Chapter 2

575 30 22
                                    

Raven's POV

Muli kong pinag masdan ang kwintas ng makaalis ang alahera. It's a gold crescent moon with diamonds.

Ito ang regalong ipinasadya ko para sa wedding anniversary namin ni Shannon.

I'm sure magiging napakaganda nito sa kanya. Unang regalo ko ito sa kanya. It's not much but for a woman like her who has everything, specially when she married me 😂 shoot, nahahawa na ko sa kayabangan kay Shannon ah.

Wala na kasi akong maisip na ipang regalo sa kanya. Hindi rin naman sya materyosang tao kaya sure naman ako na ma appreciate nya ito.

"Wow ate Raven, ang ganda naman po nyan", biglang sabi ni Isabel. Ang bagong kasama namin sa bahay.

Nang mag limang buwan na kasi ang tyan ko ay pinagpilitan ni Shannon na kumuha kami ng makakasama sa bahay lalo na at nag leave muna ako sa pagtuturo sa therapy center.

Para daw mapanatag ang loob nya na okay ako habang nasa trabaho naman sya.

Her best friend Macy recommended Isabel to us. Relative daw ito ng isa sa kasama nila sa bahay.

Sa ilang buwan na kasama namin si Isabel ay masasabi kong maayos naman siya. Masipag. Minsan nga lang ay walang preno ang bibig lalo na nung unang araw na dumating sya.

Mukhang galing ata sya sa relihiyoso at traditional na pamilya kasi kulang na lang himatayin sya ng mapag alamang mag asawa kami ni Shannon 😅

Mukha namang nasasanay na sya kasi hindi na sya nagpapa sign of the cross pag nakikita nyang naglalambingan kami ni Shannon. Napaka harot pa naman ng babaeng yun. Pag pinagsasabihan ko mas lalong nagiging manyakis. Kulang na lang gahasain ako.

Inilapag nya muna yung dalang juice at sandwich bago nakiusisa sa akin, "para kay ate Shannon po ba ito? Ang ganda naman ng pagkaka encourage ng pangalan" wika nya na hindi pa nakontento sa pag tingin sa kwintas na hawak ko, kinuha nya ito at sinipat sipat.

Medyo epal sya dun pero hinayaan ko na lang at ganun talaga sya. Mabait naman syang bata, usisera nga lang at madaling mamangha sa bagay-bagay.

"Encourage?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Yung pangalan po ni ate Shannon na nakaukit dito sa likod kako, maganda ang pagkaka encourage". Ulit nya.

Napakunot ang noo ko. Napa-palatak ako ng magets ang nais nyang sabihin.

"Oh you mean, engraved." pagtatama ko. "oo kasi ipinasadya ko talaga yan. Tingin mo magugustuhan ito ni Shannon?"

"Garantisado! Si ate Shannon naman pansin ko dun kahit binalot na tuyong sapsap basta galing sayo 'te eh matutuwa yun".

Natawa naman ako sa sagot nya. Pero totoo yun. Napaka simple ni Shannon.

Inaya ko na lang syang sumabay mag meryenda sa akin. Magpapatulong ako mag decorate ng backyard sa kanya after.

Paboritong tambayan kasi ni Shannon yung maliit na gazebo na ipinagawa namin a few months ago.

************************************

Tagaktak ang pawis namin ni Isabel pagkatapos namin ikabit yung huling ilaw sa palibot ng gazebo. Pinagpagan ko ang kamay ko at pinasadahan ng tingin ang aming ginawa.

Nang ma satisfied ay masayang inaya ko na ang kasambahay pabalik ng bahay.

Halos di ko na namalayan ang oras. Hapon na kaya dali-dali na kaming pumasok sa bahay. Magluluto pa ako ng mga paborito ni Shannon.

Nanakit ang balakang ko sa maghapong pagtatrabaho pero sulit naman dahil bakas sa magandang mukha ni Shannon ang kaligayahan.

As usual, ang kulit kulit na naman nya ng dumating. May dala pa syang flowers para sa akin.

It Started With A Lie 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon