Chapter 24.
Kiesha pov.
Pagkatapos naming mamasyal ay umuwi agad kami, pero hinatid muna nila ako sa bahay.
Alas sais ng hapon kami natapos kaya medyo maliwanag pa kagaya ng sinabi ni kuya na bago maggabi ay nakauwi na ako.
Hindi na sila pumasok at nagpaalam nalang, at nang makaalis na sila ay saka na ako pumasok.
Naabutan ko naman si kuya na may penipermahan sa papel. Nasa sala siya at nakaupo sa single sufa at kaharap sa lamesa. Nasa harap din niya ang kanyang laptop at kape sa gilid.
Agad akong lumapit sa kanya nang hindi niya ko napansin. "Good evening 'ya" bati ko kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa.
Tiningala niya ako mula sa pagkakayuko. "Buti naman at nakauwi kana" Sabi niya. "Nasan na sila?" Tanong niya na tinitingnan pa ang likod ko kung may nakasunod ba sakin.
"Umuwi na sila kuya, hinatid lang nila ako sa labas ng gate, hindi na sila pumasok" sagot ko ng nakangiti.
"I see" tumatangong ani niya habang nakatingin sa mga pinirmahan. "Kumain ka na?" Tanong niya na tutok parin sa ginagawa.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Oo, tapos na, kumain kaming lahat bago umuwi"
"Okay"
"Akyat na ako kuya" paalam ko, tumango lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Pagpasok sa kwarto ay agad akong naligo, pagkatapos ay nagbihis. Agad akong humiga sa kama pagkatapos.
***************************
Ranzel pov.
"Oh!, Kumusta ang lakad? Nag-injoy ka ba?" Bungad na tanong agad ni daddy sa akin pagkapasok ko sa bahay.
Aga naman niyang nakauwi.
"Yun ang napagkasunduan e" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Aga mo yatang umuwi dad?" Tanong ko na tumingin na sa kanya.
"Maagang natapos ang ginagawa ko sa company e" Sabi niya, kaya bahagya akong napatango. "Bakit? Ayaw mo bang maaga akong umuwi?" Nagtatakang tanong niya.
Agad naman akong umiling. "Hindi naman sa ganon, dad, nagtaka lang kasi ako dahil sa palagi kayong late na kung umuuwi" anas ko, kaya napatango siya.
Napabuntong hininga siya. "Wala naman kasi masyadong mga gawain doon, e, pero baka bukas marami na" Sabi niya at agad tumingin sa akin. "Kumain ka na?"
"Hmm...tapos na" Sagot ko na tumatango pa. "Ikaw?"
"Hmm...tapos na rin...Sige, magpapahinga na muna ako, magpahinga ka na rin" Sabi niya at tinapik ako sa balikat. Tumango lang ako.
Pinanood ko pa siyang umakyat sa taas.
Napabuntong hininga nalang din ako, pagkatapos ay umakyat na rin at pumasok sa aking kwarto.
Pasukan na naman bukas.
Haaayyssst!
**************************
Kiesha pov.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section Full of Boys
ActionSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban, matapang, hindi natatakot, lumalaban kahit pa mga lalaki ang kanyang makakalaban. Mahilig mamilosopo, mang-asar sa kausap. Siya rin ay isang babae na mapagmahal sa pamilya, kaibigan at mga tinut...