⚔7

31 9 0
                                    

"Ang dami kong gustong gawin kaso hindi ko alam kung papaano simulan.."

Napaangat ng tingin si Aeris kay Xue na nakayuko at panay ang kiskis nito ng dalawang kamay. Naaawa sya sa dalaga, kitang kita nya ang paghihirap ng loob nito. Nagpatuloy lang sya sa pagkain di sya nagsalita nakikinig lang sa mga hinaing ng dalaga.

"Gusto ko siyang makalimutan. Gusto ko siyang kalimutan at alisin sa puso ko pero hindi ko magawa. Kasi kahit na sinaktan at iniwan  niya ako, hindi  pa rin ako nawawalan ng pag-asa na baka isang araw marealize niya na nagkamali pala siya sa pag-iwan sakin. Tapos magsisimula kami ulit, at this time hindi  na namin gagawin yung mga pagkakamali namin noon. Pero hindi eh? Wala na talaga siya, masaya na siya sa piling ng iba. Ako lang tong hindi makatanggap. Gabi gabi ko ring binabalikan ang mga magagandang alaala na nabuo namin at gabi gabi rin akong nasasaktan. Gusto kong kumawala sa pagkakabihag sa nakaraan pero hindi ko kaya."

Inabot na ni Aeris ang mga kamay ng dalaga na namumula na kakikiskis nito. Hindi na nya yun binitawan kahit pa hinihila na ito ni Xue, mas lalo pang hinigpitan nya ang pagkakahawak dito.

"Gusto kong magpatawad at makalimot pero hindi ko alam kung papano simulan yun. Madali lang naman ang magpatawad, pero ang makalimot? Hindi! Kumbaga parang isang nabasag na baso, pwede ko siyang idikit para maayos ulit pero hindi ko na maaalis yung mga cracks. Yung mga cracks na yun yung magsisilbing palatandaan na minsan eh sinaktan ako ng taong yun. Mahirap na din ibalik ang tiwala. Pwede naman kaming maging magkaibigan pero yung turingan namin hindi na katulad nung dati. May wall na na nakapagitan sa aming dalawa."

'Tangna! Alam naman pala nya na dina mababalik pang dati eh bakit pa nito pinapahirapan ang sarili  nya? Dito naman ako na hanggang ngayon nagmamahal sa kanya! Ba't hindi na lang ako ang mahalin mo Xue?'

Yun ang nais nyang sabihin kay Xue pero sa halip ang nasabi nya ay iba.

"Kaya mo yan! Kaya mong mag move-on. Kaya mong ipagpatuloy ang buhay mo kahit wala na siya. May rason ang lahat ng bagay, kung hindi niyo man narating yung inaasam niyong forever, ibig sabihin nun may taong darating na mas okay pa sa kanya. Taong mas kaya kang mahalin higit pa sa pagmamahal na ibinigay ng taong iniiyakan mo ngayon. Kaya mong tiisin ang lahat ang lahat ng sakit, lahat naman ng sugat naghihilom sa tamang panahon. Tumayo ka sa pagkakadapa mo at huwag kang matakot na magmahal ulit."

"Ang hirap Pangit, diko kaya!." Pumatak ng  luha ni Xue na lalong ikinainis ni Aeris.

"Tangnang mahal mahal na yan tsk!  Kaya mo yan! Ikaw pa ba magpapatalo lang sa ganyan? San na napunta ang Xue na nakilala kong ubod ng sungit at suplada ha? Yung Xue na lagi akong pinagtitripan, sinasaktan at inaalipin? Kalimutan mo na yung walang kwenta mong Ex, may iba na nga sya e, masaya na sya sa iba!  Kaya ikaw mag move on kana!"

Binawi ni Xue ang mga kamay sa mahigpit na pagkakahawak ni Aeris saka pinahid ang mga luha. Mapait syang napangiti saka tiningnan sa mga mata si Aeris na halatang naiinis na pero nagtitimpi lang ito ng galit kasi kaharap sya nito.

"Kahit kelan hindi moko maiintindihan kasi hindi naman ikaw ang nasasaktan kundi ako. Hindi ikaw ang ginawang tanga at pinaasa, hindi ikaw ang nagtiis at nag sakripisyo, hindi ikaw ang nagbigay ng lahat lahat para magtagal lang ang relasyong pinaka iingat ingatan mo, at hindi ikaw ang nawalan ng minamahal kundi ako."

Matapos nyang sabihin yun kay Aeris tumayo na sya't  naglakad palayo dito. Habang tuloy tuloy lang ang pagdaloy ng mga luha nya na hindi na nya pinagkaabalahan pang punasan. Napahinto sya sa paghakbang ng marinig nyang nagsalita si Aeris sa kanyang likuran..

"Siguro nga napakabigat ng iyong dinadala na kahit ako hindi pa sapat para mapawi yang lahat ng sakit at hinanakit na nararamdaman mo. Na kahit anong gawin ko hinding hindi ako maging sapat para sayo. Na kahit anupang sakripisyo ang gawin ko hinding hindi pa rin ito makakapantay sa pagmamahal na yung iniaalay sa lalaking iyon. Hanggang kelan bako dapat maghintay Xue? Hanggang kelan bako tatayo sa isang sulok habang pinagmamasdan ka sa malayo. Hanggang kelan bako magsasakripisyo para sa ibang tao na inaakala mong syang kaligayahan mo. Hanggang kelan bako maging anino na sunod ng sunod sayo Xue. Hanggang kelan?"

"Ha! Anubang pinagsasabi mo dyan?"

Naguguluhang tanong ni Xue kay Aeris na bahagyang namumula ng mga mata, paiyak na ito konti na lang at yun ang hindi nya maintindihan sa binata. Hindi ito palasalita pero ngayun bakit ang daldal yata nito. Nagulat na lang sya ng bigla itong tumayo mula sa mesa at naglakad palapit sa kanya. Mismong sa harapan nya ito tumigil at pinahid ng mga daliri nito ang luhang pumapatak pa sa pisngi nya.

"Huwag mong hintayin ang panahon na mapagod at magsawa nako kakaintindi at kakahintay sayo Xue! Dahil tao lang ako hindi Santo! May hangganan din ang lahat ng pagsasakripisyo ko!"

Awang ang labing  sinundan nya ng tingin si Aeris na ngayon ay palabas na ng restaurant na kinainan nila.

'Bakit ganun? Lahat ng sinabi ni Aeris  mas masakit pa kesa sa sinabi ni Andy nung nakipaghiwalay sakin? Bakit mas nasasaktan akong tingnan syang papalayo? Bakit nakakaramdam ako ng kahungkagan at kakulangan kapag naiisip kong mawawala na naman sya sakin? Bakit ako ganito? Bakit ko nararamdaman ito? Bakit doble ang sakit?

Bakit?...

💃MahikaNiAyana

Dj. Hugot🗡Assassin Series6✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon