Chapter 6

46 28 0
                                    

Shopping

Maaga ako nagising sa kadahilanang ako nga yung magsusundo sakanila at siguro may halong excitement na din.

"Kuya Nato! Pede po ba gamitin yung van? Gagamitin ko po sana ngayon." Tanong ko kay kuya Nato

"Pwede naman kaso ang bilin saken ng daddy mo diko daw pede ipahiram sayo ng hindi ako kasama, san kaba pupunta? Ipagmamaneho nalang kita!" Sagot naman ni kuya Nato na ikinalungkot ko

Dad talaga walang tiawala saken, aksidente lang naman yung noon eh, diko naman sinadsadyang tumama yung brand new lamborghini niya sa puno, kasalanan yun ng puno paharang harang sya eh.

"Sigi po kuya, may gagawin po ba kayo ngayon? Pahatid po sana ako sa bahay ng mga kaklase ko po tsaka sa S&R mamimili po kasi kame" tanong ko naman kay kuya Nato

Sana nalang at wala siyang gagawin, kase magaalasiyete na ata kelangan kona silang sunduin.

"Sigi naman! Walang problema! Anong oras. Tayo aalis?" Tanong at sagot naman ni kuya Nato na ikinatuwa ko

"7 po alis na tayo" sagot ko naman at dumiretso na sa kwarto ko para maligo at magayos

Pagkatpos kong maligo, nagbihis na agad ako, nagsuot nalang ako ng black fitted pants, and tinernohan ko ng oversized shirt na puti at nagsneakers na lang ako. Sinakbit ko na din sa aking balikat ang black sling bag ko, inilagay ko na din dun ang wallet, phone, powerbank, panyo ko.

Di naman na ako nagdadala ng mga makeup kase liptint lang ako ayos na!

Di na ako nagumagahan at dumeretso na agad ako sa van, sakto naman at binuksan na ni kuya Nato yung van may inaayos nalang siya, naisipan ko din na sa S&R na lang kame maguumagahan.

Una naming pinuntahan si Reaver, siya kasi ang pinakamalapit na pupuntahan.

Bumaba nako ng sasakyan upang katukin ang bahay nila Reaver.

*Knocks *Knocks

"Tao po!" Pambubulabog ko

Agad naman nagbukas ang pinto, pero di ito si Reaver, isa siyang magandang dalaga, ate niya siguro ito.

"Ahm, sino po sila?" Tanong nung dalagang babae

"Uhm, si Reaver po?" Sagot ko naman dun sa babae

"Ay! Pasok ka muna! Pababa na din si Blake!" Sagot naman nung babae habang pinapaupo ako sa sofa

Infairness maganda ang bahay nila! High Ceiling siya! Pero simple lang! Habang nagiintay kay Reaver, kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko, para kontakin sila Francis at Jean.

BASM

Me:
Hoi! Ready naba kayo? Nakila Reaver nako!

Jean:
Yeppo!

Francis:
Teka eto na nagbibihis nako!

Me:
Oh sigi! Inaantay ko nalang si Reaver papunta na kami jan Jean! Tas sunod sa inyo Francis!

Jean:
See you! Ingat kayo!

Francis:
Ingats!

Jean:
May meeting of the parents nabang nagaganap?!

A Not So Love Story (Ongoing)Where stories live. Discover now