Umaga, kakatapos ko lang magkape. Nakaupo ako ngayon sa upuan sa labas ng bahay, malakas kase signal dito kaya masarap tumambay, hehe. Ka chat ko si Sibal, jowa ko dito sa rpw. Pano kasi, tuwing umaga binibigyan ko sya ng LSM at ngayon lang kame nagkasabay mag online. Minsan kase mga 10am na sya nagigising kaya hape ako ngayon kasi online sya kahit 6am pa lang ng umaga, yie.
Mag two-two weeks na kame ni Sibal kaya naman sobrang hape ko, pano kase pag nagkaka jowa ako dito e umaabot lang ng ilang araw amp. Kaya naman gulat ako ng umabot kame ng 2 weeks ni Sibal ngayon, hehe. Busy ako kaka tipa ng mga reply kay Sibal ng bigla akong nakarinig ng sigaw, yung uri ng sigaw pag may sunog, ganon tss.
“ YUUUUUNI! PUNY* TA KANG BATA KA! KE AGA-AGA SELPON NA NAMAN KAHARAP MO! ANO? IPAKAIN KO NA BA SAYO YAN? HA? HALI KA DITO AT TULONGAN MO AKO SA PAGLALABA! ” sigaw ni mama galing sa kusina.
Napairap naman ako, tss aga-aga pa nga maglalaba na agad? Busy pa nga ako kaka chat dito kay Sibal. Minsan lang nga kaming sabay mag online ngayong umaga! Tsk.
“ Ma naman, ang aga pa po para maglaba! Chill ka muna jan ma, natutulog pa nga kapitbahay naten tas ikaw maglalaba na? ” sagot ko naman kay mama habang busy pa ding nagrereply kay baby Sibal ko;).
“ DISKARTE MO BATA KA? DI MO AKO MADADALA JAN. HALIKA NA RITO! TSAKA KA NA MAGSELPON PAGKATAPOS MAGLABA! ” sigaw pabalik ni mama. Tsk! Sure ako nagising na mga kapitbahay namin dahil sa sigaw nya.
Dahil ang ingay ni mama, nagpaalam nalang muna ako kay Sibal na magluluto. #KunyareGoodGhurl. Hayst, kahit masakit isipin na mawawalay ako kay Sibal, sinikap kong tumayo at tinulongan si mama sa pagbubuhat ng mga labahin papunta sa poso, poso mo yieee jok.
9:26am ng matapos kaming maglaba ni mama, nag umagahan na din kame sa kalagitnaan ng paglalaba namen. At ngayon nga dahil tapos na kameng maglaba ni mama, ibig sabihin... BEBE TIME na!
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko mula sa aparador at ini-on ang data sabay open ng facebook. Inopen ko agad ang convo namen ni sibal at heaven! Online sya! Kaya naman halos bumaon ang kuko ko sa screen ng cellphone kaka type dahil sa excitement na nararamdaman ko. Mga ilang minuto na din kaming magkausap ni Sibal ng narinig ko na naman ang sigaw ni mama, hays.
“ YUUUNI! PUNY*TA!NAGSESELPON KA NA NAMAN JAN HA? MAGHUGAS KA NA NG PLATO! TSAKA MAGSAING KA NA DIN! WAG MO DING KALIMOTANG WALISIN TONG TUYONG DAHON SA LIKOD! ”sigaw ni mama mula sa likod ng bahay.
Wtf?! Akala ko ba pwede na magcellphone pagkatapos maglaba? Ano to? Lokohan? Tsaka ako lang ba anak dito? Sila ate? Kuya? Ampon lang ba sila? Feeling ko tuloy ako na si Cinderella, hays. Dahil sa inis, di ko din mapigilang mapasigaw habang kausap si mama.
“ MA NAMAN! KAKATAPOS LANG NGA NATIN MAGLABA TRABAHO NA NAMAN? NANDYAN NAMAN SILA ATE AH? ” Parang nawalan na ako ng ganang e chat si baby Sibal ko;(.
‘Sorry baby Sibal ko’.“ABA! SUMASAGOT KA NA NGAYON? ANO? KUNIN KO NA BA SINTURON NG PAPA MO SA KWARTO? O TAWAGAN KO PAPA MO TAPOS SABIHIN KO BAWIIN YANG SELPON MO, TOTAL MUKHA KA NG BALIW KAKA SELPON MO! SOBRANG TAMAD MO NA! DI KA NA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY! PAKAIN KO NA TALAGA YANG SELPON SAYO TIGNAN MO” galit na sigaw ni mama.
‘Haaay, buhay nga naman, parang life’ mahinang usal ko habang nilog-out ang account ko ng di nagpapa-alam kay Sibal. Sana pagbalik ko kame pa rin, huhu.