Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa tanawin na nasa baba. Kay lawak talaga ng buong maynila.
"Beng"
Hindi ako lumingon sa likod at nagkunwaring walang narinig. Umirap ako sa kawalan saka sinuot ang headset kahit walang music
"Beng" nasa tabi ko na siya ngayon pero hindi ko pa din siya nilingon.
"What's wrong with you? Bakit bigla naman atang di mo na ako kinakausap ngayon ha?" pumikit nalang ako at di na siya pinagtuonan ng pansin baka kasi kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
"Beng naman"
Tumingin ako sa kanya ng nanglilisik ang mata at walang sabi-sabing kinuha ang isang headset sa kamay niya.
"I know you're not listening Beng, i know you too well kaya di mo ako maloloko"
"See?" Pinakita niya sa akin ang dulo ng headset na hindi naka connect sa cellphone.
"Pake mo ba?" Masungit kong sabi sa kanya at tinignan naman niya ako ng seryoso na para bang di siya makapaniwala sa inasta ko sa kanya.
"Ano bang problema mo?"
"Wala, wala akong problema kaya pwede ba lubayan mo na ako"
Tinalikuran ko siya at naglakad palayo pero bago pa ako makalayo bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Winaksi ko ito para makalayo sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ito."Ano bang problema mo ha? Okay pa naman tayo kahapon ah?"
"Sabing wala nga akong problema at pwede bang bitiwan mo ako baka may makakita pa sa atin dito ako na naman ngayon ang mali"
Parang nakuha naman niya ang sinabi ko kaya agad niyang binitawan ang kamay ko"Si Ella ba? Beng?" Tinignan ko lang siya ng seryoso at hindi nagsasalita
"Ano? Siya ba? Sabihin mo sa akin dahil para na akong baliw dito kakaintindi sa inyong mga babae" kumunot ang nuo niya at seryoso lamang nakatingin sa akin.
Bumuntong hininga ako at tinignan siya sa mata.
"You know that Ella is my friend right? And you're my bestfriend. Pero kasi Bench napakahirap na parang ako nalang palagi yung mali, na para bang ako pa yung lumalabas na malandi, na nilalandi kita. Bestfriend kita at bestfriend mo ako, alam kong hindi na lalagpas yun doon at alam ko din kung gaano mo ka mahal si Ella pero bakit ganoon? Bakit parang ako yung sinisisi ng lahat na naghiwalay kayo. Kesyo nilalandi daw kita? Eh hindi nga kita gusto, hindi kita gusto dahil bestfriend kita"
Ngumiti ako sa kanya at tumingala sa taas dahil feeling ko anytime tutulo ang luha ko."At alam mo kung ano yung mas masakit?" Tinignan ko siya sa mata at bigla nalang tumulo ang luha ko.
"Beng" lalapit na sana siya sa akin pero umiling ako
"Yung akala ko andyan ka para ipagtanggol ako sa kanilang lahat, pero nagkamali ata ako sa'yo Bench. Nagkamali ata akong pagkatiwalaan ka. Nang dahil sa isang babae nagkaganito tayo, nang dahil sa babae kinalimutan mo na ako, pero okay lang yun kasi lalaki ka at babae siya. Okay lang yun kasi hindi naman everytime sa akin lahat ng atensyon mo kasi sino ba naman ako diba?" Tumawa ako saka pinahid ang luhang tumulo sa aking pisngi
"Gusto ko lang sabihin sayo Bench na sana hindi nalang tayo naging malapit dalawa. Sana hindi nalang kita naging kaibigan. Sana hindi nalang kita naging bestfriend"
"Beng naman" hahawakan niya sana ulit ang kamay ko pero umatras ako.
"Nakakapagod na Bench, nakakapagod din palang maging kaibigan mo, pero ikaw, kaibigan mo lang ako pag kailangan mo ako"
"Hindi yan toto-"
"Nakakapagod ka na"
Tumalikod ako sa kanya at sa pagtalikod ko ay siya ding pagtulo ng luha ko.
"I like you" napahinto ako dahil sa sinabi niya
"I do like you Beng, hindi ko mahal si Ella o sino pang babae jan dahil ikaw lang ang gusto ko nuon pa naman"
Mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. Pinahid ko ito saka humarap sa kanya.Lumapit ako muli sa kanya at tinignan siya sa mata pero nanglalabo na ang mata ko dahil sa luha.
Sinapak ko siya sa braso at muli siyang tiningala
"Gago ka pala eh" ngumiti ako sa kanya, ngiting malungkot.
"Paano ba yan, hindi kita gusto" hindi kita gusto kasi-
Umiling ako at muli siyang sinapak.
"Hindi kita gusto Bench kaya bumalik kana sa kanya"
"No! Ngayon lang ako naglakas loob sabihin sayo to Beng kaya gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako"
Makikita mo sa mata niya ang matinding takot, sakit, paghihinayang at pag-asa.Umiling ako sa kanya habang umaatras palayo
"Hindi pwede Bench, hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan kaya bumalik kana sa kanya"
"AYAW KO SABI BENG. AYAW KONG BUMALIK SA KANYA KASI-"
"SHE'S PREGNANT" umiiyak na sabi ko sa kanya.
"W-what?" Gulat niyang saad.
"You're kidding right?"
"No" umiling ako sa kanya habang hawak niya ang dalawa kong balikat
"Buntis siya Bench kaya dapat mo siyang balikan! Dapat mo siyang panindigan" umiiyak kong sabi at siya namay nakaluhod na nakayakap sa akin. I can feel his regret, sorrow and pain.
"Pero ikaw ang mahal ko"
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.Mahal din kita Bench pero kailangan ka niya. Mahal din kita at hindi mo pwedeng malaman yun. Ibabaon ko na sa limot ang pagmamahal ko sa iyo dahil yun ang mas makakabuti sa'yo at sa kanya.