Chapter 3

118 1 2
                                        

Hello, Blue! Okay naman i-proofread 'yong manuscript. Masarap basahin ang kuwento. mag bagong janitor dito, ubod ng yabang. kakabuwisit. Kulang yata sa pansin.

Napailing si Sebastian pagkatapos niyang basahin ang huling linya ng mensahe ni Nerissa. Halatang mainit ang dugo nito sa bagong janitor na tinutukoy nito. Humitit siya sa hawal niyang sigarilyo habang nakasandal sa mataas na pader sa eskinita kung saan siya nagkukubli. Mukhang wala itong balak sabihin sa kanya ang nangyari dito kaninang umaga. At mukhang hindi pa rin ito lalapit sa kanya upang humingi ng tulong.

Of course, he knew her situation. Marami siyang alam tungkol dito. Mula nang ihabilin ito sa kanya ng namayapang kapatid nito, siya na ang tumingin dito. But he was doing ito from a distance. He had seen her so many times already. Noong libing ng kuya nito, naroon siya, nakamasid sa malayo. At sa tuwina ay  dumadaan siya sa harap ng bahay na tinitirhan nito, tsine-check ang lagay nito.

Hindi pa sila personal na nagkakakilala. O mas tamang sabihin na hindi siya personal na nagpapakilala rito. He took her as his responsibility when Romel died. It was more of an obligation, a promise he needed to fulfill and intended to fulfill. But introducing hinself to her anf telling her who he really was wasn't part of it. It was better that way. For there things she should never find our about him.

Bumuntong-hininga siya. Sa pamamagitan lang ng text message sila nag-uusap. Ngutnit kahit ganoon, unti-unti niyang nakilala ang pagkatao nito. She was a smart anf strong-willed person. Simpleng babae lamang ito, hindi glamorosa o elegante. Maliit lamang ito, hindi kaputian ngunit hindi rin kayumanggi. Palaging nakatali ang dark brown na buhok nitong lagpas sa balikat ang haba. kung titingnan nga ito ay para lamang itong nasa late teens nito at hindi beinte-kuwatro anyos. Maging sa pananamit ay simple rin lang ito.

Pero hindi masaabing ordinary kung ang facial features na nito ang pag-uusapan. Hindi malapad ang noo nito. Tila nilinyahan ng eyebrow pencil ang mga kilay nito na nagbibigay rito ng supladang imahe. Perpekto ang pagkakahugis ng ilong nito, gayundin ang maninipis na mga labi. Bumagayang mga iyon sa maliit na mukha nito. And she had the most beautiful pair of almond=shaped eyes. Mga matang kung minsan ay tila blangko, but he knew that behind that expressionless face was the inquisitive, defiant, and proud personality she possessed.

Oh, she was proud. Hindi ito hihingi ng tulong kahit nahihirapan ito-kahit sa kanya. Tulad na lamang ng problema nito ngayon. Nakausap na niya si Alexis Francisco at siya na ang magbabayad ng damage sa insidente kaninang umaga. Hindi naman mahirap kausap ang lalaki. Magkaibigan sila kaya nagawan niya ng paraan na hindi nito isisi kay Nerissa ang nangyari.

Nangingiting isinuksok niya ang cell phone niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Nerissa wouldn't ask for his help even if he begged her to. Isang araw ay kakausapin niya ito tungkol sa bagay na iyon-siyempre, sa text message pa rin.

"Stop smiling," anang isang tinig. "It's disgusting."

Napalingon siya sa kanyang tabi. Si Oliv ia Roque iyon, ang "tindera ng sigarilyo."

Humalukipkip ito. "Alam na ba ni Boss ang ginawa mo? He's out of the country right now."

Tumango siya. "He called me up. I told him was doing thins."

"Hindi nakarating sa akin 'yan," anito. Seryoso ng tinitigan siya nito, tila pinag-aralan ang kanyang mukha. "Assingment ko si Nerissa Cristobal. What the hell did you come here for?"

Ilang sandali ang pinalipas niya bago sumagot. "They're starting to move and they're still looking for the missing drugs."

Matagal na tinitigan uli siya nito. "And they still think Romel had them?"

"According to my source, yes. And they knew who Romel was."

"Si Nerissa ang hahabulin nila ngayon." anito. Hindi iyon isang tanong. "Iniisip nilang may alam siya."

My Love My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon