Three

1 1 0
                                    

                         "Oy sis,kumusta naman ang buhay may asawa haha" tanong ni thea ang matalik niyang kaibigan,nag wi-window shopping nalang sila sa mall dahil wala naman silang bibilhin.
hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong ng kaibigan.


Ngumiti muna siya bago sagutin ang kaibigan
"maayos naman,, sa-sakatunayan nga ay mas minamahal pa namin ang isat-isa" Hindi mapakaling sagot niya

Batid ni feliza na puro'ng kasinungalingan lamang ang kanyang sinabi dahil ayaw naman niyang mag alala ang kaibigan lalo na't buntis ito,hanggang sa napagod silang dalawa at na pag isipang umuwi nalang.

Pagkarating ni feliza sa kanilang bahay ay wala siyang nadatnan na asawa,marahil ay nasa trabaho pa ito.

Si marco ay isang sikat na pintor sa kanilang lugar.samantalang siya naman ay isang Sikat din na Fashion designer,meron narin siyang sariling butique na minana pa niya sa kanyang Ina
              

Naupo si feliza sa single sofa at napa buntong hininga,inilibot niya ang kanyang paningin sa buong kabahayan, mapapansin mong napakatahimik nito na wari mo'y walang nakatira.

  simula ng araw na dinala ni marco ang babae nitong si daila sa bahay nila at sinabing buntis ito ay hindi niya na alam kong anong gagawin.

hindi naman kami ganito noon,Akala ko mas magiging masaya kami kapag kami ay mag-asawa na, Hindi mapigilan ni feliza na balikan ang dati nilang pag sasama ni marco na kung saan ay maayos pa ang pakikitungo nito sakanya.

*******

"marco naman eh"pag mamaktol  ni feliza sa kanyang nobyo dahil bigla nalang siyang hinalikan nito  sa pisnge,

"haha what"pag mamaang maangan nito,kaya kinurot nalang niya ito ng mahina sa tagiliran na ikinatawa lang ni marco.

Sa isip isip lang ni feliza ay masyado silang PDA dahil nasa loob sila ng mall at marami pang mga taong namamasyal.


     Napangiti na lamang ng mapait si feliza ng maalala ang panahong sila ay mag nobya't,nobyo pa.

Feliza,Luna (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon