Chapter 1

105 1 0
                                    

Chapter 1

Kamusta, Blue? Marami akong natutuhang English vocabulary sa manuscript ni Sir Alex. 'Yung mga hindi nag-e-exist sa dictionary ko. Grabe, akala ko magdudugo ang ilong ko. Magandang gabi!

Pagkatapos pasadahan ni Nerissa ang kanyang mensahe ay pinindot na niya ang send key upang maipadala ang kanyang text message. Nang mai send iyon at inilapag niya ang cellphone sa kanyang mesa at nag-shut down ng computer. Pagakatapos ay nagligpit nasiya ng mga gamit.

Gaya ng sinabi niya sa text message, wala siyang problema sa trabaho niya bukod sa kabang nadarama niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makakahawak siya ng manuscript ng kilalang manunulat nasi Alexis Francisco. Ito ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya at ang tanyag na manunulat na humakot na ng iba't ibang award para sa mga libro nitong nailathala na.

Isa siyang proofreader at wala pang isang taon mula nang magtrabaho siya sa komapnyang iyon. DAti rin siyang proofreader sa ibang publishing company. Tatlong taon din siyang naging proofreader sa magazine. Nang malugi at magsara ang dating pinapasukan niya, saka siya lumipat sa AF Books publishing. Kuraniwang romance novels ang nahahawakan niya at iyon nga ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng gawa ng award-winning writer, lalo at sa boss pa niya iyon. Ayaw sana niyang tanggapin ang trabaho nang ibigay iyon sa kanya ng editor in chief. Subalit alan niyang makakadagdag din iyon sa kanyang karanasan sa trabaho-----ay maging editor na rin siya pagdating ng panahon.

Gusto niya ang trabaho niya. Mahilig siyang magbasa ng libro, lalo na ng romance novels, mula pa noong high school siya.<arami siyang nababasang iba't ibang kuwento at mga lathalain dahil sa trabaho niya. Marami siyang natutuhan. Masarap sa pakiramdam ang nae-enjoy niya.

Tumingin siya sa wall clock. Pasado alas-sais a ng gabi. Nang maiayos niya ang worktable niya ay tumayo na siya at lumabas ng silid. Bumaba siya ng hagdan patungo sa unang palapag ng opisina. Naroon ang malalaking makina na ginagamit sa paglilimbag.

Habang naglalakd patungo sa gate ay natanaw niya si Joey, isa sa mga empleyado sa printing department. Isinusukbit niyaang bag nito sa balikat nang makita siya nito.

"Uwi ka na?" tanong nito.

Tumango siya. "Nasaan sina Paolo?"

"Nasa labas, nagyoyosi," anito. Sumabay ito sa kanya sa paglalakad. "Birthday ng anak ni Albert. May inuman sa kanila."

"Sinabihan nga ako ni Albert kanina," tugon niya. "Pero hindi ako makakapunta. ikaw?"

"Hindi rin. Hindi ako puwedeng maglakwatsa ngayon. Kabuwanan na ni Lorena," anitong ang tinutukoy ay ang asawa nitong malapit nang manganak.

Ngumisi siya. "Under."

Tumawa lang ito.

Ang mga binanggit kanina ni Joey, kabilang na ito, ang ilan sa mga epleyadong nakapalagayan niya ng loob mula nang magtrabaho siya roon. Kaunti lang ang kaibigan niyang babae. Malapit siya sa mga lalaki dahil lumaki siyang ang kuya lamang niya ang kasama niya sa buhay. Kahit noong nag-aaral siya, mas marami siyang naging kaibigang mga lalaki. Siguro, kaya rin siya napalapit kina Joey ay dahil hinahanap niya sa mga ito ang namayapa niyang kapatid.

Paglabas nila ng gate ay nakaalis na sina Albert.Si Via na lamang ang naabutan nila sa labas, ang nagtitinda ng sigarilyo at candy sa eskinita sa gilid ng gusali. Lumapit si Joey sa babae para bumili ng isang stick ng sigarilyo.

:Sina Albert?" tanong nito sa babae.

"Kasasakay lang nila," sagot ni Via.

Pagkatapos magsindi ng sigarilyo ay nagpaalam na sa kanya si Joey. :Una na 'ko. Inga." Lumakad na ito patawid sa kabilang bahago ng kalsada kung saan ito sasakay. Siya naman ay nanatili sa labad ng gate. Doon siya mag-aabang ng jeep patungo sa Quezon Avenue.

My Love My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon