⚔1

111 10 0
                                    

'Nagsimula ka bilang isang maliit na halaga sa buhay ko. Parang piso, maliit ang halaga. Pambili ng isang pirasong kendi, kalahati ng presyo ng isang yosi. Pero ang hindi ko alam, ikaw pala ang kukumpleto sa pagkukulang na mayroon ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa di inaasahang pagkakataon tayo nagkita, sa di inaasahang pagkakataon tayo nagkakilala. Hindi man natin ito inakala pero dito tayo nagsimula.

Ako na naghahanap sa pupuno sa aking kakulangan, ikaw na naghahanap ng mabubuo. Swak tayo diba? Parang tinadhana. Kaya alam mo ba, natuwa ako nang makita kita. Sumakto ang timing mo dahil naghahanap ako ng pupuno sa pagkukulang na mayroon ako. Masaya akong nakita kita, masaya akong nakilala kita. Masaya talaga ako oo, pero pinangunahan ako ng takot.

Natakot ako na baka may iba na palang nagmamay-ari sayo. O kaya may iba nang nagbabalak na may kumuha sayo. Pinangunahan na naman ako ng takot ko. Dahil sa mundo na ating ginagalawan, hindi lang ako ang nag-iisang taong naghahangad na mabuo rin, marami akong kalaban at yun ang bumabagabag sakin. At ang pinaka-problema ko sa lahat, hindi ako madamot. Hindi ako madamot sa mga bagay na mayroon ako at mas lalong hindi ako madamot sa mga bagay na hindi naman talaga sa akin.

Tinitigan kita at pinanuod ng matagal. Naghihintay na may kumuha sayo. Habang tinititigan kita ng matagal, mas lalo akong natutukso na kunin ka at angkinin ka. Pero dahil natakot ako, hinayaan nalang kita makuha ng iba. Nagparaya ako at hinayaan ka na makuha ng taong kakarating pa lang. Nakatabi ko siya at nakasama.

Habang siya'y pinagmamasdan, nakita kong wala siyang kulang di katulad ko. Sa totoo lang, sobra-sobra pa nga eh. Parang madami siyang reserba sa buhay niya. Habang ako nagsisisi ngayon dahil kulang pa rin ako at hindi buo. Kung hindi sana ako pinangunahan ng takot ko, eh di sana buo na ang buhay ko at hindi sana kulang. At kung sana hindi ako pinangunahan ng takot ko, hindi ka sana mapupunta sa maling kamay at gagawin lang na isa sa mga reserba.

Ano kaya ang mangyayari kung kinuha kita? Eh di sana hindi na malungkot ang buhay ko, na sana masaya na rin ako. Sabagay kung mapupunta ka rin naman sakin, hindi ka rin siguro magtatagal. Saglit na panahon lang kita makakasama. Mapupunta ka rin naman sa kamay ng iba dahil kapag may humingi ibibigay rin kita.

Pero mas okay rin naman diba na at least man lang mahawakan at makasama kita kaysa sa hindi talaga? Mas okay na nung naranasan kong mahawakan kita kahit saglit lang. Totoo nga yung sinasabi nila na makikita mo lang yung halaga ng isang bagay kapag walang-wala ka na at kinakailangan mo na talaga.

Parang ikaw lang. Na napadaan lang sa buhay ko...' 

Napayuko bigla si Aeris ng masulyapang naglalakad na si Xue patungo sa kinauupuan nyang waiting shed.

⚔⚔

'Ngayong araw hindi ko alam kung bakit' o anong meron o wala sa araw na to, sobrang mabilis na lumipas ang araw ko... mabigat pero tila ang dali lumipad ng bawat oras. Natapos na ang oras ng trabaho pero di pa rin nakakaramdam ng pagod yung katawan ko. Alam ko pagod na ko, pero ayoko pa magpahinga ayoko pa umuwi. Gusto ko ng may kasama kahit di sya magsalita, or pwede rin naman ako lang mag isa...

Ang daming emosyon akong nararamdaman iba-iba... pero masasabi ko lang nalulungkot ako, gusto ko umiyak pero wala kong mapwestuhan. para kong tanga di ko alam san ako pupunta , naglalakad pero di alam san tutungo, maya maya tutulo nalang yung luha ko.

Sa totoo lang alam ko yung dahilan .. OO malungkot ako. At sa mga oras na to nilalamon ako ng lungkot, at wala kong magawa. Sa pag kakaalam ko sanay naman ako mag isa, yun pala ay akala ko lang. Kahit kelan di ka masasanay sa pakiramdam ng kalungkutan, mas nakakapanghina pa yung ganitong pakiramdam kaysa sa takot...'

Napahinto sa paglalakad si Xue ng makakita ng waiting shed, pagod ng mga paa nya kakalakad kaya kahit may nauna ng nakaupo dun na isang lalake tumabi pa rin sya ng upo dito. Sinuntok suntok nyang hita na nangalay at hinilot ang kanyang paa't binti. Nakikiramdam sya sa katabi, tahimik lang ito at parang walang pakialam kaya tuloy lang sya sa ginagawa. At ng medyo maayos ng pakiramdam nya, tumayo na sya't inayos ang pagkakasukbit ng kanyang bag sa balikat, pero bago humakbang ang kanyang mga paa nag iwan muna sya ng isang hugot line sa nakatabing lalake sa upuan.

"Kung iiwan mo ang isang tao, wag mo nang patagalin pa. Hindi mo ba naisip na mas masakit pag iniwan mo siya kung kailan paniwalang paniwala na siyang mananatili ka. "

Agad syang humakbang paalis dun, walang lingon lingon basta deretso lang ang lakad nya. Samantalang ang lalakeng nakatabi nya sa upuan ay nagtatakang sinundan naman sya ng tingin.

'Anong drama nun sa buhay?' Parang tanga lang, ganun?'

Naiiling na tumayo sa pagkakaupo si Aeris, saka naglakad papunta sa nakapark nyang motorsiklo, sumakay na sya at agad pinaharorot ng takbo, kung san sya patungo? yun din ang hindi pa nya alam, basta nag maneho lang sya hanggat may kalsada.

💃MahikaNiAyana

Dj. Hugot🗡Assassin Series6✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon