CHAPTER 5

9 4 0
                                    

"Hi jolina!"

"A—Alez?" nauutal at gulat kong tanong.

Nasa harap ko ngayon ang babaeng maputi at sobrang kinis. Naka suot ito ng hanging blouse, high waist pants at sneakers. Muntik ko na siyang hindi makilala ngunit ng makita ko ang mga mata niyang mala-abo alam ko na siya nga talaga si alez.

"yes ako nga" maikling ngiti niya.

Hindi ko maiwasan na huwag tumitig sa kanaya ng maatgal. Naka ilang kurap pa ako ng mga mata ngunit pagdilat ko nasa harap ko pa rin siya. Hindi ko inaakala na masyadong mabilis ang pangyayari parang noong isang araw lang takot na takot akong makita siya at kung sino mang ama ni Tricia pero ngayon nasa harap ko na siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko

"ahmm andyan ba ang anak ko? Gusto ko siyang makita" doon ako biglang natauhan. Gusto ko na siyang paalisin agad matapos lumabas ng mga salitang iyon galing sa kanya.

"wala siya dito—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makarinig kami ng sigaw galing sa bahay.

"MOMMYYYYY! " dali-dali akong bumalik sa loob at nakapasok na din sa loob ng bahay si alez.

Bago ko pa malapitan si tricia naunahan na ako ni alez at siya ang tumingin dito. Sinuri niya ito at biglang niyakap. Napalayo naman ang tingin ko dahil hindi ko ipagkakaila na nasasaktan akong makita silang dalawa na magkayakap. Ano nga bang karapatan ko? Sa aming dalawa siya ang mas may karapatan. Ako lang naman ang nag-alaga pero hindi ako ang nagluwal.

"WAHHH! MOMMYY!!!" bigla akong napalingon kay tricia at pilit nitong kumakawala sa yakap ni alez sa kanya, hanggang sa matagumpay siyang nakawala at biglang tumakbo sa akin at doon umiyak.

"anak--- " bago pa matapos ni alez ang sasabihin niya sumabat na ako.

"Tricia baby, doon ka mo na sa taas. Mag uusap lang kami" tumango naman ito bago kami talikurang dalawa.

"explain" malalim akong napabuntong hininga.

Handa na nga ba ako? Kaya ko na bang bitawan ang anak ko? O tamang sabihin anak ni alez?. Handa na ba akong malaman ang tunay na kwento sa pagtalikod nito bilang ina?. Hindi ko alam pero gusto kong tumakbo palayo kasama ang anak ko. Ayaw ko na dito.

Panaginip lang ito

"huh? Hindi ito panaginip" doon ako tuluyang bumalik sa katotohanan. Hindi nga pala ako nananaginip. Totoong nasa harap ko si alez. Nakatingin sa akin ng may lungkot sa mga mata. Ano bang balak niya? Bakit pa siya nagpakita pagkatapos ng lahat.

***

"hoy gurl! Tulaley ka na naman dyan" napalingon ako kay alliah.

"bumalik na siya" tulala pa ring sabi ko.

"sinong siya?"

"si alez" hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na andito na nga siya sa Pilipinas. Lalo na ang mga katotohanan na sinabi nito.

"WHAT???!!!" inis ko siyang tinignan matapos mapatakip ng tainga. Ang babaeng talaga ito kahit kailan

"pwede ba hindi ako bingi! At huwag kang sumigaw naririndi ako" pinaikutan niya lang ako ng mga mata niya at padabog na umupo sa tabi ko.

"so ano na? anong plano? Sabi ko naman sayo eh dapat noon palang ready kana na mangyayari ito isang araw"

"hindi ko ineexpect, akala ko kasi dahil anim na taon na ang nakalipas hindi na siya babalik. Kaso kahapon, pagkauwi namin may bigla nalang nag door bell at ayun nga nasa harap ko na siya. Pagkatapos nagkita sila---"

"WHAT THE FAN?! SERYOSO? BAKIT HINAYAAN MO?!" sinamaan ko na talaga siya ng tingin. Nasa tabi niya lang ako at kung makasigaw siya akala mo wala ng bukas. Pasalamat siya at andito ako sa pamamahay niya kundi kanina ko pa siya kinaladkad.

"ayun nga sasabihin ko na sana na wala si tricia doon kaso bigla sumigaw si tricia kaya nag alala ako at doon na nga sumunod siya sa akin papasok sa loob at biglang niyakap si tricia."

Ikwinento ko lahat kay alliah ang nangyari kahapon pati na ang dahilan ni alez sa lahat bakit niya iniwan si tricia. Hindi ko matanggap ang mga dahilan niya. Ayaw ko maniwala pero alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"so anong plano mo gurl?" malungkot na tanong niya.

"hindi ko alam. Hindi ko kaya mawalay si tricia. Alam mo lahat ng sinakripisyo ko sa kanya. Lahat nawala sa akin at siya nalang ang natitira at kasabay ng mga salitang iyon ay ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit. Bakit ba naging ganito? Nag mahal lang naman ako. Masama bang mag mahal ng hindi mo tunay na anak?"

~~~

How Love WorksWhere stories live. Discover now