1.2

76 9 0
                                    


CRUSHBACK LANG EH, DAMOT (LAST PART)

"Hanep pare! Ang ganda talaga niya 'no?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hanep pare! Ang ganda talaga niya 'no?"

Napailing na lang ako at saka nagsalpak ng ear phone sa tenga. Wala akong balak marinig ang pinag-uusapan nila.

"Yeah, she's undeniably gorgeous. Alam mo ba pre, niligawan ko 'yan pero tinurn down ako."

Agad na nangunot ang noo ko nang malakas na tumawa ang kausap niyang lalaki. Kahit nakaear phone ako, naririnig ko pa rin sila. Badtrip!

"Ikaw? Tinurn down ng isang Akishira Coleen Mendez? Haha! Kawawa ka naman bro!"

Agad na napataas ang kilay ko nang mabanggit nila ang pangalan ni Coleen.

"Badtrip kasi bro! Sa pogi kong 'to?"

"Baka iba ang type."

Tumayo na lang ako at hindi na nakinig pa sa usapan nila.

Dumiretso na lang ako sa gymnasium at naupo. Nakikinig lang ako sa music nang aksidenteng mapagawi ang tingin ko sa mga kababaihang nanonood ng practice ng mga varsity players.

Agad na kumabog ang puso ko nang magtama ang paningin namin. Nagkunwari na lang akong hindi ko siya napansin. I don't want her to know my real feelings kung hindi niya naman ako gusto.

"Bro! Wala ka ba talagang girlfriend?" Kinunotan ko naman ng noo si Lance.

"Bakit? Mag apply ka?" Agad naman niya akong pinanlakihan ng mata tsaka binatukan.

"Kadiri ka bro! Hindi tayo talo 'no!" Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Oo nga, bakit wala ka pang girlfriend? Naturingan kang heartrob. Ang dami mo pang fans na mga chix tapos wala ni isa? Bakla ka ba, bro?"

Natawa na lang si Harry ng itaas ko ang middle finger ko.

Inayos ko na lang ang gamit ko dahil may susunod pa akong klase. Kusa akong napatigil ng mahagip ng mata ko ang isang babae na kanina pa nakatingin sa gawi ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Napangisi tuloy ako.

"Sa tingin ko, malapit na akong magkagirlfriend."

Agad na nangunot ang noo ko nang mapansing kanina pa nakatitig sa'kin si Coleen. Yes, I know her name. Sino ba ang hindi?

Sikat din siya sa school, lalo na sa mga boys. Pero mukha namang hindi niya alam 'yon.

"Hey, nakikinig ka ba?" Agad naman akong napalingon kay Vera.

"Continue, nakikinig ako," pagsisinungaling ko.

Nang matapos na siya ay tumayo na rin kami. Nagtaka pa ako nang mapansin kong kanina pa pala nakatayo sa gilid namin si Coleen.

Kinunotan naman siya ng noo ni Vera. Nagtataka siguro kung sino siya at anong ginagawa niya rito.

Nang umalis si Vera ay kami na lang dalawa ni Coleen ang naiwang magkasama.

PLAYFUL HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon