"thinking of you"
Alas dos palang ng madaling araw bakit ganun parang kanina lang ang bilis ng oras ng nasa school ako, pero ngayon parang subrang napakatagal naman ata sumapit ng umaga. Buong araw ko na ata siyang naiisip. Bakit ganun? Kahit anong gawin ko bigla ko nalang nakikita yung mukha niya. Yung magaganda niyang mata yung maliit at matangos niyang ilong at ang magandang labi niyang pag ngumiti pakiramdam ko pag nakikita ko ng ilang bises para din akong sasabog ng paulit-ulit. Yung amoy ng pabango niyang kahit sa malayo e naaamoy ko. Sumapit ang ilang oras kakaisip sa kanya ng dalawin ako ng antok at halos di ko na napansing nakatulog na pala ako.
“goodmorning po ma, pa”
“goodmorning anak, umupo kana dito at sabayan mo papa mo kumain.” nakangiting wika ni mama.
“bakit ganyan ang mga mata mo? Para kang zombie sa itim niyang mga mata mo di kaba nakatulog? Sabihin mo nga may boyfriend kanaba na di naming alam ng mama mo?” singal na tanong nito na di makaantay sa isasagot ko.
“papa naman wala po, hindi lang po ako nakatulog ng maayos kagabi.”
“buti naman kung ganon. Eh manliligaw?”
“wala din po pa kaya wag po kayong mag alala.”
“papa naman hayaan mo na si Dominique kay aga-aga e ganyan ang tanong mo. Isa pa malaki na yang anak natin alam na niya ang ginagawa niya. Para namang hindi mo pinagdaanan yang pagiging bata.” Natatawang wika nito.
“mauuna na po ako baka malate ako sa school.”
“sige mag ingat ka.”
2nd day of school kinakabahan ako. “para kanamang praning nikk, easy ka lang” nakangiting sabi ko sa sarili. Di ko pa tuloyan nabuksan ang pinto ng gate ng marinig ko ang pag bukas ng gate sa tapat ng bahay. Kung ganon may nakabili na pala sa bakanting bahay sa tapat, siguradong matutuwa na naman si mama at may makakausap na naman siya at makikilalang bagong kapit bahay. Sa pag labas ko ng gate agad ako nagulat sa taong nakatayo sa tapat ng bahay.
“ikaw?” oo siya nga di ako pwedi mag kamali si khyl nga si khyl juson nga ang nakatayo sa harap ko. Kung ganun sila pala ang nakabili ng bahay. Ang tanga ko bat ngayon ko lang naisip, kaya pala parang nakita ko na siya. Tama yung araw na lumipat sila kung san nakita ko siya nakitang nakatayo sa beranda ng bahay nila habang tinitignan ang buong paligid.
“goodmorning.” nakangiting bati niya. Aish yung mga ngiti niya tsk yang mga ngiti niyang naging dahilan kaya di ako naka tulog buong mag damag kakaisip ng mga ngiting yan. Nakita ko na naman umagang umaga, pakiramdam ko dahil sa ngiti niya magiging maganda na ang buong araw ko.
“eh?.. ah ano..good..goodmorning?” nako naman di ko mapigilan hindi lalo mautal pag siya na nasa harap ko. Agad itong nag simulang mag lakad. “umalis na tuloy siya. Kaw kasi para kang abnormal pag nakaharap sa kanya.” Bulong kong sabi sa sarili habang tinitignan naglalakad palayo si khyl.
“tatayo kalang ba diyan?!! Malalate tayong dalawa kung aantayin lang kitang nakatayo diyan.” Pasigaw na sabi nito habang nakatingin sa direksiyon ko.
“eh? Sandali antayin moko.” Sigaw kong sagot sa kanya.
Kung ganon sabay kaming mag lalakad at sabay ding papasok. Nako naman para akong tatalon sa tuwa parang yung sa palabas na napapanuod ko lang. Yung sabay nag lalakad habang nakangiti at nag kukulitan, nag tatawanan tapos mag kahawak kamay. Yung tatlo sa apat na nabanggit ko posibleng mangyari pero yung pag hawak kamay kalungkot man isipin ang labo ata.
“may iniisip kaba?” kunot nuong tanong nitong parang kanina pa nag tatanong at di ko lang napansin dahil na din sa marami ako iniisip.
“ikaw!! “
“ako?” gulat na tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko.
“eh? Ano...’ ikaw pala yung nakatira dun sa tapat ng bahay yun yung iniisip ko kanina pa.”
“ah, bakit ayaw mo ba ako kapit bahay?”
“huh? Ano ,, hindi naman sa ganun.”
“kamusta pala yung hinahanap mo kahapon? Nakita mo ba?”
“hin... hindi e.” Nakita ko ang agad na pag alala sa mga mukha niya ng makitang nalungkot ako bigla sa sagot ko.
“ano ba yung hinahanap mo kahapon? Tingin ko kasi masyadong importanti kaya nagawa mo na din hanapin sa basurahan kahit na madumi.”
“ah,, ano .”
“buti nalang di pa pala nag sisimula ang klase. Kala ko late tayong makakadating.” Nakangiting wika nito.
Agad ako napatingin sa paligid ko na agad ko ikinagulat dahil nasa labas na pala ako ng classroom naka tayo. Halos di ko na napansin ang ngyari kanina dahil na din sa subrang saya ko at nakasama ko siya mag lakad papasok ng school. Halos di ko na napansin ang oras at ngyari. Ang tanging napansin ko lang, sadyang kay bilis ng oras pag nakakasama ko siya.
BINABASA MO ANG
For you"my 1st love"(ONGOING SERIES)
Teen Fiction"First romance, first love, is something so special to all of us, both emotionally and physically, that it touches our lives and enriches us forever." -