Chapter40 - 3 SECRETS SPILL TO KHIELLE

1.6K 62 0
                                    

Kate POV

F*ck ang sakit pa din ng pasa ko.. Tang*nang Khai at Cheska yan!

Pagkatapos kong naligo.. Bumaba na ako para kumain... Para ako nakipagsuntukan sa kalye dahil sa pasa ko sa pisngi nagkasugat pa ako sa labi... Buti at ito lang abot ko... Mas malala kila Khiara at Kerhinne dahil may sugat sila sa braso ewan ko kung may pasa din.

"Anong nangyari sa inyo?!" tanong ni Dada habang nasa pagkainan kami.. Nandito rin ang Daddy ni Khai..

May pasa rin yung dalawa tas yung sugat pa sa braso...

"May niligtas kami sa kamay ng mga tarantadong lalaki you know dada..." sagot ko saka tumingin kay Mr. Salvador... Nagets naman niya... Alam niyang hindi pwedeng sabihin kapag may ibang tao...

"Sa susunod mag iingat kayo iha" payo ng Daddy ng tarantado.. Tumango kami bilang sagot

"May pupuntahan ba kay?" tanong ni Dada

"Wala po dito lang po kamo sa bahay.." sagot ni Kerhinne Saturday kasi ngayon

"Mabuti naman uuwi kasi sila Hira ngayon hindi lang sinabi kung anong oras ayaw nila magpasundo sa airport" sabi ni Dada.. Kaya napatigil kaming lahat na kumain..

"Talaga po?" -Khiara

"Baka prank lang yan Dada ha! Hindi po magandang prank yan" -Kerhinne

"Totoo kaya maglinis kayo ng bahay dahil alam niyo naman yun.." -Dada..

"Tapos na po ako kumain maglilinis na po ako" sabi ni Kerhinne.. Palibhasa makalat siya hahahah..

"Okk na din po ako" sabi ni Khiara.. Aba aba excited ahhhh

"Okk... Tirhan niyo nalang ako ng lilinisan" napalingon ang dalawa at ngumisi... Paktay!!!

"Sure!"sagot nila agad..

"Ikaw maglilinis ng pool at kusina. Wag kang papatulong kila Nanay rest day dapat nila ngayon" sabi ni Khiara
.. Sabi na eh dapat hindi ko sinabi yun... Siguradong yung pinakamahirap ibibigay sa akin... Hindi naman as in makalat ang kitchen pero mas maraming gagawin dito kaysa sa ibang parte ng bahay..

"Grabe! Oo na" sagot ko at nagpatuloy ako sa pagkain...

Khazy POV

"Susunod kami doon after masettle itong papers na kailangan pirmahan.." -Kuya Azy

"Lahat kayo dapat umuwi doon.. Lalo na sa birthday ng twins kung ayaw niyong sugudin ako ni Hazey" pagbabanta ko...Naka Oppa and Noona ang batang yun. Kapag sinabing umuwi sa Korea uwi...

"Opo.. Takot ko nalang sa batang yun hahahha"

"Bye Oppa" paalam ni Hirro habang naglalakad papalapit sa amin..

"Bye Adeul always take care of yourself and avoid to strangers okk?" payo ni Azy... 'Adeul is Son'

"Ne" sagot ni Hirro nagyakapan ang dalawa at pumunta na sa van..

"Oppa! Follow me in Philippines okk?" sabi naman ni Hazey.. Sabi na eh papasunudin niya si Azy... Mas close si Hazey kay Azy kaysa kay Hirro.. Pero si Hirro nas close naman niya si Azer kaya kapag nag away kami nila Azer at Azy walang matitira na anak ko sigurado hahahah...

"Ne, Dal.. Take care always okk?" -Azy

"Ne, Oppa.. Byeee" paalam ni Hazey at sinundan si Hirro sa van...

"Ingat kayo sa byahe.. Puso mo alagaan mo wag masyadong papadala sa galit.. Always be cool" hahanaha makapayo to mas mainitin naman ulo kaysa sa akin

Heartless Meet Cold Gangster King (R+16)Where stories live. Discover now