Chapter 3
"hello?" pambungad ko na tanong
"HI! Miss me?"
Natigilan ako bigla sa tumatawag. Tinignan ko naman kung sino at ganon nalang ang gulat ko.
"Kurt??"
"yes babe! I am here in the Philippines"
"why?... I mean may business conference dito? Saka bakit ka pa tumawag?"
Hindi ako makapaniwala na si kurt pala ang tumawag hindi kasi naka register ang number niya sa akin. Sa sobrang inis ko siguro sa huling pag uusap naming ay binura ko ang number niya. Pasalamat siya hindi ko siya blinock. Matagal na ang huling pag-uusap namin at makalipas ng araw na yon hindi na kami nagkita pa kaya gulat at taka ako na tumawag siya. Ibig sabihin hindi pa rin pala niya binubura ang number ko.
"hmm parang ganon na nga pero may iba pa akong dahilan. "
"ano?" curious na tanong. Ay teka bakit ko pa ba tinatanong eh matagal ko ng kinalimutan ang lalaking to. Napairap nalang ako sa sarili ko
"secret muna babe basta see you babe"
"babe your face! Hindi kita boyfriend kaya magtigil ka" inis na inis kong sabi. Kapal din ng mukha nitong lalaking to pagkatapos ng lahat
"HAHAHAHAHAH Hindi mo ko boyfriend pero malapit na. I love you mwah "
*tot tot tot* at talagang binabaan ako ng tawag bago ko pa masigawan ang assumerong lalaking yon!.
*****
"mommy wala ba akong daddy?" nabigla ako sa sinabi ni tricia. Ito ang kauna-unahang beses na tinanong niya sa akin ang tungkol sa daddy niya.
"ahh gusto mo mag mall later?" sinusubukan kong ibahin ang usapan sapagkat hindi ko din alam kung sino ang daddy niya. Pati ang totoong mommy niya hindi ko na alam kung nasaan din. Its been 6 years pero wala akong nakitang balita sa kanya sa mga nagdaang taon. Ang mga social media accounts niya ay lahat naka deactive hindi ko din ma-contact kung sino man sa mga naging kaibigan niya dati, dahil una hindi kami close at isang beses ko lang silang nakita ng ipinakilala ako ni alez sa mga kaibigan niya.
"mommy na saan po si daddy? Sabi kasi ng mga kaklase ko wala daw akong daddy kaya lagi nila akong pinapaiyak" nagulat ako sa sinabi ni tricia. Ngayon ko lang nalaman na binubully na pala siya ng mga bata. Ang mga batang ito! Ang bata bata pa marunong ng umaway imbes na maglaro at pakikipag kaibigan ang gawin nakuu!.
"syempre baby may daddy ka, nag wo-work lang kasi si daddy sa malayo eh. Saka minsan lang siya makausap ni mommy." Pinagpatuloy ko ang paggagayak sa kanya papasok ng school. Another lies jolina! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo at sa bata?
"mommy si tito kurt po ba ang daddy ko?" gulat na gulat akong napatingin sa kanya!
"saan mo naman nalaman yan? At saka bakit kilala mo si kurt baby?" saan ba niya nalaman ang tungkol dito? Siguro kay alliah! Ang babaeng yun ang daldal talaga kahit kailan.
"naririnig ko po kasi kayo ni tita alliah na nag-uusap tungkol sa may kurt na pangalan mommy." sinasabi na nga ba ang boses talaga ni alliah ang magpapahamak sa akin! Hayst
"no baby, tito kurt is only my friend" (what the? Friend babe really?)
shems! Ano ba nangyayari sa akin naiimagine ko si kurt na ang sama ng tingin sa akin ngayon dahil sa sinabi ko. Bwiset na kurt yan!. Totoo naman na hindi ko siya boyfriend! Saka ang panget panget niya kaya like duh! Teka nga bat ko ba iniisip yung bwiset na yon hmp.
"gusto kong makilala si daddy, mommy pleaseeeee!!" naiiyak ako habang nakikita ko si tricia na umaasang makikita ang daddy niya. Paano ko naman ipapakilala ang anak ko sa daddy niya kung hindi ko naman din ito kilala at baka kunin niya sa akin si tricia! Hindi ko kakayanin mawalay sa anak ko.
"sige baby kapag nakausap ni mommy si daddy, sa ngayon ay gayak na tayo baby ako? Baka ma late ka pa sa school sige ka"
"okiii po mommy! Love you mommy! I love daddy too!" napangiti nalang ako ng malungkot. Hindi lang totoong mommy ni tricia ang kinakatakutan ko pati ang daddy niya.
~~~
YOU ARE READING
How Love Works
Short StoryThis is about how love works in different people. How they are willing to fight for love and their reasons behind it all.