Jennie's Point of View
Sinamaan ko ng tingin si Rosé nang makita ko ang pasimpleng pagkuha nya sa aking ice cream.
Natigilan ako sa pagsubo nang makita si Yeji na pakembot-kembot. Dumiretso ito sa amin na malawak ang ngisi.
"Pinapatawag ka ni Supremo." Nakangiting sambit nito.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Aba malay ko! Basta hinihintay ka nya sa wide spcae."
Inirapan nya ako bago kumembot muling paalis at nakisalo sa mga kaibigan nya atang puro lalaki.
"Flirt." Dinig kong sambit ni Nayeon.
"Ah guys, pasensya na ah? Pinapatawag na ako eh." Napakamot ako sa aking ulo dahil sa hiya.
"Ano ka ba! Okay lang! May responsibilidad ka sa YGU!" Suporta ni Jungkook.
"Ihatid na kita." Prisinta ni Kai.
Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad. Malayo-layo rin ang wide space ng YGU dahil medjo sa dulo ito.
"Napapalapit na ata kayo ni Supremo."
Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Gusto kong tumawa dahil alam kong kahit kailanman ay hindi kami magiging malapit ni Lisa, ni wala nga syang kaibigan eh.
"Pinalitan mo na ako."
Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa dahil sa ka cornyhan nya na inaamin kong nakakakilig. Kung assuming lang ako ay malamang na iisipin kong nagseselos sya but knowing this guy, alam kong nag bibiro lang siya.
Sigh...
"Magiging malapit kaming lahat sa SSG but not her, she isolated herself, kinakausap lang nya kami kapag may kailangan siya."
"Bakit parang mukha kang disappointed?"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya na ikinatawa nya. Inakbayan nya pa ako.
"Biro lang, alam ko naman na ako lang ang nasa puso mo eh."
"Ang corny mo!"
Ramdam ko ang pagmumula sa pisngi ko. Sa lahat ng biro, ang joke ni Kai ang pinaka nakakakilig. Psh!
"Haha anong corny don? Nagsasabi lang ako ng totoo, alam kong may crush ka sa akin eh!"
Natigilan na talaga ako at ang init ng mukha ko. Alam nya? Sinong nagsabi? Masyado ba akong obvious?! Nakakahiya!
"Hahaha! Joke lang! Ito naman!"
Eh? Buti na lang! Akala ko talaga alam nya. Naku lang! Lagot talaga sa akin kung sino ang nagsabi sa kanya! Baka mailang siya sa akin, baka iwasan nya ako. Mababasag ang puso ko 'pag ganon.
"Bakit ka ba kasi pinapatawag ng mokong na 'yon? Ngayon na nga lang tayo nagkaroon ng time tapos sisingit pa siya!"
Ramdam ko na talaga ang pagkadismaya sa tono ng pananalita nya. Walang halong biro.
"Bakit? May lakas ka na ba ng loob para kalabanin si Supremo?" Biro ko.
"Wala. Pero kung ikaw ang dahilan, magkakaroon talaga ako ng lakas ng loob."
Seryoso siya? Kakalabanin nya si Lisa para sa akin? Eh? Nagbibiro lang siya hindi ba? Naman Kai! Masyado kang paasa! Sana nga totoo. Sana...
"Dito na lang." Huminto kami at natanaw ko na si Supremo na nakaupo sa isang bench sa kabilang bahagi ng wide space. "Salamat." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
YG Univeristy | JenLisa (Book 1)
Misteri / Thriller[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #8 - helluniversity 9/20/2020 #1 - jenlisa 3/19/2021