"Papa, paano niyo po napasagot si mama?" Tanong ko kay papa na may ngiti sa labi. Andito kami ngayon sa labas ng bahay nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy.
Tinignan naman ni papa si mama na nagluluto sa kusina."Alam mo bang ang sungit-sungit ng mama mo noon?" Ngiting sabi ni papa at tinignan ako
"Kahit anong gawin kong papansin di man lang siya tumitingin, lagi pang nakakunot ang kanyang nuo na siyang bumihag ata sa puso ko" nakangiti si papa habang sinasabi ito na para bang inaalala lahat ng pangyayari nilang dalawa.
"Paano niyo po siya napa OO?" natatawa kong sabi habang tinitignan siya.
"Napa OO ko siya dahil sa buhok ko" ha?
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Noong nakita ko ang iyong mama, may naramdaman talaga akong kakaiba sa kanya, kaya mas lalo ko siyang nilapitan at nakipagkaibigan. Ngunit sa bawat araw naming magkasama, hindi ko namalayan, nahuhulog na ako sa kanya. Yung mama mo kasi ay sobrang bait, at maunawain sa lahat ng bagay. Siraan mo na siya't lahat-lahat, haharapin ka parin niya na may ngiti sa labi"
Oo naman, sobrang bait talaga ni mama na siyang taliwas sa ugali ko. Naiinis nga ako sa kanya kasi kahit alam niyang sinisiraan at peke ang mga tao sa kanya, tutulungan at tutulungan niya parin ito.
"Matagal akong nangligaw sa kanya at ayaw ko naman siyang madaliin dahil wala pa siyang karanasan sa mga lalaki, sa matagal kong panliligaw. May isang pagsubok siyang pinagawa sa akin.. Yun ang putulan ko ang mahaba ko ng buhok" napatingin ulit si papa kay mama at ngumiti,
"Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga kaibigan at kamag anak ko kasi sa dami ng magagandang jowa ko dati, sa mama mo lang ako bumagsak" Napatingin ako kay papa nung tumawa siya, makikita mo kay papa na may maipagmamalaking mukha talaga siya nung kabataan niya na kahit nasa 40's na siya ngayon makikita mo parin iyon.
At si Mama? Hindi naman siya gaanong kagandahan, manang manamit."Sabi niya, sasagutin daw niya ako kapag pinutulan ko ang buhok ko.
Nahirapan pa ako nun kasi ilang taon kong inalagaan ang mahaba kong buhok, pero iwan ko ba at ginayuma ata ako ng mama mo" natawa nalang ako sa sinabi ni papa. Kung narinig yun ni mama siguradong babatukan niya itong si papa"Riccardo, Leena, halina kayo at kakain na" sigaw ni mama sa loob ng kusina.
Tumayo naman si papa at pumasok sa loob ng bahay.Napaisip naman ako at napatingin sa kanilang dalawa. Si papa ay parang si Hector at Brandon(jboys) lang din. handang magpaputol ng buhok para sa babaeng mahal nila. Ganun naman talaga diba? Gagawin mo lahat para sa taong mahal mo.
Na kahit isang napakahalagang bagay kaya mong ibigay sa kanya.Naisip ko na, nasa harapan ko lang pala ang isang magandang kwentong nabasa, narinig at nasilayan ko.
"LEENA KAIN NA!" Sigaw ni mama galing sa loob.
"Opo"
tumayo na ako at nakangiting pumasok sa loob.
Balang araw makikita ko rin yung lalaking para sa akin. Yung kahit hindi ako kagandahan, mamahalin parin niya ako. Yung gagawin ang lahat mapasakanya lang ako. Yung hindi susuko kahit ano pang mangyari. Balang - araw.