Suicidal Games : i miss you
Nakangiting nakatingin lahat ng mga taong aming madadaanan papasok sa isang na resort dito sa Bataan na kung tawagin ay 'PLAYA LA CALETA'.
Napatulala kami sa 'ming harapan nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng resort,"Ang ganda" Sabay-sabay na wika naming anim saka tumawa.
Hindi mo akalain na may ganitong lugar pa dito sa Pilipinas, tila napapalibutan ka nang nagsisigandahan na dyamante dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito.
Inilibot ko ang aking tingin saka napatulala sa 'king nakita, "Woah, totoo ba 'yan miss?" Agarang tanong ko sa babaeng nasa harapan ko. Siguro isa itong staff sa resort na ito dahil na rin sa suot nito kagaya sa naunang nakita namin.Tumingin ito sa akin at tumango na mas ikinamangha ko pa. Akalain mo may mini statue of liberty rito sa loob ng resort. Bahagya akong napatingin sa aking kasama na nagsisigaw at nagtatawanan habang nakikipag- usap sa isa pang staff ng resort na ito.
Agad kung binuhat ang gamit ko saka tumungo sa kinaroroonan nila, "Hoy! Wala ba kayong balak na tawagin ako ha? Kung hindi ko lang siguro kayo nilingon siguro ay naiwan na ako rito mag-isa!" Sigaw ko sa harap nila at wala sa sariling napatakip sa bunganga nang makita ang kausap nila.
Para akong batong itinapon sa kalawakan na halos hindi maigalaw ang katawan," Oh ano bakit parang natulala ka d'yan ha? " bulong ni Cynx saka mahinang tumawa.
Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. Kung panaginip lang ito ayaw ko nang magising pero hindi, totoo s'ya.
Bumalik ako sa wisyo nang may kung anong bagay ang dumapo sa batok ko." Aray ko naman Cynx! Kung ikaw kaya ang batukan ko d'yan ha!"gigil na sigaw ko sa kan'ya.
Bahagya akong napangiti saka mahinang bumulong," Axel Froyth, ikaw nga!" Natawa naman ang mga kasama ko dahil sa inasta ko. Pero seryoso, hindi ko alam na dito ko rin pala s'ya makikita.
Bigla akong napatingin kay Aela nang magsalita ito, " Axel alam mo ba na hinaha— Aray ko naman Jea!" Halos maiyak ito sa sakit nang tapakan ko ang paa nito saka inalayo sa kanila. Bwesit na babae ito, malilintikan talaga ito kapag may nalaman si Axel.
Habang sina Cynx at Kaiden naman ay mahinang tumatawa. Muli akong tumingin kay Aela na ngayon ay masamang nakatingin sa akin habang hawak ang kaliwang paa nito, "Sa dami mong pwedeng tapakan bakit ito pang paa ko!" malalim na huminga ito habang ako naman ay nag-pipigil ng tawa. "Nagkasugat tuloy!" inirapan ko lang ito.
"Hindi ka talaga makakapagkatiwalaan ano? May balak ka ba na ibuking ako ha?!" Ako naman ang masamang nakatingin sa kan'ya ngayon. Buti nga at hindi lang 'yan ang ginawa ko sa kan'ya e.
Bahagya akong napalingon sa aking likuran nang makarinig ako ng mahinang tawanan. Laking gulat ko na lamang na makita sila Axel at mga kasama ko. "Kanina pa ba kayo r'yan?" Nakangisi lang ito sa akin habang titig na titig sa aking mata. " Kung sinabi kung hindi may magagawa ka?" Pabalang na sagot nito.
Akmang hahampasin ko sana ito nang biglang sumabat sa usapan namin si Aela saka pumagitna." Hep hep! Ano kaya kung pumunta muna tayo sa room natin kase kanina pa nangangawit ang tuhod ko, " Ngumiti ito ng pilit kaya wala na akong nagawa kun'di ang ibaba ang aking kamay at buhatin ang aking bag.
"Tulungan na kita r'yan, alam kung pagod ka pa sa biyahe," Hinayaan ko na lamang na buhatin nito ang dala kong bag hanggang sa makarating kami sa tutuluyan namin dito sa resort.
Pagbukas pa lang ng pinto agad sasalubong sa 'yo ang mga furnitures na gawa sa kahoy. Malaki ang kwartong ito sapat na sa aming lima— anim pala."Wala namang masama kung pati ako kasama 'di ba?" tanong ni Axel saka inilapag sa sahig ang bitbit nitong bag.
YOU ARE READING
Suicidal Games (On-Going)
Mystery / Thriller-Hide until you get your weapon. A place where you can see the real you. A place where you can kill your own self. Just hide until the moon became sun.