Suicidal Games : it's me
Iminulat ko ang aking mata dahil sa sobrang sakit ng aking ulo at mga ingay na galing sa aking paligid at ang masang-sang na amoy. Randam ko pa rin ang braso ni Axel na nakapulupot sa aking katawan. Humarap ako sa kan'ya saka tinignan ang maamo nitong mukha, "Hanggang kailan ka ba babalik, I mean, oo, bumalik ka nga pero sana 'yong sinabi mo noon natatandaan mo pa rin." Mahinang bulong ko, tulog ito kaya hindi n'ya narinig ang sinabi ko.
Akmang tatayo na ako nang hapitin ako nito papalapit sa kan'ya. Muntik pang tumama ang labi ko sa labi n'ya." I heard everything you said a while ago Jea, "Seryoso lamang itong nakatingin sa akin habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay nito sa braso ko. "Hindi ko makakalimutan ang sinabi ko sa 'yo noon," bigla akong napangiti sa sinabi nito saka wala sa sariling niyakap ito. 𝘔𝘢𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰, 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap saka tumayo. Agad hinanap ng aking mata ang aking mga kasama. Halos patakbo akong lumapit kina Cynx at Caiden para gisingin, gan'on rin ang ginawa ni Axel kaila Crius at Aela. "Anong nangya— anong amoy 'yon ang baho!" Napatakip ako sa aking ilong nang muling umalingasaw ang nakakamatay na amoy ng mga patay na daga.
"Teka! Nasaan tayo?" nakakunot-noong tanong ni Aela. Tinignan nila akong lahat na para bang naghihintay ng sagot. "Hindi ko rin alam, basta nandito na lang tayo noong magising ako." Wala kang makikita kun'di ang madilim na bahagi ng sulok nito, mga dugong nagkalat sa sahig at ang patay na daga na nasa isang sulok lang. Tanging sinag ng araw galing sa maliit na bintana ang nagsisilbi naming ilaw.
" Anong lugar ito? At saka sino ang nagdala dito sa atin?" Sari-saring tanong ang gusto naming itanong sa bawat isa, ngunit ni-isa sa amin hindi alam kung nasaan kami. "Anong gagawin natin? Natatakot ako." lumapit ako kay Cynx na ngayon ay umiiyak habang yakap ang tuhod nito, mahina pa naman ito at matatakutin.
Yumuko ako upang mag pantay ang aming ulo. "No, don't be scared. Nandito pa kami, okay. Makakalabas din tayo dito," hinaplos pisnge nito saka niyakap, kahit papa-ano ay mabawasan ang takot nito. "Hindi n'yo ako isasama? Bestfriend is over na ba?" Lahat kami ay natawa sa inasta ni Aela, ang OA talaga ng babaeng ito.
Nakasimangot lang ito habang nakatingin sa amin, "Sige na nga! Ang OA mo talaga!" Mahinang sigaw ko, lumapit naman ito saka nagyakapan. Napatingin ako kay Axel na ngayon ay nakatingin sa akin, ngumiti ako. Habang sina Crius at Kaiden naman ay puro tawa lang ang ginagawa.
Lahat kami ay napatingin sa aming harapan ng biglang may natumabang bagay sa sahig. Tumayo na kami saka lumapit sa bawat isa. "Walang lalapit, dito lang tayo. Hindi natin alam kung ano ang mayroon sa lugar na ito lalo na at tanging sinag lang ng araw ang ilaw natin," Tumango lang kami. Impossibleng, hindi lamang kami ang naririto.
Kasabay ang pag bukas ng ilaw ang pag-lapit ng isang babaeng may nakakarinding tawa. Nakasuot ito ng itim na dress, ang labi nito ay kulay itim dahil sa lipstick na ginamit. Halos lahat ng suot nito ay itim. "Sino ba 'yan?" Mahinang bulong ko.
"Hindi ko alam pero mukhang s'ya ang may pakana ang lahat ng ito. Kung bakit tayo nandito," madiin na tugon ni Axel. Matalim lamang kaming nakatingin rito, sa wakas huminto rin ito sa kakatawa. Kulang na lang mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas.
Ngumisi ito saka sinuri kami gamit ang nakakalokong tingin nito." Mabuti na lang at umayon ang oras na madala ko kayo rito, hindi n'yo ba ako nakikilala?" Tinaasan ko lamang ito ng kilay, nang maramdaman kung sa akin pala ito nakatitig.
"You look so familiar, nagkita na ba tayo dati?" tanong nito. Anong ibig sabihin n'yang familiar? Maski ang mukha nito ay pamilyar rin sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko s'ya nakita.
YOU ARE READING
Suicidal Games (On-Going)
Mystery / Thriller-Hide until you get your weapon. A place where you can see the real you. A place where you can kill your own self. Just hide until the moon became sun.