ETHAN'S POV
"Ethan... wake up.."
Nagising ako dahil sa isang pamilyar na tinig
"What?!" sigaw ko dahil ayaw ko sa lahat ay ginigising ako kapag natutulog
Ngunit laking gulat ko nang makitang umiiyak si Clare. Nilapitan ko ito at hinawakan ang dalawang balikat upang iharap ito sa akin
"Why are you crying? Claire?" nag aalalang tanong ko rito
"Si...si Chloe.." tugon nito habang umiiyak
"Why? What happen?" tanong ko rito, hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng kaba.
"Si Chloe nandon sa labas..." sabi nito habang tinuturo ang labas
Tumayo ako at nag lakad papalabas ng cottage at laking gulat ko ng makitang hawak ni Mang Edy si Chloe at tinututukan ito ng baril sa sentido. Nakita ko rin sina Carson na nag mamaka awang bitawan si Chloe habang si Dad naman ay sumulyap sakin at tumango.
Nakuha ko ang ibig nyang sabihin kaya dali dali akong tumakbo papasok sa cottage. Kinuha ko ang baril sa drawer at siningit sa likuran upang hindi makita ni Mang Edy.
Lumabas na ako at nag lakad papalapit sa kanila.
Shet?! hindi ko alam kung bakit? bakit? bakit nag hihina ako ngayong nakikita kong umiiyak si Chloe?
Nagulat ako nang pa putukin ni Mang Edy ang baril sa langit. Pag katapos itinutok nya sa akin ang baril at sinesenyasang huwag lumapit.
"Dyan kalang! wag kang lalapit!" sigaw nito sakin
"Uncle! tulungan mo ako!" sigaw ni Chloe habang nag pupumiglas
Dahilan upang sampalin sya ni Mang Edy. Fuck! patay ka saking matanda ka!
"Hoy! Tanda! Bitiwan mo yan!" inis na sigaw ko kay Mang Edy
"Sabing wag kang lalapit!" inis narin nyang sigaw?! aba at sya pa ang may ganang magalit?!
"Hoy! tanda pag nasaktan yan patay ka sakin!" mas lalo pa akong nagalit ng humalakhak ito, me saltik ata ito eh
"Ano bang ikinagagalit mo riyan ha?! eh ampon kalang naman? at sa pag kaka alam ako wala kang pakealam sa dalagitang ito Ha?!" litek ka! marami kanang nalalaman kelangan mo nang itumba!
Huminga ako nang malalim upang huminahon dahil baka kung ano pang magawa ko sa matandang ito.
king ina! kelangan ko pa atang mag explain! "Una, naistorbo mo tulog ko tanda. Pangalawa, nagugutom naku. At pangatlo, ayaw ko sa lahat ang nakikitang umiiyak yan at nasasaktan."
Aba at tumawa na naman sya tsk.. tsk.. tsk.. me saltik talaga ito eh
humakbang ako papalapit sa kanila kaya natigilan si tanda at itinutok na naman sakin ang baril
"Hwag ka sabing lalapit!" sigaw nanaman nya habang tinututok sakin ang baril
"Ililigtas mo ang babaeng ito? Ha?! baka nakaka limutan mo anak sya na-
hindi na nya natapos pa ang sasabihin dahil sinenyasan na ako ni Dad na nasa gilid ko pala kaya inilabas ko na ang baril ay pinaputukan sa binti si Mang Edy dahil para matumba sya, kaya nabitawan nya si Chloe at ang baril.Lumapit ako at pinag susuntok si Mang Edy. Hindi ko alam kung bakit ako galit na galit ako wa kanya.
"Dude! tama na yan!" sigaw ni Xavier habang pinipigilan ako
"Dude! Enough!" sigaw ni James na nasa harapan ko na pala
Bumuntong hininga ako saka tumayo sa pag kaka upo.
"Pumasok kana dun sa loob kami na ang bahala dito." mahinahong utos sa akin ni Xavier
"Ge." sabi ko saka nag lakad papunta sa cottage ni Chloe.
bakit ko ginawa yun...... nag papadala na ako sa galit ko.
Ano yung sasabihin dapat ni Mang Edy? Anong yung alam nya? May nalalaman ba sya?
"Ha!" isang malalim na buntong hininga ang inilabas ko
Nag tuloy tuloy naku sa pag lalakad. Mag ta tanghali na, medyo umiinit narin dahilan para lumabas na yung ibang mag sa sun bathing.
Medyo malayo yung cottage ni Chloe sa amin, dun sya sa parte ng malapit sa mga pool samin naman sa may dagat.
Nasa harapan na ako ng cottage ni Chloe at naririnig ko na ang pag iyak nito.
Tss may utang na loob na ngayon sya sakin.
Pumasok na ako sa loob, at ang nadatnan ko ay si Chloe na naiyak habang naka yakap kay Claire. at si Dad na naka upo sa chair malapit sa kama.
"Tss.. parang bata" sabi ko dahilan para lumingon sila sa akin.
"Ano? wala bang Thank you dyan?" naka ngiting tanong ko dahilan para tumayo si Chloe at...
Blagg!
"Arayy?!" sigaw ko dahil sinuntok nya ako sa dibdib "Ano ba?! ganyan na ba mag thank you ngayon?!"
"Panong hindi?! Ha?! Paano kung ako yung natamaan mo ha?!" patuloy nya habang sinusuntok parin ang dibdib ko.
Niyakap ko sya pa huminahon, tumigil na sya pag suntok sakin at gumanti sa pag kakayakap ko.
"shhhh.... wag kang mag alala hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun." bulong ko rito
Kumalas na ako sa pag kakayakap sa kanya at inalalayan sya pahiga sa kama.
Nang maka higa, umalis na sina Dad para kumain at papadalhan na lang daw kami rito.
Habang natutulog pinag mamasdan ko si Chloe.
mula sa makapal at magaganda nyang kilay. Sa kanyang pilik matang kay nipis sa ilong nya kay tangos at pababa sa labi nyang mapu pula at kay nipis.
"Siguro nga... tama si Xavier, i think.... i .. like you..." inalala ko yung ginawa ko kanina yung mga nararamdaman ko kapag nakikita ko syang umiiyak. "No.. i really like you.."
PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW, COMMENT AND VOTE!
THANK YOU😊
