Prologue

26 6 1
                                    

In this world your life is just a mess for me that needed to be clean up

-killer

ISANG magandang araw iyon sa mga mag-aaral ng isang pribadong paaralan . Ang sikat ng araw, preskong hangin at ang masasayang mukha ng mga studyante. Unang araw ng mga studyante sa paaralang iyon.

Ang mga estudyante ay pakalat-kalat kahit saan. May naghahabulan , nag-aaway,nagsisigwan,naghahalikan pero ang nakapukaw ng pansin ni
Ceyla ay ang isang estudyante na nakaupo sa isang puno ng narra. Hindi niya alam kong bakit bigla nalang siya lumapit sa isang babae. Pero bago iyon ay tinignan niya muna ito.

Maikli ang buhok,katamtaman lamang ang kanyang taas ,nakasuot ito ng uniporme ng paaralan . Mukhang bago ito kasi ngayon niya palang ito nakita ni Ceyla.

Ceyla in is second year college taking up , HRM course. She loves to cook that's why ganun ang kinuha niyang kurso. Mahaba ang kanyang buhok na umabot sa kanyang pwet. Katamtaman lang ang taas , ang kangang katawan naman ang okay lang. Hindi mataba at hindi rin mapayat.

"Hi ! Bago ka lang na dito ?" nakangiting tanong niya

Nagbabasa ito ng libro kaya naman hindi agad siya napansin ng babae. Nilingon lang siya ng babae at bumalik agad sa kanyang pagbabasa. Hindi pa rin siya pinansin ng babae at patuloy lamang sa pagbabasa ng kanyang libro . It's a pocket book, hindi niya alam ang title .

"Hoy! Ang snob mo naman kausap eh! " Nakasimangot na pangungulit ni Ceyla sa babae "Alam mo ba ? Nakuha mo ang pansin ko , nakita lang kita dito nakaupo and ayon nga pinuntahan kita dito . Bago ka  lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh at mukha-"

"Obvious naman diba? " bago pa man matapos ni Ceyla ang sasabihin pinutol na ng babae ang kanyang sasabihin . Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad na pero nakailang hakbang palang siya ay pinigilan agad siya ni Ceyla.

"Luh! Bakit ganyan ka naman magsalita sakin . Yes! Bago ka dito and gusto kita maging kaibigan and isa pa you don't know me " Nakangusong sabi niya sa babae

"Kilalang-kilala kita Ceyla Marie " nakangising sabi nito. Ang hugis ng labi niya na sobrang pamilyar sa akin . Ang pagbuka ng kanyan bibig. Napakalamig ng kanayang tinig , parang nagyeyelo iyon . Napatulala lamang ako at tuluyan ng umalis ang babae.

Bakit parang narinig kuna ang boses na 'yun? tanong ni Ceyla sa sarili nagtataka man ay umalis na rin si Ceyla . Habang papunta si Ceyla sa kanyang kwarto ay may narinig siyang sumigaw . Hindi niya alam kung saan ito galing , sa CR ba o sa bakanteng kwarto ?

" Bahala nga sila andami ko pang gagawin eh" bulong nito sa kanyang sarili.

Binalewala lang niya iyon sanay na siya sa mga sigawan minsan kadi nag-aaway lang naman pala na mga babae , minsan naman may gumagawa ng milagro . Kaya para sa kanya ay wala lang 'yun . Nagpatuloy na lamang siya sa paglakad hanggang sa makarating sa kanyang kwarto.

Madami na ang kanyang mga kaklase sa nandoon at ang iba naman ay naglalandian . Umupo nalang siya sa likurang bahagi ng room . Sa may bintana banda. Maya maya ay mag pumasok na prof.

It was a boring day for her. Nag pakilala lang naman sila at kung ano ang hilig nila . Bakit kinuha nila ang course na HRM. Amboring para sa kanya.

Pauwi na ang lahat ng mga estudyante sa paaralang iyon.Iilan nalng ang natitira kaya parang nakakatakot na . Liblib kasi ang paaralan na ito . Mayayabong ang puno , matataas ang bakod ang mga building naman ay luma na kong tignan . Kaya nga nagtataka siya kong bakit sikat ang paaralang ito . Kahit luma na ang building at may mga matataas na damo sa gilid ng building kung pupunta ka naman sa likuran ng paaralang ito ay gubat na . Kung gusto mo mag trysekil ay kailangan mo pang maglakad palabas.

Playing Death (On going)Where stories live. Discover now