"TOK TOK TOK TOK. Gising na malalate ka na. unang araw mo sa eskwela malalate ka pa" ang sabi ng Tatay ko habang winawasak ang pinto ng kwarto ko.
Ako: Sige po. Lalabas na ko ng kwarto. Idlip lang ako 5 mins
Tatay: Bahala ka. Alas otso na.
Agad akong tumayo kasi 8:30 ang pasok ko. 25 mins ang byahe, 5 mins maglakad papuntangbuilding at 15 mins para maligo,kumain at magbihis. Natataranta aakong lumabas ng kwartomaliligo na sana ako ng makita ko ang orasan na nasa sala. Tae 6:30 palang.
Tumatawa lang ang tatay ko ng malakas nang makita akong nagmamadaling lumabas ng pinto. Pumasok uli ako ng kwarto para matulog pero di ako makatulog, nagising na kasi ang diwa ko nang magmadali akong bumangon.
Tatay: di ka na nakatulog noh?hahaha. Gising ang diwa mo sakin Pongpong.
Jp: TSK! mas nagigising ang diwa ko pag tinatawag mo kong pongpong. haaaay, makaligo na nga lang.
Tatay: Aha!binigyan mo ko ng idea kung panu ka gigisingin ng mas mabilis.
Jp: haaay nako sige lang Mang Kanor. TSK
Tatay: hahahaha maligo ka na. bantot ng hininga mo eh.
Pumasok na ko ng C.R para maligo, umupo muna ko sa bowl pumikit ako sandali para magpahinga bigla kasi akong inantok nung pumasok ako ng C.R.
Tatay: "TOK TOK TOK. pongpong alas otso na. malalate ka na sa klase mo."
Papikit pikit pa kong dumilat ng marinig ko ang sabi ng tatay ko. Kakapikit ko palang ah.
Nanloloko nanaman tong tatay ko TSK. alas otso tapos pag labas ko ng kwarto 6:30 palang, makatulog na nga lang ulit habang antok pa ko. Sabi ko sa sarili ko.
Bigla ang pagdilat ko, naalala kong nasa CR na pala ako. Nagmadali akong maligo at magbihis. di na ko nagalmusal kasi 8:10 na at may 20 mins pa ko para makaabot sa unang klase ko.
Wala na ang tatay ko pumasok na ng trabaho, paalis na ko ng bahay nagtext muna ko sa kanya na nasa school na ko, sermon nanaman kasi kung sasabihin kong paalis palang ako.
Malapit lang ang terminal ng jeep sa aming bahay wala pang isang minuto nakasakay na ko ng jeep papuntang school. Yun nga lang wala na akong makitang estudyante na papasok palang sa school lahat kasi ng first year 8:30am to 1:00pm ang klase tapos ung mga 2nd,3rd at 4th year may sariling sched basta ang pinaka-maagang available na first subject nila ay 1:00pm onwards.
Time check 8:12 nakasakay na ako ng Jeep, grabe pawis na pawis na ko kakamadali. May kaharap ako isang estudyante hindi ko sya kaagad napansin kaskwela ko pa pala, ayos may kasama akong late. wahahaha.
Pero mukang di sya 1st Year muka kasing masipag na babae pumapasok ng maaga para tumambay sa library, pero natutulog sya sa Jeep siguro napuyat magaral kagabi, hmmm pero 1st day palang siguro nag advance reading sya.
Nakatitig lang ako sa kanya buong byahe ang cute nya kasi kahit natutulog. Ayos malapit na ko sa School 8:20 ang bilis ng nasakyan kong Jeep 8 mins palang malapit na kagad sa school mga 8:23 siguro nasa tapat na ko ng gate ng school neto.
Ganda naman ng araw ko nakakita na ko ng cute na babae di pa ko nalate. Nasabi ko sa sarili ko na sasabayan ko sa paglalakad tong cute na babae kahit malate ako(pero ang totoo kampante na ko kasi malapit na kami.Wahahaha
Ayos gumigising na sya, napangiti ako . Mas nakita ko ung cute nyang muka pagkagising nya. Nagulat lang ako sa sunod nyang ginawa pumara sya at bumaba ng Jeep.
Naalala ko ung sinabi ko kanina hindi ko na sana gagawin ung sinabi ko pero hindi ko kasi ugali na bumali ng mga sinabi ko pwera nalang kung makakalimutan ko. TSK pahamak naman to. Kahit malayo layo pa, bumaba ako ng jeep para gawin ang nasabi ko sa loob ng jeep.
Pag baba ko nakita ko sya na naglalakad, naguunat unat at nagkukuskos ng mata. Lalapitan ko na sana sya para sabayan sa paglalakad at kung may magandang timing eh kakausapin ko na rin sya para makipagkaibigan, papalapit palang ako ng marinig ko ang gulat na sigaw nya.
Babae: Waaaah! malalate na ko.
Tumakbo sya papuntang school. Badtrip malas naman sana di nalang ako bumaba di ko rin pala makakasabay un. Tiningnan ko un oras sa phone ko 8:25. S**T, late na ko neto. Tumakbo na rin ako pero di ko nakita ung babae.
_______________________________________________________________________________
Pahelp naman po. Comment nyo mga suggestion nyo para mapaganda ko ung format. salamat:)