"What makes a girl exceptional..?"
Tanong ni Xue kay Aeris saka humilig sya sa dibdib nito, habang nakatingin sa kalawakan. Nasa Isang burol sila at pinagmamasdan ang kagandahan ng kapaligiran. Preskong hangin, mga huni ng ibon lang ang maririnig, nakakabighaning bulubundukin at maaliwalas na langit.
Kapayapaan at kaligayahan ang bumabalot na aura sa kanilang dalawa na damang dama ni Xue. Parang bida na rin sya sa isa sa mga pocketbook nyang nabasa na pinapahiram ni Destiny sa kanya. Napangiti sya saka hinawakan ang dalawang braso ni Aeris na nakayakap sa kanya saka sinagot nito ang tanong nya.
"Hmmm... bakit gusto mong malaman hmm?" Sabay pinagdaop ni Aeris ang mga kamay nila habang nakayakap pa rin ito sa kanya.
"Basta sagutin mo na lang kasi ako pangit! Dali naaa!."
"Hahaha kahit kelan demanding at ang sungit mo pa rin... Hmmm para sakin.. Kapag nananatili siyang simple.
Kapag confident siya sa sarili niya kahit ilang layer ang bilbil niya.""Heh! Wala akong bilbil nuh."
Tinampal ni Xue ang kamay ni Aeris ng maramdaman nyang pinipisil pisil nito ang tiyan nya. Natatawang ibinalik nito ang kamay sa pagkasalikop sa kamay nya.
"Kapag wala siyang pakialam kahit parang surfing board ang kanyang katawan dahil wala siyang malaking boobs."
Malakas na napahalakhak si Aeris ng bumaba ang tingin ni Xue sa dibdib nito. Saka nakasimangot itong kumalas sa pagkakayakap nya dito. Nagmamartsa itong lumayo sa kanya at umupo sa isang tipak ng bato di kalayuan sa kanya.
"Hmp! nakakainis ka naman eh! Hindi mo seneseryoso ang tanong ko."
Umirap si Xue at ibinaling sa kabundokan ang atensyon nito. Nilapitan naman sya ni Aeris na natatawa pa rin. Umupo ito sa tabi nya at pilit isiniksik ang katawan kay Xue na nakasimangot pa rin.
"Anuka ba naman, masyado kang sensitive! Hindi ko naman sinabing flat ang dibdib mo ah.. Aaaraayy."
Pinagsusuntok na ni Xue si Aeris, pikon na pikon na talaga sya dito.
"Pangit.. Pangit... Pangit kaaa.... May boobs ako nuh! at hindi flat ang dibdib ko gago!."
Maagap na hinawakan ni Aeris ang dalawang kamay ni Xue. Masayag masaya talaga sya kapag ganitong naiinis ng dalaga sa kanya.
"Hahaha, sabi ko nga diba! Patingin nga kung anong sukat nyan!.." Panunukso pa nya.
"Heh! Isa pang kalokohan sisipain na talaga kitang pangit ka. Kuuu kainis kaa.."
"Hindi na! Sige, hindi na! Seryoso na tayo ngayon haha fuck... Saglit.." Huminga muna sya ng malalim saka pinakawalan ang hangin . " Hoooo.. Yan, ok nako! Ahmm.."
Matalim ang tinging ipinukol ni Xue kay Aeris.. Umayos naman ito agad at hinawakan na naman ang kamay nya't nilaro laro ang mga daliri habang nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ahm ok! Kapag hindi niya ipinagpipilitang magtago sa makapal na foundation.
Kapag hindi na niya kailangang magsuot ng malalaking hikaw para maging maganda.
Kapag magaling siyang magluto. Dahil alam mong kapag naging asawa mo siya, hindi lang puro de lata ang ihahain niya.
Kapag alam niyang maganda siya kahit skinny jeans na maong at puting t-shirt lang ang suot niya.
Kapag hindi na niya kinakailangang magdamit ng sexy para matawag na hot ng iba.
Kapag hindi na niya kailangang magpose sa kapirasong tela dahil ngiti pa lang niya ay pamatay na."Unti unting nawawala ang inis ni Xue, napalitan na yun ng kasiyahan. Tuloy pa rin sa pagsasalita ang binata ni hindi nito napapansin ang reaksyon nya kasi abala ito kakaisip ng mga sasabihin.
BINABASA MO ANG
Dj. Hugot🗡Assassin Series6✔💯
Teen Fiction⚔ Aeris Blyze ⚔ Hainsha Organization secret assassin tracker. 25 - Single NGSB - No Girlfriend Since Birth "Sa relasyon, kelangan ng MRT. MAHAL, RESPETO at TIWALA. In english LRT. LOVE, RESPECT and TRUST " - Aeris Blyze - "Mas mabuti Na ang "TORP...