My Love My Hero

227 1 0
                                    

PROLOGUE

"May regalo ako sa'yo"

Kinuha ni Nerissa ang cell phone na iniaabot sa kanya ng Kuya Romel niya. Kahit wala iyon sa kahon, batid niyang bago pa iyon at makabagong modelo rin.

kahit nahihirapan ay ngumiti ito. "Advance birthday girft. Luma na 'yong cellphone na ginagamit mo."

Pigil ang luhang ngumiti lamang siya at kinuha ang hawak nito. Naroon silang magkapatid sa isang probadong silid sa ospital. Nag-aagaw-buhay ang kuya niya. Ang masakit bihirang-bihira kung magkita sila dahil na rin sa trabaho nito at sa muling pagkikita nila ay iyon pa ang sumalubong sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Ang alam lamang niya ay hindi na ito magtatagal. Iyon ang sinabi sa kanya ng doktor. Tinamaan ng bala ang ilang vital organs ng kapatid niya at himala na lamang na nakakapagsalita pa ito ngayon. Dalawang araw na itong nasa ospital nang tawagan siya ng staff doon upang ipaalam sa kanya ang ngyari sa kuya niya. Napasugod agad siya roon at natagpuan nga niya ang nakapanlulumong kalagayan nito.

"May kaibigan ako, 'Blue' ang pangalan niya," anito sa mabagal at hirap na pagsasalita. Maging ang pagkurap ng mga mata nito ay mabagal din. "Naka-save na diyan ang number niya. Kapag may kailangan ka o may problema ka, magsabi ka lang sa kanya."

Tuluyan nang nalaglag ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Parang nagpapaalam na ito.

Ngumiti uli ito. "Kapag nawala na ako , siya na ang bahala sa lahat para sa'yo, Nerissa."

==========================================================

My Love My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon