Suicidal Games : PROLOGUE

5 1 0
                                    

Nakakabinging katahimikan ang agad sumalubong sa 'kin pag mulat ko nang aking mata. Lahat kami ay nagtaka dahil kanina lamang ay nasa isa kaming resort sa Bataan kung tawagin ay 'PLAYA LA CALETA'. Hanggang sa may babaeng nagbigay sa 'min ng alak na agad naming ininom dahilan para mawalan kami nang malay.

Pag-gising namin ay narito na kami sa isang luma at tagong silid, animo'y libingan ng mga patay na daga dahil sa umaalingasaw na amoy nito. Agaw pansin ang isang bruhang babaeng parang lumamon nang isang malaking speaker dahil sa nakakarindi nitong tawa.

"Sabihin n'yo kung handa na kayo, dahil ako ay kanina pa nababagot," malakas na tawa ang agad lumabas sa bunganga nito matapos n'yang bitawan ang mga salitang 'yon.

Lahat kami ay matalim lang nakatingin rito. "Nababagot ka? Edi ikaw na mauna! Tutal ikaw lang naman ang nakaisip nito," Sigaw ko upang matahimik ito.

Galit na lumapit ito sa 'king direksyon saka hinawakan ako sa panga. "Ito ang tatandaan n'yo. Walang silbi ang apoy kung ang laman nito ay tubig, parang ikaw," nakangising sambit n'ya saka biglang naglaho sa'ming harapan.

Suicidal Games (On-Going) Where stories live. Discover now