Bisaya Pa More

12 0 0
                                        

"Sabaa ah."

Napatigil ako sa pag compute at tinignan ang katabi kong si Linda.

Siya ay galing Cebu, may mga sinasabi siyang hindi naman namin maintindihan. Sa nalalaman ko lang nag bibisaya siya at bihira lang siyang mag tagalog. Bihira rin siyang magsasalita, pero kung magsasalita naman nakabisaya pa, at worst mag-isang nagsasalita. Praning ata.

"Yawa kalisod..."

Nagpatuloy ako sa pag compute dito sa math at hindi na lamang siya pinansin sa mga pananalita niyang hindi ko naman alam.

"Unsa mani uy...bwesit uy..."

Focus.

"Hala uy bugo bisag 72 answer ba, haymang 72 diri?"

Wag pansinin. Mag focus.

"Giatay kalami e undang."

"Linda!" Napatigil siya at tinignan ako. "Hinaan mo kaunti boses mo pwede? Hindi ako maka pag focus eh." Reklamo ko. Hindi ko na talaga mapigilang hindi mag reklamo.

"Imong mama focus." Sabi niya at tsaka inirapan ako.

Aba't suplada ah!

Hanuraw? Ano sabi niya?

"Mag tagalog ka! Wag mo kong ma ano-ano diyan." Sabi ko. Pero hindi niya ako pinansin o di kayay tinignan man lang. Susurok na dugo ko sa babaeng to eh.

Kalma!

"Kamatay uy." Rinig ko na naman sa babaeng to.

"Okay class, pass now your answer sheet."

Hala!

Hindi pa po ako tapos, maam. Walang ganyanan! Tika lang!!
                

《 @  @ 》
        O

Wala akong choice kundi pinasa ko na ang papel ko sa harap na walang sagot yung iba.

"Maayo maayo."

Nilingon ko si Linda at tinignan ng masama.

"Ano tinitingin-tingin mo diyan?" Napaiwas ako ng tingin nang magsalita siya. Ayan! Nag tatagalog din. Isa lang alam ko inis ako sa kanya, huhu score koooooooo!

Lunch break na kaya bumili ako sa cafeteria at pagkatapos pumunta sa rooftop. Ayokong kumain sa cafeteria, kapagod mga mukha ng tao.

Akmang papasok na sana ako sa rooftop ng may narinig akong nagsasalita.

"Okay ra, kamo diha?"

Sa mga salita, alam ko ng si Linda to.

Pumasok ako ng padabog at tsaka umupo isa sa mga bench dito. Siya naman sa kabilang bench. Nakita ko pang en-off na ang selpon niya at tsaka nilagay sa bulsa.

"May Cafeteria, dito ka talaga kumakain?" Tanong niya.

Gaya ng ginawa niya kanina sa akin, hindi ko rin siya pinansin. Kumain ako hanggang sa mabusog.

Andito parin siya nakaupo.

Hindi ba siya kakain? Tama yang ginagawa mo. Para naman wala na akong katabing tulad mo.

Tumayo na ako para sana bumalik sa classroom nang bigla niyang tinawag pangalan ko.

"Erein." Napatigil ako at lumingon sa kanya. "Nong kanina..." tumigil at napakamot pa siya sa ulo. "Pasensya pala." Sabi niya.

Luhh

"Ahh ehh hehe...o-okay lang yun...ahh w-wala y-yun. Hehe." 

Umayos ka Erein. Bakit ako nauutal sa babaeng to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Where stories live. Discover now