Chapter 8

46 23 0
                                    

Breathe

Habang naglilipat at nagaayos kami ng gamit, I felt something weird and unti unti ako napapahawak sa dibdib ko. Hindi ako makahinga! And yeah! I have asthma, nung highschool ako, dun ko lang na figure out that I have asthma, and it's freaking hard! Kung akala nung iba joke siya or hindi siya serious well dude, wag na wag mo sasabihin yan sa harap ko at baka mabatukan lang kita! It's really hard! Even though you all have to do is breathe, it's really hard! Parang may bato na nakabara sa dibdib mo dude! And it's really not a joke. As I've said it's serious and it's hard!

Napahawak ako sa braso ni Jean, hindi na talaga ako makahinga ng maayos.

Agad namang napatingin sakin si Jean, Francis at Reaver, may pagtataka sa kanilang mga mukha pero mukhang nagets na nila kung anong iniinda ko.

"Bakit?! Anong nangyari sayo hoi?!" Pag aalalang tanong ni Jean

"H-hindi ako makah-hin-nga" paghahabol ko ng hininga habang nagsasalita

Dahil sa hindi ako makahinga, ubo ako ng ubo. Ansakit talaga

Nataranta naman silang lahat bigla. Kumuha ng upuan si Jean, naghanap ng pamaypay si Francis at humanap naman ng tubig si Reaver.

"Oh umupo ka muna, jusko ka! Hindi mo naman sinabi na may asthma ka!" Ani ni Jean

"Ano ba dapat ginagawa kapag may asthma?! Hindi ako maalam sa ganon" ani naman ni Francis na tila bang nag-aalala na natataranta din at the same time

Pinainom agad ako ng tubig ni reaver.

"Hmm, ang alam ko lang sa ganyan is drink water, atsaka ano! Anong tawag dito? uhm, paper bag! Paper bag!" Sigaw naman ni Reaver

Halatang naalarma na silang lahat kasi humihigpit na ang hawak ko kay Jean.

Agad namang dumampot ng paper bag si Jean at inabot kay Reaver.

Medyo umaayos na ang pakiramdam ko, pero nahihirapan parin ako huminga, hindi nga lang katulad ng hirap sa kanina.

Dineretso na nila ako sa pinakamalapit na clinic sa dorm namin.

"Oh, ano nangyari sakanya?" Ani nung doctor

"Doc, nahihirapan po siya huminga, dipo namin alam gagawin, kaya dinala napo namin siya agad dito." ani ni Reaver

Bakas na bakas sa mga mukha nila ang pag aalala.  Kaya naman nginitian ko sila upang sumenyas na ok lang ako at kaya ko.

Pinaupo lang ako nung nurse dun sa sofa and sinalpakan ng nebulizer sa bibig.

Nagiintay sa labas ng clinic sila Reaver, Jean at Francis, pinaiwan na ako ng doctor sa loob para makapagpahinga.

•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•

Reaver's POV

Shocks! Why didn't she told us earlier na may asthma pala siya. Kung alam ko lang! Kung alam ko lang sana, hindi kona siya hinayaan mapagod. Ngayon andito kami sa may clinic sa may waiting area, we are waiting for kiara's doctor. Agad naman bumukas ng pinto, dahilan para mapabalikwas kaming lahat.

"Doc? Kamusta napo siya? Ok napo ba siya? Pwede napo ba namin siya makita?" Ani ko halata sa boses ko na nagaalala ako, hinayaan ko na ito, totoo namang nagaalala ako.

A Not So Love Story (Ongoing)Where stories live. Discover now