One

2 1 0
                                    

                  Nagising si Feliza ng maramdaman niyang wala sakanyang tabi si marco,  ito ang     unang gabi nila bilang mag asawa  ngunit ni isang halik ay hindi siya nito ginawaran,labis ang kanyang lungkot na nadarama dahil pinag handaan nya pa naman ang gabing ito.

simula ng matapos ang kasal nila kaninang umaga at ang pagtunog ng telepono nito ay bigla na lamang nag bago ang lahat,simula ng makarating sila dito sa kanilang   bagong bahay ay nag iba  na ang pakikitungo nito sa kanya.

Para itong balisa at kung kakausapin nya ito ay bigla nalamang umiiwas ni hindi nya pa nga natatapos ang kanyang sasabihin at kung mag kasalubong man ang kanilang mga mata ay agad agad rin itong iiwas

Hindi nya alam kong ano ba ang nang yayari dito,Kanina lamang ay ang saya-saya nila,nagpalitan naman sila ng Ido kanina sa simbahan na walang nasasaktan at alam nya rin na mahal nila ang isat-isa dahil matagal na silang mag kasintahan.

bumangon si feliza sa pag kakahiga at lumabas ng kwarto
nag tungo siya sa isang silid dahil nakita nya itong nakabukas,bunuksan nya ng dahan dahan ang pinto at doon nya nakita ang asawa na natutulog, sakit ang humuhit sa mga mata ni feliza ng makita nya ito.

Na kahit sa pag tulog ay hindi siya nito nagawang tabihan, isinara nalamang niya ang pinto at bumalik sa kaniyang silid na dapat ay kwarto nilang dalawa

Hindi napansin ni feliza na may umalpas na palang luha sa kaniyang mata hanggang sa tuluyan na siyang humikbi
napakasakit ng nararamdaman niya ngayon na kahit siguro anong pag papatawa o pagiging kingkoy ni Mr.Ben ay hindi niya makuhang tumawa.

Nagising si feliza na mugto ang mga mata,ayaw sana niyang umalis sa pag kakahilata sa kama ngunit naisip nya na mag hahain pa sya ng kanilang almusal dahil wala pa naman silang na kukuhang makakatulong niya sa bahay.

Kahit na  marangya ang buhay  na kinagisnan ni feliza ay hindi padin sya nag aatubiling mag trabaho sa mga gawaing bahay
Dahil naaalala nya ang kanyang yumaong ina na nag turo sa kanya ng mga gawaing bahay.

  matapos makapag luto ni feliza ay ang pag dating  naman ni marco naka ayos na ito at nakasuot ng damit pang trabaho
ah goodmorning kumain ka muna- naiilang na bati ni feliza dahil hindi nya alam kung ano ba ang dapat na sabihin dito

wala akong ganang mag almusal-ani nito bago tulayang umalis ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya na parang natatakam ito ng makita ang kanyang ginawang agahan ngunit hindi nya na yun pinag tuonan ng pansin  dahil sakit na ang umusbong sa kanyang dibdib,pinigilan na lamang niya ang kanyang nag babadyang pagluha at kumain nalamang mag isa...


Feliza,Luna (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon