Chapter 1

18 1 0
                                    

Alliah's P.O.V

"Alli, saan mo ba gusto mag bakasyon ngayon?" tanong ni uncle Allan sa akin. 

Si uncle Allan na lang kasi ang tumatayong tatay ko dahil namatay ito noong 3 years old pa lang ako. Hindi pa rin namin alam kung sinong may pakana ng lahat na iyon, hindi pa rin makalimutan ang brutal na pag patay kay tatay dun sa probinsiya namin. Ni isang ebidensiya ay wala kaming mahanap. 

"Uncle, pwede po bang sa province?" request ko sa kanya habang naka-tingin sa kanya.

Napakamot na lang ito ng ulo at tumango, agad ko naman siyang niyakap dahil makikita ko na rin sila lolo't lola, pati na rin yung mga pinsan at pamangkin namin. Agad naman itong nag paalam sa akin at tuluyan nang umalis. Mag-isa naman akong naiwan dito sa bahay, walang asawa't anak si uncle dahil mas itinuon pa niya ang oras niya sa pamilya namin at pati na rin sa akin. 

Bago pa naman binawian ng buhay si tatay ay binilinan niya si uncle na alagaan ako ng mabuti at tumango naman ito bilang sagot. Hindi pa rin ito mawala sa ala-ala ni uncle dahil malaki rin ang naitulong ni tatay sa kanya,  dahil kay tatay ay nakapag-tapos siya ng college at nakakuha na ng magandang trabaho bilang manager sa sikat na restaurant sa isang five star hotel.

Biglang nag ring ang phone ko at unknown number ang nakalagay sa screen. Naalala ko naman yung bilin ni uncle na pag once na may tumawag sa phone ko at unregistered number ay wag ko raw itong sagutin.

Hinayaan kong mag ring ito at tuluyan nang nawala, napa-buntong hininga na lamang ako at ni-text si pinsan.

*TEXT CONVERSATION*

~Hey! Sup coz?

~Oh! Hello cousin! 
~

Wyd?

~Wala lang, andito lang sa labas. How about you?

~Heto, kausap ka. Musta ka na? 

~ I'm doing great, sila lolo't lola?

~ Andito nag relax, eh ikaw?

~ Andito sa condo, nood ng
movies.

~Cousin, kailan ka ba uuwi dito?
Miss ka na namin. :(

~ Tatanungin ko pa si uncle
kung kailan.

~ Busy pa kasi eh.... I
nform na lang kita.

~ Oh sige cousin, text mo na lang ako
pag-uuwi kayo dito ah?

~ Okay cousin, asap!
BYE!

***END OF CONVERSATION***

Boring ang araw ko dito sa loob ng condo at nag decide akong lumabas muna, dumiretso naman ako sa kwarto upang magpalit na ng damit at tuluyan nang lumabas. Habang nasa elevator ako ay may naka sabayan akong student sa loob at hinayaan ko lang ito. 

Habang nasa 12th floor pa ay kita ko sa peripheral vision ko na naka-titig lang yung studyante na naka long-sleeve na red uniform, black skirt above knee, at black school boots. Lumingon ako sa kanya at nagulat ako nang hindi siya umiwas ng tingin. 

Dahil doon ay naka ramdam ako ng takot at tinitigan ko ng mabuti ang mga mata nito, pero in fairness maganda. Hazel eyes, pointed nose, kissable lips, black hair, tapos bumaba naman ang tingin ko sa katawan niya at napa-titig naman ako sa mga kamay nito na naka crossed-arms. Maganda naman at nagulat naman ako nang bigla itong nagsalita.

"Done checking me out?" sabi nito na naka-ngiti at lumabas naman ang dimples neto. Ay pakshet, ba't ganun?

"So-sorry." hingi ko ng tawad sa kanya at umiwas agad ako ng tingin baka matunaw yun, cute ng voice niya sarap sa tenga.

Hindi ko alam na ang lapit na pala ng mukha nito at bigla naman akong napa-atras sa ginawa niya. 

"Crush mo 'ko no?" tanong nito at nakipag-titigan sa mga mata ko. Bigla niyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko at habang yung isang kamay niya ay naka-polupot sa bewang ko.

"H-hindi ah!" tanggi ko. 

Weeeee? Di nga? Aminin mo na kasiiiii! pag mamaktol na sabi ng utak ko. Kailangan ko na atang i-benta 'tong utak ko kasi hindi na magamit. Jusmeyo!

Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang mukha nito at kunting-kunti na lang talaga ay magkakahalikan na kami. Bago pa niya akong tuluyang mahalikan ay biglang tumunog yung elevator at bumukas ito.

Ting...

Dali-dali naman akong lumabas at dumiretso sa comfort room. Hindi ko namalayan na sumunod pala ito sa akin.

10 mins later...

Nag-antay ako sa labas ng taxi, pero naka-ilang para na ako ay hindi naman ito huminto dahil may mga pasahero itong sakay at napa-irap na lang ako dahil kanina pa ako nakatayo rito. Ilang minuto pa ay may biglang huminto sa harapan ko, pulang kotse na dodge challenger ata? Basta yun na yun! Ibinaba niya yung glass window ng sasakyan niya at nakita ko itong naka-ngiti sa akin. 

"Tara na. Delikado ang panahon ngayon baka hindi ka na makakabalik ng buhay." ngiting sabi nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay ko at inirapan.

"Huy, sige na. Hindi naman ako masamang tao eh!" sabi pa nito.

"Sure ka?" napa-smirk na lang ako at hindi ko na siya inantay na sumagot pa.

Habang nasa biyahe kami ay tamihik lang akong naka-tanaw sa labas. Dahil sa sooobrang lalim ng iniisip ko ay nagulat na lang akong tinapik niya yung mukha ko at natauhan naman ako bigla. 

Nagulat ako nang sobrang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko at konti na lang ay dumikit na yung lips niya sa akin, agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo, hindi ka nakinig. Pero in fairness, hindi ka nalunod." sabi nito at dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya.

"Ano pala yun?" tanong ko sa kanya.

"Saan ka ba pupunta? Para masabayan na kita at maihatid na rin kita pauwi, total same lang tayo ng uuwian sa condo." tanong nito, ambait ah?

"Sa mall." maikling sagot ko. 

Bumalik naman ito sa pag mamaneho at ilang minuto pa ay nakarating na agad kami, hindi naman masyadong malayo yung mall dito at hindi gaano ka-traffic, nasa 30 mins lang pero depende pag traffic aabutin ka ng isang oras. 

Sabay na kaming lumabas ng kotse at papasok sa loob ng mall, habang naglalakad ako ay panay sunod naman ang isang ito. Dahil hindi ko na ito matiis ay huminto ako at humarap sa kanya. Wala pa rin siyang expression na ipinakita sa akin.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Yes. What's the problem?" balik na tanong niya.

Are You Lost?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon