CHAPTER THIRTY

33 7 0
                                    

DARWIN'S POV

Kasama ko si Denise ngayon pero naiilang parin ako. Naalala ko kasi yung nakaraan. I just want here back pero paano nga ba??

Alam ko naman nung nalaman nyang naging kami ni tiffany iniwasan nya ako hayyyyyyy

"Den sorry ha" sabi ko

"Huh?? Saan??" Tanong nya

"Den mahal kita pwede bang tayo nalang??"saad ko

"Hey ayaw ko sorry ah ayaw kong masayang yung pagkakaibgan natin dahil pag naging tayo na at maghiwalay tayo masasayang yun"sabi nya

"Den hindi naman masasayang yun" sabi ko
"Kasi hindi naman tayo mag hihiwalay"dugtong ko
Umiling ito at tumulikod ito

"Sorry pero hindi tayo pwede" umalis na ito na iniwan akong umiiyak

Sabi Nila pag daw umiyak ang lalake bakla daw pero minsan kailangan mo din umiyak para mailabas Yung sakit na nararamdaman, yung bigat na dukot ng pagkasabi

Umuwi ako pasado alas dyes na ng gabi. Nag palipas kasi ako ng oras sa hide out papawis

Tulog na ata sila pagdating ko Kaya kumuha ako ng isang beer in can sa ref at dumiretso sa veranda ng bahay

Naalala ko nanaman si den. Mukhang huli na nga ako. Sana pala mas pinili kita kesa sa kanya noon edi Sana tayo ngayon.

Sorry pero hindi tayo pwede...

Sorry pero hindi tayo pwede...

Sorry pero hindi tayo pwede...

Paulit ulit na nag eecho sa utak ko yung sinabi nyang hindi kami pwede hayyy..

"Inom nanaman mag kakasakit na kayo nyan kakainom eh" napatingin ako sa nag salita

"Lil princess" tawag ko dito

"What happend??" Tanong nya

"Wala naman eh ikaw kamusta simula ng mawala Sya parang wala na si lil princess na nakilala kong masayahin"ani ko habang pinag mamasdan sya wala akong makitang emosyon sa kanya blanko..

Yung rose na masayahin at easy go lucky na mapag mahal naging emotionless

"Pwede bang wag mo na akong tanungin tungkol jan" sabi nya alam ko nasasaktan parin sya pero hindi nya pinapakita

"Lil princess wag mo naman pahirapan yang sarili mo gagawa yun ng paraan para maayos to"sabi Ko

"Hahaha kuya naririnig mo ba yang sinasabi Mo wala ng babalik wala kang alam Kaya Sana kahit ngayon lang wag mo na syang banggitin" saad nya

Natahimik nalang ako. Sana kagaya nalang ni Den si rose grabi kung mag mahal hayyy

"Kayo ba ok lang kayo??" Tanong nya pero emotionless parin

"Ayaw nya sa akin hindi daw kami pwede"saad ko

"So maniwala ka naman??"tanong nito. Hindi ako kumibo

"Ayan tayo eh bakit kaya ang mga lalaki pag sinabi ng babae na ayaw Nila at sinabing hindi pwede titigil na din sila hindi nila alam minsan natatakot lang yung babae na aminin yung nararamdaman nila" ani nito na nakatingin sa kawalan

"Natatakot saan??" Tanong ko

"Ano bang ginawa mo nung una?? Diba mas pinili mo Yung taong alam mong panandalian lang alam mo simula palang na si Denise na ang nilalaman nyang puso mo. Pero mas inintindi mo Yung pagod mo sa kakahabol sa kanya Kaya naghanap ka ng iba diba pag pagod ang tao nag papahinga lang dapat hindi nag hahanap ng Ibang ikagagaan ng buhay dahil kung mahal mo ang Isang tao ano mang pagod mo sa kanya hindi mo magagawang ipag palit ito sa iba.. pero nagawa mo syang ipag palit kasi akala mo yun yung sulosyon sa pagod mo??" Sabi nya

Be My LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon