2

6 2 1
                                    



"Psst!" Napalingon ako nang may marinig na sumitsit at nakita ang boss ko na naka silip sa pinto ng office nya at sinesenyasan akong pumunta doon. Hindi pa naman lunch time. Ano nanaman kayang gusto ng isang 'to.


Ginagawa nya 'yon kapag hindi related sa work ang pag uusapan namin. Nag tataka na nga ang iilang employee dito sa floor na 'to kung bakit daw sinisitsitan pa ako e pwede naman tawagan nalang sa landline. Sabi ko naman ay baka madaming spare time kaya nagagawa pang tumayo which is partly true dahil hindi naman talaga gaanong ka hectic ang schedule ni Mav.


Inayos ko muna ang mga gamit sa desk ko bago tumayo at Pumasok na sa office nya, sinalubong nya naman ako ng yakap at nag peck sa lips. Napaka clingy talaga.


"Miss you." Bulong nya at siniksik ang mukha sa aking leeg.


"Nandyan lang naman ako sa labas." Sabi ko habang niru-rub ang likod nya at dahan dahang itinulak habang mag-kayakap parin kami para maupo sya sa swivel chair nya at ako naman ay sa lap nya. Lagi namang ganito ang ayos namin e hahaha.


"Dito ka nalang kasi sa loob mag work, ako lang naman boss mo e." Ungot pa nya. Super cute nya today, swear.


He's still squishing his face against my neck nang may kumatok, aalis na sana ako nang mag salita ito,


"Sir??" Oh it's Ash, we're safe.


Ash, or Ashia, is my bestfriend. We've known each other for years now. Classmate ko sya from grade 7 and believe it or not, until we graduated college ay hindi kami nagkahiwalay. We became friends with Mav when he transferred to our school in college and eventually, unexpectedly, he fell in love with me. Or that's just what i thought. Baka nga ako yung unang nahulog. And what's fun here is that, kung sino pang bestfriend namin, sya pa ang huling nakaalam na kami na! I mean, sobrang slow nya talaga minsan pero sumobra ata that time, kasi, Mav and I have been so sweet in front of her and she didn't even think na baka kami na? Oh god, she stressed me out that time.


"Pasok!" Agad na sabi ni Mav


Masama akong tiningnan ng bestfriend ko nang makitang nakakandong ako sa aming boss kaya tinawanan ko sya.


"Ito na po yung report na pinaayos nya sa'kin kahapon." Formal nyang sabi, "ang harot nyo po." Dagdag nya at ngumiti ng peke kaya napatawa nalang din si Mavy at pinalayas na si Ashia. "Please lang, 'wag nyo dito gawin ang inaanak ko, okay?" Sabi pa nya bago tuluyang lumabas ng office.


"She just gave me an idea. What do you think, love?" Tumingin sya sa'kin.


"Ewan ko sa'yo, let's get back to work na." Akmang tatayo ako pero hinila nya ako pabalik, "Mahal! Mamaya na." Reklamo ko


"Noooo!" Reklamo nya din at nag pout pa. Hay nako Maverick!


"Ano bang gusto mo? May sakit ka ba?" Sabi ko at hinipo ang kanyang leeg at na-realize na mainit nga sya, agad akong nag alala "kanina pa ba yan?" Hindi ko kasi pansin kanina e


"No, now lang. Nagsuka ako." Malungkot nyang sabi. Kaya pala ang clingy. Ayaw nya din kasi kapag nagsusuka sya, mas lalong sumasama ang pakiramdam nya kapag ganon.


"Di mo kaagad sinabi? Masakit ulo mo?" Magkasunod kong tanong at tumango lang sya. "Higa ka nalang muna doon sa couch, i'll get you something to eat para maka-inom ka ng gamot." Tumayo ako at hinila sya papunta sa couch, "mabilis lang ako, i love you." I kissed his forehead and he just nodded then closed his eyes.


"I love you" he murmured. Kawawa naman ang big baby ko.


Agad akong lumabas para mag take out ng rice meal at soup sa malapit na fastfood at bumili ng gamot sa drug store bago bumalik sa office.


A Life With YouWhere stories live. Discover now