...

love lot's
Jheydlee

Jade's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon