Chapter 1

493 22 81
                                    

Shannon's POV

Pag tunog na pag tunog ng alarm sa phone ko ay automatic na umangat ang pwet ko sa pagkaka-upo. Agad na binitawan ko ang papeles na nire-review ko para sa susunod na proyekto ng kompanya. I am now the acting Director of Alvington Corp. Acting pa lang kasi tini-train pa ako ni Dad para sa position once he retired.

I still have a lot to learn when it comes to managing the company though mabilis ko naman matutunan ang mga bagay-bagay. Di naman sa pagbubuhat ng bangko, pero since pumasok ako ng kompanya ay mas tumaas ang sales namin. Mas naging matunog din ang pangalan namin sa business world.

Ini-off ko yung alarm sa phone ko. Nag se-set talaga akong alarm para malaman ko kung anong oras na. Minsan kasi sa sobrang busy ko, hindi ko na namamalayan yung oras. Iniligpit ko na yung mga gamit ko at naghanda na sa pag alis.

Espesyal ang araw na ito kasi 1st wedding anniversary lang naman namin ng misis ko. Wow sheeeet, akalain mo yun? Isang taon na agad ang nakalipas ng pikutin ako ni Raven hahaha. One blissful year. Pag labas ko ng main room ng office ay madadaanan ko yung secretary ni Dad na si Miss Lory, may edad na sya. Isa syang matandang dalaga.

Siya muna ang tumayong secretary ko habang wala pang naha-hire na magiging secretary ko. Nag paalam na ako sa kanya at akma ng aalis ng tawagin nya ako. "yes?" tugon ko sa pag tawag nya.

"Yung flowers na pina order mo kanina, nakalimutan mo".

"Oh shoot! Thank you miss Lors. Hulog ka talaga ng langit sa 'kin" ngiting-ngiti ako bago kinuha yung inabot nyang bouquet of gerbera dasies sa 'kin. Ang favorite flowers ni Raven.

"Kow, nambola ka pang bata ka. Manang-mana ka talaga sa daddy mo" Aniya habang natatawa. "Nga pala, nakalimutan ko ng ipaalam sa'yo, sa susunod na linggo na ang interview ng magiging secretary mo. Please be here early on Monday". May diin na sabi nya.

Oo na, isa sa bad side ko yung late pumasok. Nakakatamad naman kasi gumising ng maaga no. Lalo na kung katabi mo yung magandang asawa mo. Kaya madalas 11am na ako nakakarating ng opisina haha. But I'm working on it.

"Yeah, yeah. I'll do my best." Kumumpas kumpas pa ako na parang dini-dismiss siya. Bago sinabing, "ciao!" at tuluyan na siyang nilayasan. Mauuwi pa kasi sa sermon yun just like last time.

Agad na lumulan ako sa elevator papuntang basement kung saan naka park ang aking sasakyan. Mabilis lang ang aking naging biyahe kasi hindi pa naman gaanong rush hour. In no time, ipinaparada ko na ang kotse ko sa garahe ng bahay.

Dito pa din kami nag stay sa bahay ni Raven. Mas at home din ako dito kaya we both decided na dito na lang naming buohin yung magiging pamilya namin, which is soon kasi Raven is 8 months pregnant now.

Sinampal sampal ko yung sarili ko. "sheet nasaktan ako so hindi panaginip to. Magiging mommy na talaga kami ni Raven in a few months." Kausap ko sa sarili ko.

After two months of being married, nabuntis agad si Raven. Ang galing ko no? Ginabi-gabi ko kasi si Raven, regla lang ang pahinga nya kaya ayun. Buntis! Hahaha! Just kidding.

We've undergone Intrauterine Insemination or IUI Procedure. We hired the best sperm donor in Russia. We made sure din na maayos yung nakuha namin.

Bumaba na ako ng sasakyan at bitbit ang bulaklak ay pumasok na ako sa loob ng bahay. "Mylabs I'm home!" coming home in a long day of work is the best feeling ever. Nadatnan ko sa kusina si Raven, looking fabulous in her maternity dress. She's preparing our dinner.

"You're home." She said with a big smile.

"I am." I smiled back at her. "Flowers for my lovely wife, Happy Anniversary mylabs, one year na ang nakalipas ng gayumahin mo ko".

Inabot nya muna yung bouquet saka inamoy bago hinampas sa mukha ko -_- "ang kapal mo ha, ikaw tong una pa lang deads na sa akin kaya wag ako. If I know, baka ikaw tong nanggayuma sa 'kin". Anina na umirap irap pa.

Natawa ako, hays ang cute talaga ng mahal ko. Niyakap ko siya sa likod bago hinimas yung malaking umbok ng tiyan niya. "Ikaw naman mylabs di na mabiro, alam mo naman na ever since, I love your eyes, your nose and your tender lips. Wanna kiss your neck, your shoulders to your finger tips" pinagapang ko yung nguso ko mula leeg nya hanggang dulo ng daliri habang sinasabi yun. Syempre need ng physical demonstration diba?

"I go crazy when you shake those sexy hips", isinayaw sayaw ko sya. "Baby girl, you're the one I can't resist. You know I love you from the very start. I don't care if you break my heart. I'm the woman and I'm here for you. Believe me 'cause my love is true. Itsumo kokoro we hoshi itsuka,"-

Pinag kukurot ako ni Raven, "puro ka talaga kalokohan. Kanta yan eh!"

"Oo nga! Pero yun ang nilalaman ng puso ko. It's pure L-O-V-E!" Nag sign pa ako ng love sa hangin. "You gotta know that I love you from the start 'til F-O-R-E-V-E-R."

"You're crazy." Natawa na lang siya sa akin. Niyakap ko naman siya at sininghot singhot yung leeg nya. Hindi talaga ako magsasawang amoy-amuyin to. Baliw talaga ako, baliw sa babaeng to. I'm so in love with her.

Kumalas si Raven sa pagkakayakap sa akin. "teka lang, hindi pa ako naliligo, amoy ulam pa ako."

Ngumuso ako, "Okay lang yan, limang buwan mo naman na akong tinitigang so what's the point kung bagong ligo ka? Kahit pagka anak mo na ikaw maligo walang kaso sa 'kin."

Old habits die hard talaga kasi pinitik na naman nya ako sa noo, "Malamang! Buntis kaya ako. At anong sinasabi mong after manganak na lang ako maligo? Eh kung after ka na din kaya tumabi sa 'kin, gusto mo yun?"

"Mylabs naman, joke lang. Naiintindihan ko naman na bawal kasi baka matusok ko ng dila si baby,may lahi pa naman kaming Ek Ek, or baka ma scratch sya ng kuko ko kasi half Amomongo din ako".

"Buset ewan ko sayo Shannon. Huwag sana mamana ng magiging anak natin yang kakulitan mo. May Amomongo ka pang nalalaman ngayon. Do you even know what that is?"

"Why of course, remember when we went to Negros? One of the resident there told me the story about it." Magmula kasi nung mangyari yung incident noong sumunod ako kay Raven dun sa pinuntahan niyang out reach program kung saan napag kamalan kong aswang yung baboy ay naging interested na ako sa mga Philippine Folklore, lalo na sa mga mythical creature na meron sa Pinas.

Ayaw ko na kasing maulit pa yun. Sobrang nakakahiya, kaya inaral ko kung ano yung aswang sa hindi haha.

Napakamot na lang sa ulo si Raven saka bumuntong hininga, "gutom lang yan. Maupo ka na dito at pinag luto kita ng paborito mong Qoq Au Vin at pinag bake din kita ng custard flan for dessert."

Namilog yung mata ko sa narinig. "Really? Mukhang mapapalaban ako ng kain nito. Pero baka pwedeng ikaw na lang dessert ko mamaya?"

Pinanlakihan niya ako ng mata kaya ako naman yung napakamot sa ulo. "Sabi ko nga, custard flan for dessert."

Nginitian ko si Raven ng ubod ng tamis. Pinaupo ko na din siya sa tabi ko saka hinimas yung tiyan nya, yumuko ako para kausapin yung sanggol sa loob, "baby pakibilisan ang pag labas please. Inip na inip na akong." Tumingala ako kay Raven, bago nagpatuloy, "romansahin ang iyong ina".

My laughter echoed in the dining room when she hit me repeatedly.

It Started With A Lie 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon