Chapter 5

8.5K 360 661
                                    

SOMETIMES your past is the reason why you can't be happy, even if you want to move on and start over again it keeps on holding you. Depriving you to have a peaceful present and grasping your faith to have a better future.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakayakap sa bewang ng binata. Malakas pa rin ang mga kulog at sinundan iyon ng malakas na ulan. Kaya pala mahamog at makulimlim ang labas dahil sa maulap na kalangitan na nagbabadya sa pangit na panahon.

Roaring thunder make her leap and shiver. Her soft little curves hunch in Seventh's mascular body, afraid of the jolt of the clouds while he's holding her tight, protecting her and caging her in his arms.

The heat from his manly built sip through down her spine as boiling water molten a black brewed coffee. Soothing her nervousness and comforting the afraid smitten inside her. Para siyang inaalo ng init ng katawan nito kaya unti unting nawala ang atensyon niya sa galit na kalangitan. 

"Going back to the corner where I first saw you," narinig niya ang malamyos nitong boses. Akala niya ay kinakausap siya nito ngunit nang muli itong magsalita ay may tono na kaya't napagtanto niyang kumakanta ito. "Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Tiningala niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa malayo at wala ang atensyon sa kanya.

"Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man," bahagyang humina ang boses nito at pumiyok nang banggitin ang huling mga salita.

Ramdam na ramdam niya ang bawat katagang binibigkas nito. Parang may kung anong kumukonekta sa kanya papalapit dito lalo nang mabasag ang boses nito at parang may kung anong bumara sa lalamunan kaya napatikhim.

"I know it makes no sense but what else can I do
How can I move on when I'm still in love with you," pahina ng pahina ang boses nito.

Samantalang siya ay nakatitig lamang sa mga mata nitong nalulunod sa lungkot. May kislap ang gilid niyon at tila nakalimutan din nitong may kasama ito. Na nasa tabi lamang siya, kahit ang mga yakap nito ay lumuwag.

Alam niya ang kantang iyon at alam niya ring para iyon sa mga taong nabigo sa pag-ibig. Nananatili siyang nakatitig sa walang emosyon nitong mukha at mapait na napangiti.

"Paano mo nagagawang magkaroon ng pakialam sa iba?" tila may sariling isip ang kanyang dila na itinanong iyon.

Napakurap ito at syaka lamang muling tumingin sa kanya. Sinuklay nito ang plastadong buhok gamit ang kamay at napagakat sa labi. Humiwalay din ito sa pagkakayakap sa kanya at bumalik sa pwesto kanina.

Nawala na rin ang kulog dahil mas namayani ang malakas na buhos ng ulan. "Palagi akong may pakialam sa iba."

"Pero wala kang pakialam sa sarili mo."

Seryoso itong tumingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Ikaw meron ba?"

Natameme siya. Hindi alam kung ano ang isasagot. Meron nga ba siyang pakialam sa sarili? Ikaw magkakaroon ka pa ba ng pakialam sa sarili kung pakiramdam mo wala ka nang maipagmamalaki?

Tumikhim siya at inayos ang sarili mula sa pagkakaupo. Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito. "Atleast hindi ako nagpapakaplastic na magkaroon ng paki sa iba."

Kumislap muli ang lungkot sa mga mata nito. Ilang taon na siyang nabubuhay sa lungkot kaya't alam niya ang gan'ong emosyon dahil iyon din ang nakikita niyang repleksyon ng kanyang mga mata sa tuwing tumitingin sa salamin.

"I'm a psychiatrist and taking good care of people who are in needs of my guidance is my priority not myself."

"Masama ang hindi pagiging mabuti pero hindi rin naman mabuti ang labis labis na kabaitan na tipong wala ng natira sa sarili mo."

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion (PUBLISHED under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon