update story 1

90 11 0
                                    

Story update 1 (1st day)

“Pasukan na naman.”  Tanging nasabi ko lang sa sarili ko habang naka tayo sa gate sa harap ng school.  Agad ako napabuntong hininga ng ilang ulit.  First day of school at nasa 4th year high school na ako.  Sadyang kay bilis lang ng araw parang nakaraan lang ng  unang beses kong ginawang tumayo sa tapat ng school tulad nito ,  at yun ay nung unang pasukan ng mag 1st year high ako.

“hindi kaba papasok?”

Isang boses na mula sa isang lalaking mula sa aking likuran. Yung boses niya buong buo at ang sarap pakinggan. At masasabi mong kahit di mo tignan ang mga mukha niya sa boses palang masasabi mo ng isa siyang magandang lalaki.  Agad ako tumalikod upang  ito'y tignan.

“eh?” Ang katagang siyang tangi ko lang nasabi ng dumapo ang aking mga paningin sa taong nasa aking likuran.  Agad kong naramdaman na napa lunok ako ng ilang beses, habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.  Hindi ko magawang hindi tanggalin ang aking mga paningin sa kanyang mukha habang  paulit-ulit sinasabi ng aking isipang “may angel na nasa harapan ko!!”.

“ang sabi ko hindi kaba papasok? Nag bell na kasi at malalate ka kung tatayo kalang diyan.”

“eh? Nag bell na?”

“oo, hindi mo ba narinig?”  Kunot noong tanong niya.

“nako po malalate ako!!.”  Pabulong ko sinabi saking isipan habang nag mamadaling tumatakbo papasok ng school.  Bigla ako napahinto ng maalala ko ang lalaking nakita ko sa labas.  Agad akong lumingon para tignan kung san ko siya nakitang nakatayo, ngunit wala na.  Yung mukha niya, parang minsan ko ng nakita.  Muli ako nag madaling mag lakad ng marinig ko ang pangalawang bell hudyat para mag simula na ang klase.

 Nabunutan ako  ng tinik ng makita kong wala pa ang teacher na mag tuturo para sa unang subject.  Agad ako nag hanap ng mauupuan at tulad ng nakaugalian ko,  tuwing unang pasukan umupo ako sa pinakalikuran.  Kung san kumportabli ako dahil di gaano napapansin.  Kinapa ko  ang panyo sa bulsa para punasan ang pawis sa pisngi ko ng malaman kong wala na dun ang panyong kanikanina lang e hawak ko.

“ may bagong lipat daw ngayon sa school at ang sabi ng mga nakakita sobrang gwapo daw niya!!”

“talaga? Di nga? San mo na laman?”  Kinikilig na tanong ni megan kay kyara. Na halatang di na naman mapakali sa kinauupuan hanggat hindi nakikita ang lalaking sinasabi nito.

“narinig ko nung dumaan ako sa guidance bago ako pumasok dito. Nag kakagulo ang mga babae dun. Siyempre sayang ang ganda ko kung tutulad ako sa kanila kakatanga dun kung alam ko namang mag kakagusto din sakin yun sa oras na makita niya ko diba?”

Agad tumaas ang kilay ni megan na halatang hindi matanggap ang sinabi ni kyara.

“ikaw naman megan di kana mabiro. Alam naman ng lahat na walang makakatalo sa ganda mo sa buong campus sis.”

Akalain mo nga naman at classmate ko na naman ang dalawang witch na to.  Mula ng mag 2nd year ako ng maging classmate ko silang dalawa.  At kung bakit witch ang tawag ko sa kanila?  Madalas kasi sila manira ng relasyon ng may relasyon na tulad sa mga fairytales na pinapanuod ko.  Sabagay walang duda naman kasing di pwedeng hindi mahulog ang mga lalaki sa kanila lalo na kay megan,  dahil sadyang mga angel din ang mga mukha nila sa ganda.  At speaking of angel face? 

“goodmorning class... Maupo, mag si upo na lahat at ipapakilala ko ang bagong transfer student natin.”

Agad nag si tilian ang lahat lalo na ang mga babae ng makita na ang bagong transfer na papasok sa pinto.  At  siyempre di papahuli ang dalawang witch na kunyari hindi affected eh halata namang kanina pa gusto tumili at halos gusto na umalis sa kinauupuan para takbuhin ang bagong transfery.

For you"my 1st love"(ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon