KABANATA 19

66.3K 2.4K 1.1K
                                    

I woke up to the feeling of someone caressing my face. Marahan kong iminulat ang aking mata. Tumambad sa aking paningin ang pinaghalong seryoso at may pag-aalalang mukha ni Xenoah habang nakaupo sa kamang hinihigaan ko.

"Goodmorning" paos niyang sambit habang patuloy parin ang maingat na paghaplos sa aking mukha.

"Goodmorning" I spoke back then smiled to reduce his anxiety.

"I'm sorry I was not there to protect you" malungkot na ani niya.

Nagpakawala nalang ako ng hininga at sinubukang bumangon. Agad naman siyang umalalay sa akin.

I hold his face and smiled again.

"You're always there Xenoah. You're always there." I sincerely said and gave him a peck on his lips.

"Sabi mo magiging masaya ulit ako?" pagbabago ko sa usapin.

Ngumiti naman siya at napailing nalang pagkatapos ay saka ako seryosong tiningnan.

"You're strong baby I know that" he uttered and pat my head.

Nalito naman ako sa sinabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka naglakad patungo sa pintuan. Binuksan niya ang pinto at saka tila may kinausap mula roon.

Slowly, a kid entered the room.

Napaawang ang aking labi habang nakatingin sa batang lalaki na katabi niya pagkatapos ay muli kong ibinalik kay Xenoah ang aking paningin.

Hindi ko matukoy ang emosyon sa mga mata nya dahil halo-halo iyon. Nagsimula akong kabahan at pinilit ang sariling makapagsalita.

"I-Is he your child?" nauutal kong tanong.

Siya naman ngayon ang napaawang ang bibig pagkatapos ng aking tanong bago napahilamos sa kanyang mukha.

"Argh! I didn't expect it to be like this" pakinig kong bulong niya bago ako tiningnan.

He let out a deep sigh bago yumuko at bumulong sa bata.

Tumango naman ang batang lalaki sa kanya bago marahan na naglakad palapit sa akin. Kita ko ang takot, pag-aalinlangan at saya sa kanyang mga mata.

I gasped when he suddenly hugged me and started crying.

"Mommy" the kid mumbled that made my whole world stop.

Nagsimulang magtubig ang aking mata at di makapaniwalang tumingin kay Xenoah.

Tipid niya akong nginitian kasabay ng kanyang pagtango.

"Oh my God" I stated and hug the kid tight.

"Rafael...anak ko." I called as I cried out loud.

"Mommy" he called again while still crying.

Inilayo ko siya sa akin at pinakatitigan ang kanyang mukha. Namumula na ang kanyang ilong dahil sa pag-iyak ganun narin ang kanyang mata.

"Anak..anak ko" lumuluhang wika ko at saka marahang pinaghahalikan ang kanyang mukha. Takot na bigla nalang siyang mawala na parang bula sa aking paningin.

"I've waited *hik!* for you to come.. for me *hik!* mom." tunog pagsusumbong niyang usal.

Parang sinaksak ang puso ko habang pinagmamasdan ang aking anak.

He waited for me..

He waited for five fvcking years..

"I'm sorry, I'm sorry, I'm so sorry Rafael" emosyonal kong paghingi ng tawad saka siya mahigpit na niyakap.

Hindi ko alam kung saan ka pupuntahan anak..

Walang pera si Mommy para ipahanap ka sa magagaling na tao..

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon