PRÓLOGO

17 3 0
                                    




"Tonto!" Sigaw ni Mr. Tan.


Kakapasok ko pa lang ng opisina ay iyan na ang nadatnan ko. Taas noo akong naglakad papunta ng lamesa hawak ang isang tray na may lamang tasa ng tsaa. Ibinigay ko ito kay Mr. Tan na agad niya namang nilaghok.


"Baguhan ka na nga lang, hindi mo pa magawa ng maayos ang trabaho!"


"P-pasensya na po, sir."


Sinipat ko ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ni Mr. Tan. Paulit-ulit na humihingi ng tawad habang yumuyuko. Paulit-ulit niya ring inaayos ang nahuhulog na antipara. Hindi ko alam ang nagawa niya pero sa reaksyon pa lang ni Mr. Tan, alam kong palpak ito.


"Estupido!" Muntik niya ng ibato ang tasa sa lalake.


"Sir, please calm down." Pigil ko.


Hinarap niya ako, malalim ang paghinga dulot ng matinding pagpipigil ng galit. Ang kamay niyang may hawak na tasa ay nasa ere pa, halatang gigil na gigil sa paraan ng pagkakahawak nito.


Lumapit ako at marahang kinuha ang tasa, hindi naman siya umangal pa.


"Tataas ang blood pressure niyo sir."


Medyo kumalma siya sa sinabi ko. Hinilot niya ang kanyang sentido at mahinang tumango.


"Tama. Salamat sa paalala, Sandra."


"Walang anuman po. Nagtatrabaho lang bilang sekretarya." Tipid akong ngumiti. "Aalis na po ako."


Dahan dahan akong naglakad, muling tinignan ang lalaking nakatayo pa rin. Malapit na ako sa pinto at lalabas na sana nang bigla akong nakarinig ng kalabog. Pag lingon ko ay nakahandusay na sa sahig si Mr. Tan.


Gulat ang lalake na nakaawang pa ang bibig. Binigyan niya ako ng isang nag-aakusang tingin. Binalewala ko iyon. Lumapit ako sa lamesa at nagsimulang halughugin ang drawers. Sa itinagal ko bilang sekretarya ay alam ko na kung saan niya inilalagay ang mga gamit niya dito, kaya wala pang limang minuto ay nahanap ko na ito.


Pasimple ko itong inilagay sa bulsa at muling kinuha ang tray at tasa para lumabas na ng opisina.


"M-ma'am."


Napalingon ulit ako sa lalake na ngayon ay hindi pa rin gumagalaw sa pwesto. Tinaasan ko siya ng kilay at nilampasan lang. Sinigurado kong walang tao sa hallway bago ako lumabas, saka lang ako nakampante nang nakasakay na ako ng elevator. Ngunit nang malapit na itong sumara ay biglang bumukas ulit, sa harap ko ay iyong lalake kanina sa opisina.


"A-anong ginawa niyo kay sir, ma'am?" May halong takot ang kanyang boses.


Deretso lang ang tingin ko, kitang-kita sa sa elevator door ang repleksyon namin. Kagat niya ang kuko ng daliri habang naglalakad paroo't-parito. Inangat ko ang tingin, nasa 10th floor pa kami. Ang tagal!


Ala singko na ng hapon. May lakad pa ako.


"M-ma'am Sandra.." Aniya.


Tamad ko siyang nilingon. "Yeah?"


"B-baka po malaman nil-"


Iniwan ko siya nang bumukas na ang elevator, hindi siya hinayaang patapusin. Alam ko na naman ang sasabihin niya. Agad kong ibinigay ang tray sa isang lalaking staff na nakatagpo ko, ngumiti ako ng matamis, buong puso niya naman itong tinaggap. Mga lalake talaga.


Pumasok ako sa aking maliit na opisina at hinagilap ang aking bag bago umalis ulit. Pati ba naman sa parking lot ay sunod pa rin ng sunod ang lalakeng ito. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.


Golden FireWhere stories live. Discover now