--Cinder Mallari--
Year 2004
"See You Again, love."
Euge Sawyer, ang nag-iisang lalaking nagturo sa akin kung paano mag mahal. Pagmamahal na hanggang dulo, pagmamahal na hindi maipapaliwanag, pagmamahal na hindi inaasahan.
Pero parang hanggang dito nalang. Lahat ding bagay may 'ending' kahit anong simpleng bagay pa yan.
"I love you." Sa huling saglit at hinalikan ko siya sa noo sabay pinikit ang kanyang mga mata. Isang luha ang pumatak habang sinasabayan sa puso kong kumikirot.
Mundo ko'y napaikot nang ikaw ay minahal pero parang dito nalang ang ikot nang ako ay iyong iniwan.
•••
Way back 1998...
"Cinder!" Halos mahimatay ako sa pagsigaw ni Euge sa likod ko.
"Bobo to. Anong trip mo?! Tanga!" Sigaw kong bigkas sa mukha niya.
Andito kami ngayon sa labas ng bahay, 1:20 am na nang dumating si Euge dito. Ang tagal bes, parang milyong-milyong taon. Kala ko pa naman nag me-make-up pa ito sa tagal. Btw, kami na pala ni Euge since 1993, at 1996 na tayo ngayon. So ayan mga guys wala kayong pake sa pagmamahalan namin ni Euge. Charoot mahal ko kayo!
"Bobo naman sayo. Yieeee." Natawa nalang ako sa mga banat niya. Pwede ahhhh! Kahit na ang tagal na naming nagsama, 'di ko alam pero andito padin yung kilig. Siya lang first boyfriend ko, kaya mahal na mahal ko to. Isang sapak nalang talagang mahuhulog na ako sa kanya, tanga! Nahulog na nga ako.
"Tigilan mo yan!" Sabi ko. Tumawa naman siya.
Di ko alam pero pag tumatawa siya parang matulala ako, o di kaya malulutang. Minsan nga hindi ko alam anong gagawin ko, e alam ko namang pupula din tong mukha ko.
•••
Year 1998
Ang taon kung saan marami na kaming away ni Euge, ang taon kung saan dito na lumalabas ang nakakatakot na si Euge, nag Yoyosi siya, umiinom ng alak, o di ba sa nalalaman ko tuwing nag-aaway kami gagamit siya ng drugs. Magdamag ng umiinom. Sa kunting bagay inaawayan na namin. Mataas na pride na dito. Pero isa lang ang alam ko, kahit na ganyan siya 'never niya akong sinaktan' physical pero nasaktan emotional.
•••
Year 2000
Taon na kung saan hiniwalayan niya ako ng walang rason. Ilang buwan akong nagmokmok sa kwarto, hindi kumakain, hindi natutulog. To the point na para na akong zombie sa mukha ko. Everyday kino-contact ko si Euge pero kahit ni isa walang sagot akong natanggap. May mga araw ding pinupuntahan ko siya sa bahay nila pero wala akong makitang Euge, tinataguan niya ako. Ayaw na niyang maki pagmeet sa akin.
•••
Year 2003
Panibagong hakbang ng buhay ko. Pero hanggang ngayon mahal ko padin si Euge, andon ang word nga 'kapit' e dahil maayos pa ang lahat ng to. Kahit na sobrang sakit. Kahit wala na kaming commu. Wala nang paramdaman pa, pero andito padin yung pagmamahal ko sa kanya.
•••
Year 2004 September 9 at 9:04 pm
*ring*
*ring*
*rin--*"Hello?" Sagot ko sa tawag na number lang yung nakalagay.
"Cinder," I step backward, habang iniisip iyong boses...boses...babae. Narinig ko na tong boses na ito. "Cinder, si tita mo to." Nanlaki ang aking mata. Hindi agad ako nakapagsalita, ito na iyong hinihintay ko.
"P-po?" Hindi makapaniwalang sabot ko sa kabilang linya.
"Euge...si Euge kasi...hinahanap ka." Nanginig ang tuhod ko sa naririnig galing kay tita. Hindi ako nag dadalawang-isip at tinanong na agad si tita.
"Saan po siya tita?" Mabagsik kong tanong.
"Nasa hospital." Nanlumo ako sa narinig? Agad akong nag drive patungo sa hospital.
Pagdating ko naabotan ko si Tita na namaga ang mga mata. Putek! Pwede bang sabihin kong anong nangyagari? Tinuro niya ang kwarto kung nasaan andon si Euge.
" L-leukemia..."
Dahan-dahan akong pumasok, nakita ko ang nag-iisang babaeng kapatid ni Euge na si Hilary. Nakahawak ito sa kamay ng kapatid habang nagdadasal. Samantalang si Euge ang sobrang putla na, sobrang payat na. Ngiti, yung ngiti niya. Kung noon kinikilig ako sa ngiti niya ngayon napaluhod na ako sa nadarama, ang sakit. Sobrang sakit.
Oo, gusto ko siyang makita pero hindi naman sa ganitong kondisyon. Oo, gusto ko siyang makita pero hindi naman sa ganitong sitwasyon. Nasaktan akong makita siyang kinakaya pa kahit alam ko sa sarili kong hindi na niya kaya.
"L-love." Pagpipilit niyang salita.
Halos bumuhos na ang lahat ng luha ko, at niyakap siya. Sobrang namiss ko to. Sobrang-sobra. Sa loob ng ilang taon ganito ang maaabotan ko? Hindi man lang niya ako sinabihan na nag sa-suffer din pala siya. Hindi ba niya alam na nasasaktan din ako.
"Love, bakit ngayon?" Tanong ko. Nakita ko ang isang luhang dumadaloy sa pisnge niya.
"Ang panget ko na ba, love?" Nagawa pang magbiro. "Ang hirap ng buhay love. Sobrang hirap." Tumango-tango ako habang hindi mapigilan ang mga luha.
"Salamat sa pagdating. Akala ko hindi na kita makikita pa hanggang sa huling hininga." Dagdag niya
"Tumigil ka. Wag kang ganyan! Malakas ka diba!" Pagmamalaki ko sa kanya kahit dalos-dalos na ang mga luha ko.
"Malakas nga pero ang lakas may hantungan. Mukhang dito nalang ako." Napahagulhol ako sa sakit na sinapit nitong puso.
"Pahinga kana?" Tanong ko. Iyon yata ang pinaka malungkot na naitanong ko.
"Di ko na kaya. Ilang beses na akong lumalaban pero parang hanggang dito nalang." Isang ngiti ang umukit sa kanyang labi. Ngiting napipilitan. "Atleast hindi ganoon kasakit ang pagkawala ko sa mundo dahil andito ka sa tabi ko sa huling hininga." Hindi ko na napigilan ang sarili at pinatuloy ang pag-agos sa luha. Wala na akong pake sa kung sino ang makakakita sa aking umiiyak.
"See You Again, Love."
Euge Sawyer, ang nag-iisang lalaking nagturo sa akin kung paano mag mahal. Pagmamahal na hanggang dulo, pagmamahal na hindi maipapaliwanag, pagmamahal na hindi inaasahan.
Pero parang hanggang dito nalang. Lahat ding bagay may 'ending' kahit anong simpleng bagay pa yan.
"I love you." Sa huling saglit at hinalikan ko siya sa noo sabay pinikit ang kanyang mga mata. Isang luha ang pumatak habang sinasabayan sa puso kong kumikirot.
Mundo ko'y napaikot nang ikaw ay minahal pero parang dito nalang ang ikot nang ako ay iyong iniwan.
~~~~~~~
By: Christelalowp