update story 3

40 5 0
                                    

“here! guys makinig muna lahat.” Wika ni khyl habang nakatayo sa harapan ng may hawak hawak na isang puting papel. “next saturday na yung para sa activity natin sa isang subject. Pakisulat nalang ng mga pangalan niyo para sa mga may gusto. Sana makapunta lahat. Iiwan ko na lang dito sa mesa isulat niyo nalang ang mga pangalan niyo sa mga sasama bago kayo umuwi.” Nakangiti itong iniwan sa mesa ang papel na hawak niya. Na agad din pinag kagulohan ng buong classroom kung sasama ba o hindi.

Halos ilang linggo na rin pala ang dumaan. At ilang linggo na rin si khyl sa school na halos di ko na napansin. Sa ilang linggong dumaan halos kilala na siya sa buong campus, di lang sa pagiging gwapo kundi talagang matalino rin. Siya na din ang tumatayong event organizer ng buong school. Halos lahat na ata pag may mga kaylangan sa kanya na lumalapit para mag patulong. Hindi tulad kong umabot lang ng 4th year ng parang walang may nakakaalam na nag aaral ako sa paaralan na to.

 Ilang lingo ko na rin siyang palihim na tinitignan. Halos laman na ata ng notebook ko ang pangalan niya. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero habang tumatagal padami ng padami pa ang nag kakagusto sa kanya. At hindi lang ata marami kundi halos lahat na ata ng babae sa buong campus. Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong nahihirapan na abutin siya.

“ikaw nikki? Ayaw mo bang sumama?” nakangiting tanong ni megan habang naka upo sa harapan ko.

“ako?”

“may iba pabang nikki dito? Alam mo di ko talaga lubos maisip kung tanga ka lang ba o talagang bobo. Nakakainit ka ng ulo kausap alam mo ba yun? “ naiinis na tanong nito habang tinitignan ang direksiyon kung san ako nakatingin. Dahilan ng agad nitong ikinainis lalo. “sino tinitignan mo? Si khyl? Iiniisip mo bang may gusto na siya sayo pwera lagi kayo mag kasabay pumasok at mag kasama umuwi? Alam mo kung ako sayo wag ka masyado umaasa sa ganun kasi masasaktan ka lang. Di mo ba naisip na wala siyang ibang choice kaya ka niya laging sinasabay ay dahil sa mag kapit bahay kayo at wala ng iba? Di mo ba napapansin na pag naandito na sa school ako na ang nakakasama niya buong araw? Alam mo girl subukan mo kaya munang tignan yang sarili mo sa salamin. Baka lang kasi di mo nakikita yang itsura mo oh talagang di mo din kayang tignan.kasi ang kulang na lang sa pony tail mong ayos sa buhok?salamin sa mata para mag mukha ka ng manang na may bangs.

  At isa pa pwedi bang lumayo layo ka kay khyl pag may mga estudyanteng nakakakita sa inyo sa daan pag pumapasok o pag umuuwi? Baka kasi masira ang pangalan ni khyl ng dahil sayo. Matuto kang umalam ng tamang lugar mo. Kaya wag kanalang sumama sa activity, mag kulong kanalang sa bahay niyo at manuod ng mga badoy mong fairytales buong araw makakatulong ng malaki yun para maka pag enjoy kami pag wala ka.

Hali kana kyara!!” padabog itong tumayo mula sa pag kakaupo sa harapan ko.

Agad ko ibinalik ang ballpen na kinuha ko sa bag. Pano ko pa masusulat ang pangalan ko sa listahan? Ang sabi niya kaylangan makasama ang lahat. Ibig sabihin pati siya pupunta at sasama din.

“Dominique?”

“ha? Ka.. kanina kapa diyan?” gulat na tanong ko ng makita kong nakatayo sa harapan ko si khyl. Halos di ko manlang napansin na nasa harapan ko na pala siya.

“oo ang lalim ata ng iniisip mo. Hali kana umuwi na tayo.”

Agad ko naalala ang sinabi ni megan kani kanina lang na agad kong ikinalungkot. agad ako napaisip kung tama bang sumama ako sa activity oh hindi na lang. pero gusto ko siyang kasama. gustong gusto ko siyang makasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For you"my 1st love"(ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon