Chapter 9

5.9K 331 1
                                    

Chapter 9.

Kiesha's pov.

Nandito ako ngayon sa canteen at kumakain and as usual, mag isa na naman ako dito sa table ko at sanay na ako na ganito palagi ang routine ko dito. Rinig na rinig ko rin ang mga pinag-uusapan ng mga studyante sa paligid ko. At alam kong ako ang pmtinutukoy nila. Obvious naman. Tss!

"Grabe, ang tapang niya talaga kanina."

"Biruin niyo, nakipag-away siya sa mga lalaki."

"Hindi man lang natakot sa kung ano man ang mangyari sa kanya, dahil babae siya."

Bakit naman ako matatakot? E, sa hitsura palang ng mga 'yun ay hindi na katakot-takot. Duhh!

"Attention everyone, kindly all section Fear go to the guidance office! Again, all section Fear go to the guidance office now!"

Napahinto ako sa pagkain nang marinig ko ang sa speaker ang pagtawag sa aming section Fear. Napahinto rin ang iba at napalingon sa gawi ko at sa gawi ng mga kaklase ko. Alam ko na rin kung bakit nila kami pinatawag.

Lumingon naman ako sa mga kaklase ko na nakatingin din pala sa akin. Hindi naman nagtagal ay nagsitayo sila saka naglakad palabas.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumayo na rin at sumunod sa kanila. Ramdam ko pang nakasunod ang mga tingin ng studyante sa amin.

Pagdating namin sa tapat ng pinto ng guidance office ay walang pasubaling pumasok sila agad ng hindi muna kumakatok.

Mga walang mudo!

Mukang hindi sila natatakot sa maaaring sasabihin sa kanila ng principal dahil sa kawalan nila ng mudo.

Pumasok na rin ako dahil ako nalang ang naiwan sa labas. Pagpasok sa loob ay nakita kong nakaupo na silang lahat at ako nalang ang hinihintay. Nalaman ko rin na nandito din pala sa loob ang section Sadness.

Ang ibang sa kanila o sabihin na nating halos silang lahat ay may bandage sa ibat ibang parti ng kanilang katawan.

Ang iba naman ay namimilipit pa rin sa sakit ng natamo nila. Pansin ko rin na wala ang kanilang leader at yung ibang nakaaway ko na halos pare parehong may bali sa ibat ibang parti ng kanilang katawan.

Nandito rin ang mga magulang siguro nila dahil may mga magulang sa kanilang mga gilid at likod.

Samantalang ang section Fear ay wala at maging ako rin naman.

"Maupo ka muna, Miss Villanueva" alok ng principal sa akin saka tinuro ang bakanting upuan. Okay.

"Siguro naman ay alam nyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito lahat?" Tanong ng principal sa amin na amin namang ikinatango.

"Ang pag-uusapan natin ngayon ay kung bakit kayo nag-aaway lahat sa gymnation. Maaari ko bang malaman kung sino ang nagsimula at anong dahilan ng away o gulo nyo?" sabi at natong pa ng principal sa amin.

Wala akong alam dyan. Nadawit lang ako.

Hindi naman ako sumagot at tahimik lang dahil hindi ko naman alam kung sino ang nagsimula sa kanila.

Napasama lang naman ako dahil sa may nag uudyok sa akin na kailangan ko silang tulungan!

"Sila!"

Napalingon ako sa section ko nang sabay-sabay silang nagsalita at lahat sila ay nakaturo sa mga section Sadness na ngayon ay gulat na gulat ang rumihistro sa mukha dahil sa pagturo sa kanila.

The Only Girl in Section Full of BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon