Met but not Meant

156 2 0
                                    

MET BUT NOT MEANT

Her Majesty Writes 


Akala ko natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko habang buhay, akala ko siya na yung tatanggap sa akin ng buo at magmamahal sa akin ng totoo but fate does really love playing at isa na ako sa mga pinaglaruan niya.



"Merry Christmas!" bati sa akin ng isang ginang paglabas ko ng simbahan.



Nginitian ko muna ang ale bago ako sumagot, "Merry Christmas din po." ngumiti lang din ang ale at saka nagtuloy-tuloy nang lumabas ng simbahan.



Napapailing nalang ako habang naglalakad  patungo sa parke at naaaliw akong makita ang mga batang paslit na naghahabulan at mga magkasintahan na magkahawak kamay. Napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla itong kumirot, nasa ganoon akong posisyong nang may nakabangga ako.



"P-pasensiya na..." nag-angat ako ng tingin at halos lumuwa ang puso ko. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at maging siya rin.



"Pasensiya ka na, sige aalis na ako. Merry Christmas-" nagulat ako sa biglaang pagpigil niya sa aking braso.



"Can we talk?" maalumanay na tanong ni Kzuter.



Ayoko. Kung maaari sana ay ayaw ko na muna siyang makausap.



"Please?" tumingin ako sa mga mata nito at sumalubong sa akin ang mga matang nakikiusap.



"How are you, Miles?"nakaupo ito sa may bakod samantalang ako ay nakaupo sa harap niya.



"Stop asking dangerous questions, Kzuter baka hindi kayanin ng konsensiya mo." marahil napansin nitong nangingilid ang luha ko kaya naman napayuko nalang siya.



"I'm sorry if I'm the worst person you've ever met. Everything's messed up and I know this time, it's all my fault." saad ni Kzuter.



Nagkibit balikat ako, "It's okay, tapos naman na." I smiled but bitterly, kaagad kong pinunasan ang butil ng luha ko.



"Akala ko ba tanggap mong wala na tayo? What are those tears for?" he asked.



For the second time, I smiled but this time, no tears involved, "I just accepted it but that doesn't mean I wasn't hurt."



I looked at him, he looks worried and I saw a glimpse of sadness and guilt on his eyes.  Too bad we can't be together now even if there'll be a second chance.



"Sometimes I cry because I miss how we used to be before. It's just painful knowing we can't bring it back anymore."



Muli pa sanang magsasalita si Kzuter ngunit may isang cute na na batang paslit ang kumandong sa akin.



"Bigla nalang po kayong nawala ni Daddy sa loob ng simbahahan, Tita  kanina pa namin kayo hinahanap ni Mommy." napangiti ako at pinisil ko ang magkabilang pisngi ni Miley.



"Sorry na po, halika na puntahan na natin ang Mommy mo." hinawakan ko ang isang kamay ni Miley at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko si Kzuter.



"Let's go home, b-brother-in-law." hindi ko na siya hinintay pang sumagot at kaagad ko na siyang tinalikuran.



The new trending song really suits us- pinagtagpo pero hindi itinadhana. I was there yet he chose my sister, maybe he came just to give lessons in my life.


-END-


Her Majesty Writes | Work of Fiction
PLAGIARISM IS A CRIME

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now